chapter 4

0 0 0
                                    

elise's pov

"ate baba na daw,kakain na tayo!" pagtawag ng aking kapatid."susunod ako!" malakas kong sagot.

Nakarinig ako ang yapak paalis,nag-ayos muna ako at pumasok sa banyo para mag shower,nakatapis lang akong lumabas dahil nakalimutan kong magdala ng damit sa banyo,saka kahit naman dito na ako magpalit sa loob ng kwarto ay ayos lang dahil hindi naman ako masisilipan.

Pagkatapos magbihis ay napatingin ako sa nagiisang bintana dito sa kwarto,nilapitan ko ito at sinuri,luma at may konting kalawang na makikita rito.Sinubukan kong buksan ito ngunit ayaw,sinubukan kong muli ngunit ayaw pa din,napakibit balikat nalang ako papa-ayos ko nalang kay tatay dahil mukang sira na.

Habang nagsusuklay ay naramdaman kong muli ang kakaibang hangin,napayakap ako sa aking sarili dahil medyo lumalamig,nags-sitaasan narin ang aking mga balahibo.Nagsisimulang kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil naririnig kong muli ang mumunting tinig.

Hindi naman ako naniniwala sa multo o sa kung anomang nilalang na nananakot,sabi kasi ni nanay ay huwag matakot sa mga bagay na hindi ka naman kayang saktan.Lagi niya pang sinasabi hanggang takot lang sila,hangga't hindi tayo nagpapaapekto wala silang mapapala,kaya wag niyo na lamang pansinin at walang multo.

Iyan lagi ang payo niya samin ng kapatid ko twing nakakaramdam kami ng takot,kaya naman simula non ay lagi ko nalang iniisip na hanggang takot lang sila.Ngunit ngayon ay medyo nakakabahala ang mga pangyayari.

Napansin kong kuminang ang taas ng aking aparador,kunot noong nakatingin ako ron may kung anong nagsasabi saking tingnan ang bagay na nandon.Mabilis kong ginala ang aking paningin sa paligid upang maghanap ng mapapatungan dahil medyo mataas ang aparador,hindi ko maabot.Bumagsak ang balikat ko ng makitang walang mapagpapatungan rito,hanggang sa napansin ko ang kama.

Hindi naman siguro masama kung hihilain ko muna ito diba,naglakad ako papalapit sa kama at sinimulang hilain ito,ngunit kahit anong hila ko ata ay hindi parin gumagalaw ng kama,naiinis na tumingin ako sa paa ng kama,may kung anong black na nakadikit dito,kukunin ko na sana ng may sumigaw sa labas.

"Ate kain na! kanina ka pa dyan!"Nagmamadaling napatakbo ako sa pinto upang buksan ito,nakabusangot na mukha ni dan ang aking nasilayan.

"oo na eto naman.Halika na nga"hinihingal kong sabi bago hilain ito pababa.Naabutan ko si tatay at nanay na mukang nagbabangayan nanaman.

--

"roberto,baka naman ay masasagot mo na ang tanong ko? pano ka nagkaron ng pera? paanong nakabili ka ng gantong bahay?at paano mo napag-aral ang mga anak natin sa isang kilalang unibersidad.Gusto ko din malaman kung bakit mo kami inabanduna at ngayon ay susulhulan mo kami ng paganto ganto mo!" natigil ang aking pagkain at lumingon kay nanay na ngayon ay nakatingin na kay tatay.

Nagpunas ng bunganga si tatay at ibinaba ang kutsara't tinidor nito."sasagutin ko lahat ng iyan mahal."mahinahong sagot ni tatay.

"Hindi ko kayo inabanduna,hindi ko intensyong iwan at hindi magparamdam.Nagkaron ako ng trabaho sa saudi,isang construction worker ng malaking kompanya,nasakto ang pagtanggap sakin bilang trabahador dahil may proyekto silang magtayo ng teatro.Isa ako sa construction worker na nagtayo at gumawa ng teatro na iyon,ng matapos ang ilang buwan ay mabuo ang teatro.Naging kilala at popular na atraksyon ang teatro, dahil sa laki at sa mga magagaling na performer doon."uminom muna ng tubig si tatay at muling nagpatuloy.

"Hanggang sa isang araw,nagkaron ng malagim na trahedya na siyang ikinaguho ng teatro.Nangyari iyon isang gabi ng sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog ang malaking ceiling fan sa mga tao,hiyawan ang unang maririnig,ang daing at ang kanilang paghingi ng tulong.Nagmamadali silang lumabas ngunit huli na ang lahat,ang malaking ceiling fan ay nagdulot ng malaking pinsala sa ilang bahagi ng teatro,unti unting nagigiba ang haligi nito na siyang ikinatakot at kinabahala ng karamihan.Ang lahat ng pag-asang masasagip sila ay naglaho ng sa isang iglap lang ay tuluyang gumuho ang teatro kasamang gumuho ang daan-daang tao."

