elise's pov
Dalawang buwan..
dalawang buwan na ang nakaraan simula ng lumipat kami sa bagong bahay,naging maayos naman ang takbo ng aming buhay sa nakalipas na dalawang buwan.Si nanay at tatay ay unti-unti ng nagkakaayos ngunit naroon parin ang pagbabangayan nila,hindi na ata mawawala iyon.
Hindi na rin ako nakaramdam ng kahit na anong ka-wierduhan sa bahay,mas lalong napalapit narin ako sa aking mga kaibigan.
Habang naglalakad ay napansin ko ang tatlong babaeng tumatakbo,napagilid ako ng wala sa oras dahil hindi sila tumitingin sa dinaraanan baka makabangga sila,hindi ba sila aware dun?
Nakasunod lang ang aking tingin sa tatlo,balisa ang mga ito at panay ang tingin sa harap.Nagtatakang binalik ko ang aking tingin sa harapan ganun din si vana,nagkatinginan kami at sabay na tumingin sa harap.
Isang abandonadong classroom ang nasa harapan,sa gilid nito ang silid-aklatan na siyang pupuntahan namin ni vana para magsoli at manghiram ng libro.Sabay kaming nagkibit-balikat ni vana at pumasok sa library.
"hello elise,vana."bati ni maris,ang librarian dito,mabait ito.Lagi rin siyang nakangiti,limang taon ang agwat nito samin ngunit napakabata pa nito at maganda.
"hi!" nakangiting bati namin.Nagchikahan lang kami saglit at naglakad sa malapit na upuan,naghanap ako ng mababasa tungkol sa mga droga,iyon kasi ang topic namin ngayon.Kailangan ko rin itong basahin ng mabuti dahil gagawa pa kami ng research tungkol dito.
Ilang minutong katahimikan ang namayani samin ni vana,parehas kaming tutok sa binabasa.Vacant nga pala namin ngayon dahil kinailangan ang guro namin sa faculty.
Nilibot ko ang aking tingin sa loob ng library, maganda at malinis ang loob,naka-organized din ang lahat ng libro at gamit para mabilis lang itong mahanap,hindi masyadong tahimik ngunit hindi rin naman ganon kaingay dito sa loob.
Bigla akong nakaramdam ng boring,napatingin ako kay vana na nakatunganga na ngayon sa labas,malalim ata ang iniisip nito dahil hindi niya pa napansing nakatingin ako sakanya.Napatingin rin ako sa labas,may iilang estudyanteng naglalakad may ilan ring magjowa,napukaw ng atensyon ko ang babaeng nakatayo lang.Nakatayo ito sa room ng...sa abandonadong classroom ito nakatingin.Kung papansining mabuti ay makikitang umiiyak ito.
"nakakaawa siya no?"nabaling ang tingin ko kay vana na ngayon ay nakatingin na rin sakin,binalik ko ang tingin sa babae,nakatayo parin ito at mukang walang balak umalis.
"sino siya?"
"si lena." lena? bakit umiiyak ito?
"anong meron? bakit parang malaki ang nawala sakanya na may kinalaman sa lumang silid?"nakaka-awang tingnan nga ito,tila lugmok na lugmok ito at hindi makagalaw,napakainit pa naman din sa labas.
"Tama ka.May malaking nawala nga sakanya,namatay ang kanyang nakatatandang kapatid." medyo malungkot nitong sabi.
"nakatatandang kapatid?"
"si elene."lumingon siya sa akin,elene?
"anong meron kay elene? baka pwedeng ikwento mo naman sakin medyo nakakapagtaka kasi?"sabay lingon ko sa babaeng nakatayo parin hanggang ngayon ngunit pinupunasan na nito ang kanyang mata.
"Iyang babae na yan ay si lena,umiiyak siya sa dating classroom ni elene na kanyang namayapang kapatid.Lagi niya yang ginagawa kapag naaalala niya ang kapatid,nagbababad ito sa init at wala rin itong pakealam sa sinasabi ng iba.Si Elene,magandang dalaga si elene,kinahuhumalingan ng kalalakihan halos lahat ng meron sakanya ay perpekto,tinaguriang Queen bee rin ito.Kahit grade 10 ay napakamatured na nito.Kaya nga ng mabalitaan namin ang nangyari ay nalungkot ang buong paaralan." malungkot na ngumiti si vana.Ngayon ay mas lumaki ang interes ko kay elene.
YOU ARE READING
unknown accident
RandomA young girl who unknowingly died in a car accident. But is it really a car accident, or something much more than that.