SIMULA

43 1 0
                                    

SIMULA

WARNING!!

Katatapos ko lang mag handa ng agahan ng makita ko si Mari na may umuusok pang sigarilyo sa bibig.Kagagaling lang nya sa maliit naming silid.

"Heto ang limang daan para sa baon mo at sa ambagan nyo sa school.Siguraduhin mo lang na hindi mo ipang iinom yan dahil babasagin ko mismo sa nguso mo yang alak na iinumin mo".

Seryosong wika nya saka inilagay sa tabi ng tasa ko yung limang daan.Agad na nag salubong ang kilay ko ng mapansing napaka iksi ng suot nyang kulay kahel na dress.

"Aalis ka ulit?"

walang ganang tanong ko saka kinuha yung limang daan at ibinulsa.Naupo nako upang kumain dahil mahuhuli nako sa school.

"Kailangan ko ng jeta ngayong linggo dahil naniningil na si Rosana sa kuryente at tubig.Nga pala baka gabihin ako ng uwi mamaya,
Paghinanap nya ako.Sabihin mo bukas na bayad sa upa".

Bilin nya habang nag susuot ng heels na 3inch ang taas.Tumango nalang ako bilang tugon.Tinapos ko na ang pagkain saka nag ligpit bago maglakad patungo sa eskwela.

Habang nag lalakad sa koridor ng second floor ay binabudget ko sa isip ang 500 na binigay ni Mari.May babayaran akong ambagan para sa PTA na 350.may kailangan akong bilhin para sa materials nung proyekto namin sa science at Tle na nag kakahalaga ng 120.

"40 pesos nalang pala yung matitira sakin.Siguro hindi nalang muna ako mag tatanghalian para umabot yung 40 pesos bukas kung sakaling may babayaran kami".

Napangiti ako ng mapait ng maisip kung gaano ako kahirap sa paaralang ito although public school sya pero lahat ng mag aaral ay may kaya sa buhay maliban lang siguro sakin.

Pumasok nako sa room namin ngunit agad rin akong napa tigil ng bumungad sakin ang presensya ni Alliana na isa sa campus crush 'kuno' ng paaralang ito.

"Wow!Gaano kakapal ba yang muka mo?Hindi kaba nahihiyang pumasok rito na ikaw at ang kapatid mo ang hot to--

Agad kong pinutol ang sasabihin nya dahil sawang sawa nakong marinig ang paulit ulit nyang lintanya na para bang isa akong tanga na hindi sya naiintindihan.

"Hindi magiging hot topic kung hindi mo pinauulit ulit ipag sigawan.Hindi kaba nauumay dyan ha?Manawa kanaman sa issue ng iba."

kunwaring kalmadong sambit ko pero ang totoo kinakabahan ako sa maaari nanaman nyang gawin.Ang babaeng to kasi ay hindi basta basta.Anak sya ng mayor sa lugar namin kaya hindi sya basta basta pinapatulan ng kung sino man.

"Why would i?You and your sister are everyone's favorite topic here"

Mapangasar na sambit nya saka sya tumingin sakin mula ulo hanggang paa na may pandidiri sa expression ng muka.Agad kong kinuyom ang kamao ko.Akala ko sanay nako sa paulit ulit na tingin nayon ngunit paulit ulit ko ring nararamdaman ang panliliit sa kung ano man ang tingin nila sa isang tulad ko lalo na sa ate ko,Kay Mari.

"Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?Maganda ka and i can assure you that you can beat her move. You must be very interesting in every mens eyes"

"WHOOOOOOOOOOOOO"

Nang dahil sa sinabi ni Alliana nag sigawan ang mga kaklase namin.Halos karamihan ay lalaki.Napako ako sa kinatatayuan ko at tanging panggigigil saka lunok nalang ang nagagawa dahil sa kawalan ng lakas na magsalita at depensahan ang sarili ko.

Pero hindi e,Dapat maging malakas ako dahil wala namang tutulong sakin dito kundi ang sarili ko lang.Dapat kong idepensa ang alam kong tama!

"Anak ka ng mayor diba?Pero yung ugaling mayroon ka daig pa ang kriminal!Ganan kana ba kalungkot sa pamilyang mayroon ka ha Alliana?Na kahit ako na mas mahirap pa sa daga ay talagang gagawan at gagawan mo ng issue para lang ikaw ang mag mukang tama at magaling sa paningin nila?"

Salubong ang kilay na gatol ko sa kanya na nagulat sa sinabi ko.Natahimik sya kaya akala ko natauhan sya sa mga pinagsasabi ko ngunit mali pala kasi bumuwelo lang sya.

"HAHAHAHAHAHAHA!Ikaw mahirap pa sa daga?Fuck your ass!!Sinong maniniwalang ang kapatid ng isang porn star ay mahirap pa sa daga?Lol!Ate mo porn star!Kumakabet sa mga mayayaman para lang mag kapera!Madaming sugar daddy at madaming raket dun sa motel.Di na kami magtataka kung pati ikaw alagad na ni Magdale---

Hindi ko na pinatapos ang masasakit at nakahihiyang mga salita ni Alliana dahil kusang kumilos ang palad ko patungo sa muka nyang walang kasing tigas.Nanginginig pa ang palad ko ng itikom ko ito at maluha luhang tingnan ang babae na ngayon ay nakalupagi na sa sahig ng classroom namin habang hawak ang kaliwang pisngi nya.

anong gagawin ko?Nag iisa lang ako at walang mag tatanggol sakin dito.

"S-sumosobra kana....nanahimik ako sa mga pambubully na ginagawa nyo....N-nakiusap ako sayo ng dalwang beses.....PERO ANONG GINAWA MO!!!!!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw at mapaiyak sa galit saka awa sa sarili ko.Sa totoo lang tama naman si Alliana sa lahat ng sinabi nya.Wala akong maipagkakaila pero hindi ko pinagsisisihan na dumampi ang palad ko sa muka nya.

Nakiusap ako sa kanya na tigilan na ang pagkakalat ng mga issue na yon pero pinalala nya pa hanggang sa umabot na sa office ang balitang yon na muntikan ko pang ikahiwalay kay Mari dahil sa pagkuha sakin ng mga taga DSWD.

Mabuti nalang at madaming source ang kapatid ko at nabawi nila agad ako roon.

"How dare you to slapped me at my face bitch!?You'll pay for it!"

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa sigaw nayon ng babae dahil nag kagulo na sa loob ng classroom nayon.

Ako laban sa kanilang lahat.

Love and LieWhere stories live. Discover now