chapter 2

10 0 0
                                    

elise's pov

at ayon na nga nakaupo kami ngayon ni dan sa likod na upuan ng kotse ni tatay si nanay naman sa passenger seat,bangayan nga nanaman kanina bago sya napilit na dyan umupo eh malapit na rin naman yang bahay.

huminto kami sa may gate,lumabas si tatay at pumunta sa guard house malapit sa gate,may kinausap ito na sa tingin ko ay guard dahil narin sa suot nito.

nakita kong itinuro kami ni tatay at nilingon naman kami ng guard.Bata ba yung guard nasa mid 20's palang eh 18 na ako samantalang si dan ay 14.

makalipas ang ilang minuto ay bumalik rin kaagad si tatay pinaandar nito ang sasakyan pagkatapos ay bumukas naman ang malaking gate,pagpasok ng sasakyan ay mapapahanga ka sa ganda.May malaking statue sa gitna,babae ito na nakataas ang dalawang kamay,mistulang si jesus nung siya ay ipinako ang pinagkaiba lang ay babae ito at walang saplot sa katawan.

"sino yun tay?" pagtatanong ni dan

"alin nak?"

"yung kausap niyo po sa labas"napalingon ako sa guard na ngayon ay isinasara ang gate.

"ahh si mang albert,dati na yang guard dito siya na rin ang kinuha kong guard natin."tumango kaming dalawa ni dan.

"at san ka naman nakakuha ng pera ha! baka naman nagnakaw ka.Ay nako roberto wag mo kaming idamay ng mga anak ko sa kabalbalan mo!" opkors ang reyna ng OA.

"mahal hindi ako nagnakaw,saka ko na ik-kwento sainyo huwag ngayon at marami pa tayong gagawin.At anak natin roleta."natawa ako ng banggitin din ni tatay ang pangalan ni nanay,sinamaan agad ng tingin ni nanay si tatay hahahaha ang kyut talaga nila.

May malaking sala,apat na kwarto,kusina,cr,malaking chandelier at ang napakagandang hagdan.Agad na nagtatakbo si dan sa may hagdan at dun nagtaas baba si tatay naman ay busy sa pagbaba ng gamit namin samantalang kami ni nanay ay kinikilatis ang buong bahay,naglakad ako sa kusina ng may mapansin akong kakaibang tunog ron.Malawak ang kusina,may cr rin pala rito,nagtataka parin ako dahil sa narinig ko kanina pero pinag-sawalang bahala ko nalang.Lahat nga pala ng gamit rito ay may nakatakip na puting mantel,inalis ko ang nagtatakip sa malaking mesa sa gitna at inisa-isang alisin rin ang mga nasa upuan.

Ng maalis ko ang lahat ng takip ay doon ko lang rin nakita ang ganda ng kusina,medyo maalikabok nga lamang,napasandal nalang ako sa kung ano dito habang nakatingin parin sa buong kusina.

hmm

Ang tunog nanaman,ganyan na ganyan ang narinig ko kanina kinilabutan ako dahil medyo madilim dito at may mga harang pa ang pintuan dito at bintana.

"nay!" sigaw ko at nagtatakbo sa sala.

Nagtatakang lumingon sakin si nanay maging si dan,saktong pagpasok rin ni tatay.

"anong meron?" tanong ni tatay,nabaling sakanya ang atensyon nila nanay at dan.

"etong si ate sumigaw" kaswal na sambit ni dan bago bumalik sa pagaayos ng gamit nito.Nagtatakang lumingon sakin si tatay,nagkibit balikat na lamang ako.

"m-may ipis sa kusina hehe" utal kong paliwanag,kalahating totoo kalahating hinde.Nagpeace sign pa ako kay nanay dahil magsasalita nanaman to.

"elise ang kwarto mo ay nasa taas, iyong malapit sa hagdan at ikaw naman dan yong kwartong katabi ng kay ate mo ang iyo.Yung katapat ang kwarto namin ng nanay niyo." sabay tingin ni tatay kay nanay,"hoy!ayoko! tatabi ako kay dan oh jan na ako sa kwarto sa ibaba."mabilis na angal ni nanay ano pa nga ba.

"mahal pano tayo niyan makakabuo ng kapatid nitong dalawa" hinampas ni nanay si tatay dahil sa sinabi nito,tumawa naman kami ni dan.

"ay bahala ka"tuntrums pa ni nanay

"hay nako ako ng bahala dito sa pakipot niyong nanay,akyat na mga anak"may ibinulong pa si tatay,tumango naman kaming magkapatid.Hinila ko ang maleta,isang malaking bag at isang karton,iyon kasi lahat ng gamit ko.Ang kay dan naman ay isang maleta at bag lang.

