chapter 1

11 0 0
                                    

elise's pov

"BANGON!" malakas na sigaw na nakapagpagising sa mapayapa kong pagtulog.Ano ba yan!

Hindi ko nalang pinansin at humilata ulit,nanay nga naman aga aga mambubulabog.Patulog na sana ako ng marinig ko ulit ang nakakabinging sigaw ni nanay,ngunit ngayon ay halatang mas malapit na ito,pustahan tayo kakatok yan baka nga di pa katok,gigibain niya yan.

"Ate Elise gising!" malakas na sigaw nito sabay ng malakas na hampas ng kung ano sa pintuan ng kwarto ko.

"nay napakaaga ano ba!" sigaw ko pabalik at nagsumiksik pa sa kama ko.Ayoko pang bumangon eh.

"hoy ate elise buksan mo ito kung ayaw mong gibain ko to!Kapag nangyari yun di na kita bibilhan ng pinto ng wala ng sagabal kapag ika'y aking gigisingin."mahabang litanya ni nanay,agad akong napabalikwas ng marinig ang sinabi nito hindi kasi palabiro si nanay siguradong gagawin at gagawin niya nga iyon.Gandang bungad.

Bumangon nalang ako dahil no choice,inayos ko muna ang magulong kama ko at sinipa sipa ang ibang dumi na nakakalat sa gilid.

"ano bang-" akmang ihahampas nanaman ni inay ang hawak nitong walis tingting ng magsalita ako "goodmorning nay" masayang bati ko sakanya,masama lang ako nitong tiningnan at dinuro gamit ang walis tingting,so yan pala yung hinahampas niya kanina pa sa kwarto ko?

"jusko ikaw na bata ka anong oras na!nakalimutan mo bang ngayon ang lipat natin sa bagong biling bahay ng walanghiya niyong ama!" malakas nitong sabi at dinuduro duro ako, wala naman akong nagawa kundi ang umatras ng umatras.Heto nanaman si nanay magbababanggit nanaman yan tungkol kay tatay.

"iyong ama mong walang itlog!akala niya siguro'y makukuha niya ako sa pabahay bahay ng walanghiyang iyon"dagdag pa nito at namaywang sa harapan ko."kung tutuusin nga eh hindi natin dapat tatanggapin iyon pero walang magawa dahil pinapaalis na tayo ng bruhang landlady dito.Nako! kapag ako'y napuno don ihahambalos ko sakanya ang tingting na ito!"

"kalma nay para naman pong may pera kayo" napangiwi ako ng iduro nanaman nito ang walis tingting sa mismong mukha ko.

"hoy ate elise may pera ako para san pa't naglalabada ako diba?" sabay flip hair ni nanay wow bagay.

"Oo na nay kayo naman po di na mabiro"

"hala sige humayo kana at magparami"tila nasisiraan na sabi ni nanay nginiwihan ko ito.

"nay!"

"biro lang anak" tumawa ito,nakisabay nalang rin ako dahil baka mabadmood ulit.

--

"anak sigurado kabang dito iyon." pang sampung tanong na ito ni nanay hindi kasi ito makapaniwala,isang two story house ang bahay na ito malaki at malawak ngunit mahahalata na ang kalumaan nito.

"tama si nanay ate ito na nga ba talaga?" tanong pa ng nakababata kong kapatid.

"chill lang nay,dan ito talaga yun minsan na akong nakapunta dito ng ipakita sakin ito ni tatay."

"aba'y pinagloloko lang tayo ng tatay niyong hilaw eh napakalaki niyan saan naman kukuha ng pera iyon!" ayan nanaman si nanay.

"nay kalma lang po ito po talaga iyon,binili po ito ni tatay para satin.Alam ko po iyon dahil nga po nakapunta na ako rito."pag uulit ko napakakulit kasi nay.

"ate ang ganda at ang lawak ng bahay na to may maipagyayabang na ako sa classmate ko." mayabang na turan ni dan nako!

"dan masama yan" suway ni nanay.
Yumuko lamang ito,nakamasid lang kaming lahat sa bahay na to kinikilatis ko rin ang buong bahay sa labas.

"pero ate medyo nakakatakot naman po"tumingin ako kay dan na ngayon ay nakahawak na sa suot kong t-shirt,tama si dan medyo nakakatakot nga,kung papansining maiigi ay napakaraming disenyo nito pero hindi na mahahalata dahil sa pagkawala ng kulay nito.

Hayaan kapag nakalinis na kami ay bibili ako ng pintura at pipinturahan ko ang buong bahay para naman mas lumitaw pa ang ganda.Nasa ganon kaming posisyon ng may magsalita sa aking gilid.

