CHAPTER 32

2 0 0
                                    

Chapter 32

Leo's Pov

"PUTANGINA!!!Mahihina ang mga batang yon at di kayo kayang labanan bakit hindi nyo parin nadala rito!?"

Gigil na sigaw ko sa mga punyetang tao na tong hindi man lang nadala sakin ang walangyang mga batang yon!

"Eh boss may dumating po kaya di namin nahuli ang mga bata."

Nakatungong sagot ni Basillio sakin habang ako ay paikot ikot sa harap nila at naaasar sa isiping dalwa lang yon pumalpak pa sila at ang malala pa ay nahuli ang dalwa pa naming tauhan.

"At sino naman ang punyetang dumating ha at sadyang hindi mo pa natapos!?"

Kwinelyuhan ko sya at ilag naman syang nag salita.

"Y-yung lagi pong naka bantay sa anak nyo at mga kaibigan nito"

Sagot nya kaya naman padabog ko syang itinulak at kinuha ang bote ng alak para uminom don.Hindi kakalma ang utak ko kung hindi ako malalasing ngayon!

"PUNYETANG BATA YAN MASYADONG PAKIALAMERO!!!!"

Sigaw ko at sinipa ang mga boteng nag kalat sa sahig.

"Boss tatapusin naba namin yung pakialamerong bata?"

Tanong muli ni Basillio sakin munit hindi muna ako nag salita sa halip ay tumitig ako sa kaisa isang picture ni Mari na nakadikit sa pader.

"Tapusin lahat ng haharang sa mga plano kong makuha si Mari pero bago yon gusto kong tapusin ang larong naudlot dahil sa katangahan mo!!!!Kunin nyo si Alliana at ang Sagi nayon dahil sila ang may kasalanan kung bakit nag kakanda letse ang buhay ko!!!"

Gigil na singhal ko saka nag paputok ng baril dito sa inabandunang building kung saan walang nakakaalam na nandito ako.

Sagi's Pov

Umiiyak akong tumaas sa suite namin at pag bukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Ma'am Felineor na  nakabihis na pantulog.

"Aba eh ano ang nangyari sayo?Kanina kapa hinahanap ni Limier,Nakapag usap ba kayo ha?Bakit ka umiiyak?"

Alalang tanong nya sakin bago ako lapitan at yakapin.Nung maramdaman ko ang concern nya sakin ay mas lalo akong naiyak dahil pakiramdam ko may isang taong nakakaintindi sa sakit na pinag daraanan ko ngayon.

"A-ang s-sakit po ng dibdib ko.Hindi ko na po alam kung paano matanggal yung sakit"

Habol ang hininga pang sumbong ko sa kanya na hinahagod pa ang buhok ko habang nakayakap sakin.

"Aba ay ano ga ang nangyari sa inyo ni Limier?Ang batang yon rin ay nag iiyak kanina hindi ka daw mahanap"

Tangina pakiramdam ko napaka sama ko para sabihin lahat yon sa kanya at iignore ang nararamdaman nya para sakin.

"M-ma'am G-gusto ko po si Limier pero hindi po pwede kasi po engaged na sya k-kay Gillian t-tapos...t--"

Hindi ko nanaman natapos yung sinasabi ko dahil kinakapos nanaman ako ng pag hinga sa sobrang pag iyak.Umiling lang ako ng umiling saka naupo sa sahig at ipatong ang ulo ko sa mga tuhod ko habang si Ma'am Felineor ay nasa tabi ko lamang.

"Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin dahil ang daddy nya ang nag desisyon sa lahat ng yan kaya nga baga sinasabi ko na mabuti't dumating ka sa buhay nya kasi kahit papaano ay sayo ko lang sya nakitang maging masaya pero hindi ko naman akalain na sa ganito kayo aabot na sitwasyon"

Animo'y disappointed nyang tugon sakin pero pilit kong pinahiran ang luha ko saka pilit ang ngiting tumingin kay ma'am Felineor.

"U-umamin po sya sakin na mahal nya raw ako pero nag sinungaling ako ng sabihin kong i don't feel the same way kasi po nirerespeto ko ang engagement nya at ang naging relasyon nila ni ate noon.Ang pangit din po kasing naging sila ni ate tapos magiging kami."

Love and LieWhere stories live. Discover now