Chapter 6

0 0 0
                                    

elise's pov.

"And that's our lesson for today,hope you guys learned something."paalam ng guro namin bago ito naunang lumabas,last subject na nga pala namin kaya nagu-unahan nanaman ang mga estudyante sa pag-alis.

Hinihintay ko lang matapos ni vana ang kanyang sinusulat para sabay na kaming lumabas,nagtext kasi sakin kanina si rika na pasyal raw muna kami sa mall.Syempre nung una ay hindi ako pumayag,ang rason ko ay baka hindi ako payagan,saka hapon na siguradong g-gabihin kami.Pero syempre makukulit ang mga to napapayag rin ako,sabi naman nila ay ihahatid nila ako at ipapaalam,kaya ayun.

"oh ano,tara na?"aya ni vana na tapos na pala sa pagsusulat,inaayos na nito ang kanyang gamit.

"sige"pagkalabas ay saktong labas rin ni rika,muka pa itong nagmamadali dahil may nabangga ito.

"gosh akala ko naiwan niyo na ako."ngumiti lang kami sakanya at inaya na ito.Papunta kaming parking lot ipapakilala ko na kasi tong dalawa kay tatay saka ipapaalam pa nila ako.

Habang naglalakad ay nahagip ng tingin ko si dan na nakikipagtawanan sa mga barkada nito,nako huwag lang to mambully dahil isusumbong ko talaga kay nanay.

"teka,sunduin narin natin yung kapatid ko.Nandun oh."sabay turo ko kay dan,lumingon ako sa dalawa nakita ko namang tumango ang mga ito at nasimula ng maglakad,ngunit di pa kami nakalalayo ay huminto na sila,sabay nila akong nilingon.

"May kapatid ka!"magkasabay at malakas nilang sigaw.Napapikit ako dahil sa tingin ko ay mabibingi ako ng wala sa oras.Nasisiraan ba ang dalawang to,parang kanina lang tumango pa sila.

"Oo nga,ayun nga oh"turo ko ulit kay dan,saka sila inunahan maglakad,naramdaman ko namang sumunod silang dalawa,nagu-usapan pa ang mga to.Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng malakas na hangin,napahinto ako ng lakad kaya naman ay tumingin sakin ng may pagtataka ang dalawa.

Lumingon-lingon ako sa paligid dahil feeling ko may nagmamasid sakin,nahinto ang tingin ko sa abandonadong classroom dahil may nakitang akong tao dun,nakasilip ito pero ng makitang nahuli ko ata ang tingin nito sakin ay mabilis rin nitong hinawi ang telang nakabalot sa bintana.Unti unting kumakabog ng malakas ang aking dibdib,sino yon.Napatingin ako sa babaeng nakatingin na ngayon sakin.Si......lena.

Ngayon ko lang napansin na naroon nanaman ito,titig na titig ito sakin,dahan-dahang ginilid nito ang kanyang ulo,tila kinikilatis ako nito,bago niya binalik ang tingin sa abandonadong room.Mabilis kong binalik ang tingin sa bintana kung saan ko nahuli ang tingin ng isang babae.Oo.Babae,base narin sa damit nito ay nag-aaral ito rito.

"ayos kalang elise? ano bang tinitignan mo dyan? saka bat ka huminto?"tuloy tuloy na tanong ni rika,si vana naman ay tumingin sakin ng may pagkabahala,nalilito ko itong tinignan.

"w-wala m-may....ang lamig kasi,oo malamig,woah!"kunwaring arte ko at niyakap pa ang sarili.Wierdong tingin ang ipinukol nila sakin,pilit na ngiti lang ang sinagot ko at nauna na ulit maglakad,narinig ko pa ang binulong ni rika,ang wierd ko raw.

--

"Hi,hello po! ako po si yurika cieng,kaybigan po ng anak niyo tito."magiliw na pakilala ni rika.

"ikinagagalak kong makilala kayo mga hija."muntik nakong matawa ng makitang nawala ang ngiti ni rika ng walang emosyon at mababa ang boses na sabi ni tatay.

"ahm a-a-a ehem i-ipapaalam p-po sana namin si elise,m-magmamall po hehe,wag po kayong magaalala tito i-ihahatid kopo si Elise sainyo ng buo."halata sa mukha ni rika ang kaba samantalang nakayuko naman si vana at palihim na sinisiko si rika.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

unknown accidentWhere stories live. Discover now