"iha kayo ba ang nakabili ng bahay na ito"sabay sabay kaming lumingon kay lola na nakatingin saakin ngayon.Nasa early 60's na si lola at medyo kuba na may balabal ito sa ulo na kulay itim.

"ahh" lumingon muna ako kila nanay bago binaling ang tingin kay lola "opo kami po"napansin ko agad ang pagiba ng ekspresyon nito.

"pwede ba kitang makausap ng tayo lang iha" bulong nito,kinilabutan ako sa boses nito.Ang creepy mo naman po lola.

"ahm bakit po lola"nakatingin lang ito sakin as in titig na titig hindi ko na nakayanan at inalalayan siyang lumayo ng kaunti kila nanay.

"iha kung hindi ako nagkakamali ay kayo ang nakabili ng bahay na ito."

"opo"nagpasalamat ako't di ako nautal.

"isa lang ang sasabihin ko" isa lang naman pala lola lumayo pa tayo,gusto ko sanang sabihin sakanya iyan kaso nagiba isip ko.

"Ang lahat ng misteryo ay mabubunyag sa tamang panahon.Ang lahat ng pagkakamali ay maitatama.Ang lahat ng sakit at poot ay mapapalitan ng saya at kaginhawaan." kaylan pa naging isa ang tatlo? pero sa totoo lang hanggang ngayon ay tumataas ang bahalahibo ko sa buong katawan lola naman kasi eh.

"at ito ang tatandaan mo apo ang lahat ng mangyayari sa loob ng bahay na ito ay magpapatuloy na misteryo hanggang hindi nabubunyag ang lahat ng may kasalanan.Nararamdaman kong ikaw ang magtatama sa lahat kaya magiingat ka apo magiingat ka."makahulugang sabi ni lola na hanggang ngayon ay di maabsorb ng aking utak.Ano daw anong ako.Saka magingat anong.

lutang na bumalik ako kila nanay,pagkatapos sabihin iyon ni lola ay umalis din ito kaagad.

"anak anong sabi?" nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang sinabi ni nanay na ngayon ay nakaharap na sakin,nagtataka naman akong tinitigan ni dan.

"ahh sabi niya eh-*beep" nagpasalamat ako sa may ari ng sasakyan na ito dahil hindi na maitatanong pa sakin ni nanay ang nangyari kanina.Pero teka sino nga ba ito.

"TATAY!" sabay naming sigaw ni dan ng lumabas si tatay sa kotse,sinalubong niya kami ng yakap.

"nako ang dalawa kong baby namiss ako" masayang sambit ni tatay habang yakap kaming dalawa.

"syempre naman tay"sabi ni dan

"nako dan napakalaki mo na ah pwede mo ng bantayan ang nanay at ate mo"nakangiting sabi ni tatay at ginulo ang buhok ni dan.

"eh pano kami niyan p-protektahan tay eh hindi nga marunong sumuntok" nakangusong sumbong ko,natawa kami ni tatay ng sumimangot rin si dan.

"gusto niyo bang turuan ko kayong dalawa?" excited na tumango kami ni dan.Yey!another adventure.

*ehem.

saka namin napansin si nanay na nakataas ang kilay samin lalo na kay tatay,nako mukang manunuyo pa si tatay ng asawang may toyo.

"labida-"natigil ang sasabihin ni tatay.

"nako roberto wag mo akong nilalabidabs dyan kung ayaw mong masuntok sa ngala ngala!" pinakita pa ni nanay ang kanyang kamao natawa kami kasi di makaimik si tatay hahahah halatang under eh.

"eh mahal naman hanggang ngayon ba'y mainit ang dugo mo saakin" lumapit si tatay kay nanay at hinawakan ito.Kaagad namang tinabig ni nanay ang braso ni tatay.

"huh? bakit kailan ba nawala ang init ng dugo ko sayo ha!" nakapamaywang na ngayon si nanay kay tatay.Mabilis na nagtaas ng dalawang kamay si tatay habang kaming dalawa ni dan eh humahagikgik para kasing teen ager ang mga magulang namin.

"tay,nay tama na yan kanina pa po kami nangangalay dito ito ba talaga ang bahay tay?"tanong ni dan.

"ay oo nga pala,oo dan ito ang magiging bahay natin halina't pasok na tayo.Ipasok niyo ang mga gamit sa kotse at ipapasok ko roon."pahayag ni tatay na kaagad naman naming sinunod ni dan.







unknown accidentWhere stories live. Discover now