Prologue

48 0 0
                                    

third person's pov

Maagang nagising ang dalagang si elene,nasa ika-apat na baitang na ito sa highschool ngayong year sa felicidad no.2 highschool.Isa si elene sa mga top ng kanyang section, maganda't makinis ang dalaga kaya nama'y hindi maikakaila ang dami ng manliligaw at nagkakagusto rito,bagamat ayaw pa nito sa kahit na anong relasyon ay todo parin ang mga manliligaw nito.

Nagsimulang mag-ayos si elene para sa unang araw ng kanyang pasok,napaaga ang kanyang gising dahil sa sobrang pananabik nitong makapasok.Namimiss na kasi nito ang kanyang mga kaibigan kahit pa dumadalaw naman ang mga ito sakanya.

"ano kaya ang mangyayari ngayong unang araw ng pasok sana nama'y magkaron ulit ako ng kaibigan bukod kay aivy at aimy" nasasabik na sabi nito.

"pa!" sigaw nito pagkalabas ng kanyang kwarto,hinahanap nito ang kanyang ama,hindi maikakailang may kaya ang pamilya nito dahil sa doctor na ina at sa konsehal nitong ama.

"pa!" ulit pa nitong tawag bago napagpasiyahang bumaba ng hagdan at hanapin ang ama sa may garden,naiwang nakabukas kasi ang kwarto ng ama at ina nito halatang wala ang mga ito roon.

"goodmorning elene"bati ni jorgiya, ang kanilang house maid,tatlo ang mga ito si aling rosing at si marden.

"goodmorning rin giya nakita mo pa si papa hindi ko kasi mahanap kanina pa ako sigaw ng sigaw" nagkakamot ulong tanong ni elene saka nahihiyang tumingin kay jorgiya.

"kaya ka pala sumisigaw akala ko kung napano kana,ikaw talaga!" natawa silang dalawa sa sinabi ni jorgiya "nga pala ang konsehal ay nasa hardin,alam mo na maalagain sa halaman" dagdag pa nito at saka tinuro ang bandang dulo ng bahay,nandoon kasi ang garden ni papa.Magkaiba nga eh si papa mahilig sa halaman si mama nama'y hinde.

"pa!" malakas na sigaw ni elene saka tumalon sa likod ng ama.

"nako elene ikaw talaga bumaba ka diyan at baka mahulog ka pa nako!"

"kayo naman pa eh kayang kaya niyo nga akong buhatin,saka may tiwala naman akong hindi niyo ako ihuhulog.Kayo pa." may pagmamalaking sabi ni elene sa kanyang ama na ngayong hawak ang likod.

"oo na oo na aba't papasok kana ba asan ang kapatid mo" tanong ng ama nito.

"opo pa papasok na po ako.Si lena hindi ko po alam nakasarado pa ang kanyang kwarto kanina."

"baka puyat nanaman ang isang yon hay nako! hala sige ika'y tawagin ng makapag almusal na kayo." utos ng kanyang ama.

"sige pa"

naglakad pabalik si elene sa kwarto ng kanyang kapatid na si lena,dalawang taon ang tanda ni elene kay lena,mahilig magbasa ng mystery-horror si lena halos lahat ng gamit nito ay may konekta sa horror kayanga pati ito ay nakakatakot na.

"lena baba na"kumatok muna ng tatlong beses si elene bago binuksan ang pintuan ng kwarto ni lena.

"huy bangon" yugyog nito sa kapatid na nakatalukbong ng kumot,inilibot ni elene ang kanyang mata sa buong kwarto ng kapatid kahit ilang beses na itong makapasok dito ay natatakot parin ito sa interior design at sa kung anong anik na nakadisplay sa kwarto nito.

"bulaga!" napabalik ang tingin ni elene sa kapatid nito na nakatayo na ngayon at nakataas ang kamay sakanya na animo'y isang multo.

"hay nako lena muntik mahulog ang puso ko sayo! bakit hindi ka pa nakabihis unang araw ng klase mal-leyt tayo niyan" bumaba ng kama ni lena si elene at pinagsabihan ang kapatid nito,si lena nama'y nakayuko lang.

si ate napakakyut kapag naiinis hihihi humagikgik si lena sa naisip nito

"anong tinatawa tawa mo dyan hala maligo kana't magbihis,bumaba ka pagkatapos ng makakain ka ng almusal sasabay ka sakin ngayon." mabang litanya ni elene saka naglakad palabas ng kwarto.

unknown accidentOù les histoires vivent. Découvrez maintenant