CHAPTER 38

0 0 0
                                    

Chapter 38

Sagi's Pov

Ayoko na sanang umiyak gabi gabi for complaining about the same shit again pero eto nanaman ako sa pag iyak dahil bigo kong mahanap yung necklace.Araw araw kong iniiyakan yung nalaman ko at tuwing gabi akong pumupunta sa harap ng bahay ng pamilya ko para lang masulyapan sila.Nahulog pako sa puno kaya naman sobrang laki ng pasa ko sa braso nitong nakaraan pero ayos lang basta nasusulyapan ko sila.

"Hindi kaba masaya para sakin?"

Tanong ni Mari na nasa tabi ko pala.Tahimik lang ako habang ang isang kamay ay naitago ko dahil hindi ko mapigilang hindi ito maiuyom sa galit.

"Buntis ako at magiging tita kana"

Masayang sabi nya kaya naman bahagya ko syang tiningnan.Nakita ko syang umiyak saka haplusin ang
pisngi ko na gusto kong tabigin ang kamay nya para matanggal ang pag kakawak pero hindi pwede.

"Handa kana ba?"

Casual na tanong ko pero sa loob loob ko gusto kong isumbat sa kanya lahat lahat.

"Hindi pa ako handang maging ina Sagi.Natatakot ako na baka lumaki sya at malaman nya kung ano ako noon"

Emotional na aniya sakin pero wala na akong maramdaman pa na kahit ano bukod sa galit.

"Ihanda mo ang sarili mo sa lahat"

Natigilan sya sa sinabi ko saka dahan dahang tinanggal ang kamay sa pisngi ko bago ngumiti at tumango sakin.

"Tama ka nga dapat kong ihanda ang lahat para sa baby kaya naman dapat maging responsable na ako simula ngayon"

Niyakap nya ako pero hindi ko na nagawang gantihan yon dahil ayoko ng iattach pa ang sarili ko sa taong walang ibang ginawa kundi pag sinungalingan ako.Tumaas ako ng kwarto ko dahil gabi na ngayon at swerte dahil umalis sila papuntang pampangga para sa isang business meeting kung kaya't muli kong mapapasok ang kwarto nila.

Lumabas ako sa veranda saka sinimulang akyatin ang pakay ko.3 floor lang naman yon kaya paniguradong bali lang ang aabutin ko kung sakaling mahulog ako.

Nakarating ako sa kwartong yon kung kaya't agad akong tumalon papasok saka inilock ang pinto bago buksan ang ilaw.Sinimulan ko ang pag hahanap ngunit wala akong nakita maliban sa cabinet na may lamang vault na hindi ko naman mabubuksan dahil may password sya kaya naman ipinag patuloy ko ang pag hahanap sa ibang parte ng kwarto.

Limier's Pov

Ready na ang gift ko para sa lahat sa christmas kaya naman matapos kong ayusin yon sa room ko ay bumaba na ako para kumain dahil nakatulog ako at hindi nakasabay sa kanila.Balak ko sanang dalhan si Sagi ng pagkain kaso anong oras narin marahil ay tulog na yon ngayon.Lumabas ako at tumambay muna sa pool area para mag yosi pero may naramdaman akong lumabas sa gate kaya agad kong pinuntahan yon at sumilip.Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ko si Sagi na nag lalakad mag isa kaya pumunta ako sa garahe para kunin ang sasakyan ko ng masundan sya.Sumakay sya ng taxi kaya naman marahan kong sinundan yon habang ang isip ay gulong gulo sa nakikita ko.

Wala syang nakikita kaya paanong nakaya nyang makapag isang bumaba sa hagdanan at lumabas ng bahay mag isa.

Gulat na gulat ako sa lugar na pinuntahan nya and it was Alliana's old house.

She still longing for Alliana?

Hindi ko sya sinundan sa loob ng bahay kaya nag park lang ako ng kotse di kalayuan sa bahay na matatanaw ko parin sya at inabot na sya ng alas tres don ngunit hindi parin sya lumalabas hanggang sa 4am na ng mapag desisyunan kong puntahan na sya pero lumabas na sya at malungkot na nag lakad palabas ng village.Sinundan ko ulit sya hanggang sa dun naman sa bahay nila Li sya pumunta na ipinag tataka ko at bakit nakatayo lang sya don habang nakatulala.

Love and LieWhere stories live. Discover now