40

2.2K 34 21
                                    

🔺IM INNOCENT🔺
***

Kumuha na nga ng damit si Froisty at naiwan kami sa kama, napatingin naman ako kay Heiji ng bigla siyang nag salita.

"Bakit tayo nandito Ate?" Kuryosong Tanong niya sakin. Hinawakan ko naman siya sa ulo at marahang ginulo iyon pagkatapos ay sumagot.

"Sa bahay natin matutulog si Kuya Froisty mo ngayong gabi, okay lang ba sa'yo 'yon?" Marahan kong tanong sa kaniya.

Mabilis naman ang pag tango nito na ikinatuwa ko, dito ko nasisigurado na gustong-gusto niyang kasama ang kuya niya.

"Oo naman po! Gusto ko po kasi may kalaro ako palagi eh." Nakasimangot niyang pahayag saakin kaya ay nahabag naman ang akin loob sa nakita.

Alam kong nangungulila sa isang ama si Heiji pero pa-paano ko hahanapin ang kaniyang Ama kung ang puso ko ay pag mamay-ari na ni Friosty? I sighed. Siguro naman ay pag nakahanap ako ng tiyempo na sabihin sa kanilang dalawa na si Heiji ay anak ko. Hindi ko nga lang alam at sigurado kung kayang tanggapin ni Froisty ang bagay na iyon, natatakot ako.

Napabaling ang aking tingin sa pinto ng lumabas si Friosty d'on. Nagtapat ang aming mga mata at ngumiti saakin. Pilit lang ang naibigay kong ngiti at tumayo na. Dala niya sa isang kamay ang black leather na bag na may kalakihan at siksik ang laman.

'Duon na ba siya titira kaya't ang dami niyang dinalang gamit?' naitanong ko sa aking sarili ng pagmasdan ko ang hawak niyang bag.

"Mga gamit ko lang ito, huwag kang mag-alala." Saad niya na tila nabasa ang tinuran ng aking isip. Napairap nalang ako pero natatawa rin.

"Wala pa nga akong sinasabi, nag rereact kana diyan." Naka ismid kong sambit at inaya na si Heiji upang lumabas na sa kwarto ni Froisty.

Sabay-sabay naman na kaming lumabas at ng maka sakay sa kotse ay minaniobra na niya ito upang maka uwi na sa apartment namin. Mabilis lang naman ang naging byahe namin patungo sa bahay.

"Napaka laki ng bahay mo pero wala ka namang kasama." Wala sa wisyong nasabi ko ang mga salitang iyon. Narinig ko naman siyang tumawa kaya napatingin ako sa direksyon niya.

"Bakit ka tumatawa diyan, may nakakatuwa ba?" Tanong ko, nag tataka.

"Nope.. Nothing. Pero pinasadya ko ang bahay na iyon for my future wife and childrens." He told me that while looking straight in my eyes.

Napalihis nalang bigla ang aking mukha dahil naramdaman ko ang pag iinit ng aking pisngi.

"Childrens ha?! Kay rami naman yata ng gusto mong anak?" Eksaherado kong sambit sa kaniya.

"Well, I'm a Ceo in my business, I even own our family business at ang magiging anak ko ang mag mamana ng mga 'yon, so gusto ko ng maraming anak." May bahid ng pagmamayabang sa tono ng boses niya kaya napairap ako.

"Baka magpapatayo ka pa ng soccer team, aba Froisty maawa ka sa magiging asawa mo." Ungot ko at sumimangot.

"Kung ikaw ba ang magiging asawa ko in the future eh hindi ko na kailangan maawa, you have a beautiful genes, and I have my genes too. Compatible and I'm sure maganda ang magiging anak natin in the future," Proud niyang giit habang nakangiti. Kinindatan pa ako bago tumuon ang tingin sa daan.

"Heh! Mag drive ka nalang diyan at kung ano ano ang mga naiisip mo," pagalit kong Turan at nag iba ng tingin dahil nararamdaman ko ang pag init ng aking magkabilang pisngi sa mga sinambit niya.

"Are you sure you want me to sleep in your apartment?" Maya-maya  ay tanong niya. Napaseryoso naman ako ng maramdaman ko ang pag-aalala sa kaniyang tinig.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now