21

2.9K 84 5
                                    

Pagkahatid saakin ni Sir Friosty ay gusto pa sana na makapasok sa loob pero hindi ko na hinayaan dahil hindi pa ako ready na makilala niya ang kpatid ko.

Hindi naman sa nababahala ako o ano pero kasi gusto ko kung magkakakilala sila ay sa pag-alis na lang namin at hindi sa ganitong paraan.

Madami pa namang pag kakataon diba?  Kaya ngayon ay pumasok na ako sa loob ng bahay namin at kaagad na sumalubong ang makulit kong kapatid.

"Ate!!" Sigaw nito at mabilis na kumaripas ng takbo at mahigpit akong niyakap.

"Ay! Para namang isang taong nawala si Ate, a?" Natatawang sambit ko at niyakap siya pabalik.

Nag angat naman ito ng tingin saakin at malawak akong nginitian bago nagsalita.

"Oo Ate. Namiss po kita e." Sagot niya kaya napangiti ako.

"Ows? Talaga, nung nawala si Ate nag kulit kaba? Baka pinasakit mo ulo ni Ate Cheryl ah?" Tanong ko at marahang humiwalay sa yakap niya at hinila siya papunta sa kusina.

Ipag luluto ko na lang siya para makabawi sa isang gabi na hindi ko siya nakasama baka kasi may tampong tinatago pang suhol lang.

"Hindi po Ate. Dito po ako natulog." Gulat naman akong napatingin sa kaniya at napatigil sa ginagawa kong pag kuha sa kawali.

"Anong sabi mo? Bakit? Diba sinabi ko kay Ate Cheryl na doon ka muna matulog sa kanila bakit dito ka padin natulog?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya at tuluyan ng humarap para makapag usap kami ng maayos.

"Umalis sila kagabi. Gusto niya po akong isama pero hindi ako pumayag ang sabi niya kasi ay isang araw ka lang naman mawawala kaya sabi ko dito na lang po ako matutulog." Pagkarinig ng paliwanag niya ay parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko.

"Oh ang Baby ko." Nangingilid ang luhang sambit ko at mabilis na lumapit sa kaniya at ikinulong siya sa mga bisig ko.

"Sorry. Sorry. Sorry." Paulit-ulit na hingi ko ng tawad sa kaniya dahil mas inuna ko pa ang nangyari kagabi kaysa sa isipin ko na may bata nga palang nag hihinatay saakin.

"Kung alam ko lang na maiiwan ka nila ay sana hindi na ako sumama pa at mas inuna na lang kita." Naiiyak ko pang sambit at kumawala sa yakap naming dalawa.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko at ganon na lang ang gulat ko ng tanggalin niya ang kamay ko at siya na ang nag punas ng luha sa
mata ko.

"Hindi mo naman po kailangan mag- alala Ate." Seryoso niyang sambit kaya napatitig ako sa kaniya ng mabuti.

"Pero Baby ka pa. Paano pag may nangyaring hindi maganda dito sa bahay at mawala ka? Mamamatay si Ate non." Paliwanag ko sa kaniya.

"Hindi mo po kailangan isipin iyon Ate Ko. Memorize ko po lahat ng number sa Police station. Alam ko rin po kung saan pupunta kung may mga mag tatangka na pumasok sa bahay natin." Nakangiti na niyang paliwanag at ginantilan ng munting halik ang pisngi ko.

What a cute Baby. Ang talino at ang bibo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung mawawala ang Baby Heiji ko.

Siya ang bagay na nag pamulat saakin sa mundo na kahit na mawala ang taong umaalalay sa' yo noon.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now