"Lahat ng nasa loob ay namatay walang nabuhay,maliban sa mga guwardiyang nagbabantay sa labas,wala silang ibang narinig kundi ang paghingi ng tulong ng karamihan ngunit wala kaming magawa dahil pinipigilan na kaming pumasok.Oo isa ako sa gwardya ng araw na iyon at isa rin ako sa walang nagawa ng gumuho ito."napayuko at nagpatuloy sa pagkain na lamang ako.

"Lahat ng sangkot sa teatro ay nakulong,pati ang lahat ng gumawa nito ay nadamay,pati ako.Nakulong ako roleta,nais kong pagsisihan ang lahat ng nangyari ngunit huli na,ilang beses kong hiniling na kung pwede bang makahiram ng cellphone upang tawagan ka ngunit ayaw nila,napakahigpit ng bawat selda sa saudi.Walang oras at minuto kong hindi kayo inisip,naiiyak ako twing naalala ko kayo,ini-isip kung maayos pa ba ang lagay niyo."

"Ilang buwan akong nakulong,hanggang sa isang araw ay pinalaya ako,lahat kaming gumawa at inosente ay pinalaya.Dun rin namin inamin na kulang sa gamit at hindi detalyado ang pagkakagawa sa teatro dahil iyon ang utos ng nakatataas.Pagkalayang pagkalaya ay ikaw agad ang aking tinawagan.Ilang beses pa nga ngunit lagi mong pinapatayan."kaya pala laging may tumatawag kay nanay,ang bilin nito ay patayin namin dahil hindi naman namin kilala ang may ari ng numero.

"hanggang sa pag-uwi ko,rito ikaw agad ang aking hinanap,ang hindi ko maintindihan ay kung bakit lagi mong sinasabing iniwan kita at nagpakalayo kasama ang kabit ko,nasaktan ako ng makita ang pagkamuhi mo saakin twing nilalapitan at tinatanong kita tungkol sa ating mga anak.Pero kahit ganon ay hindi kita sinukuan at kahit kailan ay hinding hindi kita susukuan,naalala ko pa ang laging mong sinusumbat sa akin iniwan mo kami,nung araw na hindi ka nagparamdam,ay iniwan mo narin ang responsibilidad bilang ama sating mga anak.Hindi ko desisyong iwan ka at ang anak natin" may himig ng hinanakit sa salita na tatay,napayuko naman si nanay samantalang kami ni dan ay tahimik lang.

"at sa yaman naman roleta hindi ko ito kinuha sa dahas,nagkaron ako ng kaibigan sa saudi,naging magkaibigan kami ng ilang taon,tinulungan niya akong makahanap ng trabaho at pinatuloy sa kanyang tahanan.Hanggang isang araw ay nagkaron ito ng sakit sa puso,sinabi ng doctor na hindi na ito magtatagal,ngumiti lamang siya sa doctor.Inamin nitong siya ang may ari ng kompanyang pinagtratrababahuan ko at balak nitong ipamana sakin ang lahat ng ari-arian nito,hindi ko sana tatanggapin ngunit sinabi nitong kapag hindi ako pumayag ay hindi ako naging totoo sa dalawang taong pagkakaibigan namin,ang sabi pa nito ay hindi raw magsisisi ang kompanyang ako ang hahawak.Nakumbinsi nito ako at ngayon nga ay ako ang humahawak sa malaking oil company dito sa pilipinas."

Nakanganga lang kaming tumingin kay tatay,akalain mong kaya pala.Si nanay ang unang nakabawi.

"sinasabi mo bang ikaw na ngayon ay isang milyonaryo?" hindi makapaniwalang tanong ni nanay.

"oo" mahinang sagot ni tatay.

"woah tay!ang yaman niyo pala bilhan mo naman ako ng bisikleta." masayang sabi ni dan.Ngumiti naman si tatay.

"sige ba,sa sabado ay mamamasyal tayo at bibilhan ko kayo ng ate mo ng bisikleta." napasuntok sa hangin si dan at masayang nilisan ang hapag-kainan dahil tapos na itong kumain.

Napatingin ako kay nanay at tatay,mukang kailangan ko na ring umalis at mag-uusap pa ata ng dalawang ito.Nasabi ko nalang at nagpaalam na.Tumabi ako kay dan na ngayon ay naglalaro nanaman,binuksan ko ang tv dito sa sala at nanood ng movie sa channel na pbo.

Masasabing hindi nga makapaniwala ang pinagdaanan ni tatay pero sana ay mapatawad na siya ni nanay.Sigurado na ako ron.

unknown accidentWhere stories live. Discover now