Chapter 15

7 0 0
                                    

Chapter 15

Sagi's Pov

Lumipas ang ilang araw matapos ang naging harapan namin ni Alliana.Natahimik na kaming dalwa.Cold war nalang kumbaga.Gusto kong mag kaayos sana kami bago man lang kami mag kahiwalay ng school pero alam ko na hindi parin sya ready for closure dahil masakit parin sa kanya ang nangyari sa nakaraan.

Nakausap ko na si Mari tungkol don at kagaya ng inaasahan wala rin syang alam sa pagkamatay ng mama ni Alliana.Malungkot ako syempre dahil sya lang ang kauna unahang tao na natawag kong mama simula ng magkaisip ako.Patay na kasi magulang namin ni Mari kaya no choice.Bale bukas na pala ang moving up namin sayang nga lang at hindi ako makakapag martsa.Nasabi ko na rin yon kay Mari.Nagalit sya nung una pero ipinaliwanag ko rin naman sa kanya kung bakit nag kaganon.Naintindihan nya rin naman kaya lang may part na bine blame nya yung sarili nya dahil hindi ako makakapag martsa.

"Huhuhuhuhuhu shuta!Special day yon ng kapatid ko eh tapos di makakapag martsa?Pano kita ipag mamalaki nan!?"

Lasing sya nyan.Magkaharap kaming nakaupo habang iniaabot ko sa kanya yung kape nya para mahimasmasan.

"Ayos lang yan atleast makakakuha ako ng sertipiko.Mas okey na yon kesa wala diba?"

Pag papagaan ko sa nararamdaman nya pero lalo syang umiyak.

Parang bata amp.

Nung mahiga na kaming pareho dun ko naramdaman na kinakain ako ng kalungkutan.Bumuntong hininga ako ng isiping okey naman ako sa araw pero pag dating ng gabi ang daming tumatakbo sa isip ko.Siguro dahil relax na yung katawan ko at wala ng umaagaw sa atensyon ko para mag isip ng kung ano.Bumuntong hininga ako saka pumikit pero biglang tumunog cellphone ni Mari.Wala naman akong balak pakialaman kaso lang tunog ng tunog hindi ako makatulog kaya naman kinuha ko yon at sinagot.

"Hello?"

"Hello?Sorry for calling at this hour,But your Sagi's sister right?I just want to inform you that we will held the moving up ceremony of all grade 10 and Sagi's will be part of that ceremony.Don't be late for tomorrow"

Halos mapasigaw ako sa tuwa ng marinig ang sinabing yon ng nasa kabilang linya.Kulang ang isang gabi para mag saya dahil makakapag martsa ako bukas.

Ang saya saya....

Kinabukasan maaga akong gumising para mag luto at mag igib ng pampaligo naming magkapatid.Nung nagising si Mari agad kong sinabi sa kanya ang nalaman ko kagabi at halos mapaiyak nanaman sya sa tuwa.Agad kaming nag ayos ng makapaligo. Sinuot ko ang uniform ko at ang sapatos ko.Inayusan ako ni Mari ng buhok pero hindi nya ako nilagyan ng kung anumang kulay sa muka.Nag lagay lang ako ng powder saka nilagyan nya ako ng lipgloss.

Nagmadali kaming pumasok sa paaralan ngunit nariyan parin ang mapang husgang mata ng mga tao.Tumingin ako kay Mari at nabakas ko roon ang hiya pero hinawakan ko ang kamay nya saka sya nginitian.

"Congrats Sagi girl!"

Agad na lumapit sakin si Ma'am Aurora at binigyan ako ng mainit na yakap.Nakipag kamay rin sya kay Mari.

"Thank you po sa pag titiwala Ma'am"

Masayang wika ko sa kanya na ngumiti lang saka iniabot sakin ang toga.Agad ko iyong isinuot at naupo sa respective seat namin.Lumingon ako para makita si Alliana pero hindi ko sya makita.Bumuntong hininga lang ako saka tumingin sa unahan pero natigilan ako ng mag tama ang paningin namin ni Leo.Nanigas katawan ko ng bigla syang ngumisi ngunit hindi sakin.Lampasan ang tingin nya at dun ko nakitang kay Mari sya nakatingin na busy lang sa pag se cellphone sa kanyang pwesto.Napalunok ako ng maisip na isa si Leo sa mga panauhin sa araw na ito.

Love and LieWhere stories live. Discover now