Agad ko namang nakita ang kwarto na sinasabi ni tatay and as usual may mga takip nanaman.Ilang minuto ko ring inalis at inayos ang kwartong tutuluyan ko may isang malaking kama,may dalawa rin itong lamp sa gilid,may malaking aparador din dito na siyang pinaglagyan ko ng aking mga damit.Marble ang sahig at carpented halatang may kaya ang may ari nito dati,at last ang isang malaking salamin dito sa gilid ng kama.

Pagkatapos kong malinis ang lahat ay pagod akong napahiga sa kama at binalot na nga ng dilim.

--

nagising ako sa isang ingay kaagad akong napaupo ng marinig ko ulit ang mumunting ungol ng kung sino man,mabilis kong tinakpan ang aking tenga ng mas lumakas ang ungol napapikit na lamang ako at halos hindi na makahinga dahil sa sobrang kaba,pinagpapawisan na rin ako,sa di malamang dahilan nawalang parang bula ang tunog.

Nakahinga ako ng maluwag dahan dahan kong tinanggal ang aking kamay sa aking tenga,inilibot ko ang aking paningin at wala namang nag-iba baka naman may gumagawa ng milagro,pero hindi eh ang lapit ng tunog ang lakas pa.Sa hindi inaasahang pangyayari ay napalingon ako sa malaking salamin dito sa kwarto.Agad nanlaki ang aking mga mata ng makita ang babaeng nakasuot ng puting bestida,nakangiti ito sakin.Para siyang anghel.

Pero teka anghel ano! kukunin na ba ako end of the world naba para sakin!Mabilis kong sinampal ang aking sarili dahil sa naisip,muli akong tumingin sa salamin wala na roon ang babae.Maya maya biglang humangin ng malakas kilabot ang dala nito imbes na lamig kasabay ng paghampas ng hangin ay isang tunog help yan ayan ang aking narinig mahina lang ito pero halatang humihingi ito ng tulong.

help.Dahan dahan akong napalingon sa nagsalita bumalik ang kaba na nararamdaman ko unti unti narin akong natatakot at dahil sa likod ko narinig ang tunog ay agad akong lumingon rito,na sana ay hindi ko ginawa.

para itong black hole,pero puno ng eksena ang nasa loob at hindi itim.Dun ko rin naririnig ang ungol at iyak ng isang babae.Kahit malabo ay kitang kita ang isang lalake at babae

tulong napalingon ako sa gilid ko ng may magsalita ulit rito at doon,doon ko nakita ang babaeng nasa salamin ngunit puno na ng dugo at punit punit na ang damit nito,umiiyak ito isa pa ulit na tulong ang sinabi nito bago niya itinaas ang kanyang mga kamay.

Habol hininga akong nagising wait what! ibig sabihin ba panaginip ang yon? pero hinde ramdam ko eh.Agad akong napalingon sa salamin wala namang kakaiba rito lumingon rin ako sa likod wala rin akong nakitang kakaiba.Baka gutom ko na to.

tiningnan ko muna ang oras sa aking cellphone at nakitang hapon na,hindi na ako nakapag tanghalian,baka nga siguro gutom lang hayst makababa na nga.May cr nga pala ang kwartong ito maayos iyan ng hindi na ako bababa para lang umihi o maligo.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si tatay at nanay na mukang nagbabangayan nanaman hay nako.

"sabi ng hindi ako matutulog kasama mo!" alam ko na pinag a-awayan ng mga to.

"nay matulog nalang kayo katabi si tatay saka diba nga hindi na mabuksan ang isang kwarto sa baba,tsaka malaki na si dan siguradong ayaw na nun katabi ka." sa side ako ni papa papanig gusto kong magkabati na sila eh tsaka normal naman sa mag asawa ang magtabi.

"ano!" singhal ni nanay sakin.

"chillax mahal." binuhat ni tatay si nanay na parang bagong kasal saka ako nito kinindatan bago isara ang pinto.Napailing iling nalang ako.

Pagkababa ay nakita ko si dan na naglalaro.Nagtatakbo ako papunta sakanya."ano yan?" mabilis na tanong ko pagkatapos kong umupo sa tabi nito.

"mobile legends ate" ha? sinilip ko kung ano ang nilalaro nito

maniac,savage "yes!" malakas na sigaw ni dan at napasuntok pa sa hangin."sabi sainyo eh mamaw aldous to!500 stack one hit!" sayang saya itong nagtatalon ano daw?

Iniwan ko na si dan sa sala dahil maglalaro pa raw ulit ito,bukas na pala ang pasukan namin sa bagong eskwelahan na pinag enrollan samin ni tatay,hindi naman ako nagreklamo dahil wala lang.Dumeretso ako sa kusina dahil sa nagugutom na ako,may nakatakip dito itlog na may kamatis at adobo.






unknown accidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon