Chapter 17

1.7K 83 6
                                    

Lumabas na kami ng hotel room nasa lobby na daw sila nag b-breakfast sa totoo ang hirap mag lakad!

"Grabe ang sakit" pabulong kong iniinda ang sakit, naka gilid nga ako sa bawat pader para incase na ma out of balance eh maka hawak ako sa pader.

"Let me help you" aniya pasakay kami ng elevator aba! Mag hagdan daw kami sabi ko mauna na siya mag e-elevator ako pero ending naka sunod parin saakin

"Grabe simon, ganon pala yung feeling" wala sa sariling sinaad ko iyon kaya napa takip ako sa bibig nakakahiya bakit ko ba sinabi yon!

"Bakit na curious kaba?" Mapilyo niyang tanong at natatawa tawa pa ito

"Ah-eh hindi! Ewan bakit ko ba sinabi yon tsk," saad ko at umirap dito..

"At least na ranasan mo na" pang-aasar pa niya saakin hanggang sa nakarating na kami sa Lobby jusko hiyang hiya ako sa mga tao kasi ano.. ika-ika ako kaya no choice kumapit ako sa braso ni simon para sa alalay



"Ay wow may pa hawak sa braso" rinig kong pang aasar nila, kaya sinamaan ko ito ng mga tingin

"Teh anyare bakit iika-ika ka jan" pag tatanong ni georjie kaya nasamid-samid ako doon

"Ah.. kasi diba ano inalalayan ko si Sim-- si Sir! Kagabi ayon na wrong step edi tapilok" pag papalusot ko ginawa ko ang lahat para naman hindi mautal at para paniwalaan nila...

"Ahh ganoon ba!" Reaksyon ni ela halatang hindi ito naniniwala pero ayos lang ang mahalaga yung co-workers namin mapaniwala..

"Oo nga pala Sir kagabi lasing na lasing ka ha" saad ni clea dito dahil nga napaniwala ko ito.

"Haha s-sorry" saad ni simon, sorry ng sorry wala namang ginawang kasalanan uminom lang naman siya eh

"Nako sir ayos lang din paminsan minsan ang malasing, mahalaga nag enjoy ka at nawala din sa isip mo ang pag tatrabaho ang workaholic mo kasi" saad pa ni clea kaya nag katawanan nalang kami at kumain nalang...

"Hui ano yang nasa leeg mo!" Mahinang saad ni ela, i mean sobrang bulong yung walang makakarinig dahil busy ang lahat sa pag kain kaya bumulong siya saakin

"Ah ano?" Pag tataka ko dahil hindi ko iyon kita kaya naman inopen ko ang phone ko at ang camera ginawa kong parang mirror.. "hala shet, hickey" saad ko saaking isipan

"Oh ano yan!" Reklamo niyang saad

"Ah eto.. a-ano kagat ng lamok malamok eh" saad ko dito, hindi ko alam kung paniniwalaan ba niya yung palusot ko o ano.

"Asus huwag mo akong chacharot, charotin! Mag chika ka saakin mamaya" saad nito pabalik kaya kinabahan ako.. onti lang yung kinain ko dahil pakiramdam ko'y busog na busog lang ako!


After eating ay nag si balik kami sa kanya kanyang kwarto mabuti ay kaya ko nang mag lakad ng maayos pero masakit parin!.. nag change kami into bikinis mag si-swimming daw kami sa pool naman

"So ehem anong nangyari!" Pangungulit ni ela saakin pero ayokong mag sabi kahit kanino pa..

"Gaga wala nga hahaha sira! Sana kung meron ay sinabi ko na" pag sisinungaling ko dito, ngayon lang ako mag sisikreto sakaniya dahil siguro natatakot ako sa magiging reaksyon niya tsaka hahayaan ko nalang iisipin ko nalang na walang nang yari.


"Sigurado ka!? Pero sige tara swimming bukas uuwi na tayo!" Saad niya at hinatak ako sa pool


"Wooah! Grabe ang saya! Thank you so much sa ating sponsor Mr. Simon" saad nung co-worker namin

"Oo grabe sir simon big thanks sayo at na relax naman ang aming isipan" saad pa ni Clea

"Thank you so much Sir simon!" Ani ni Chris

"Yes bongga ang pa vacation mo Sir simon salamat ng marami"  nakangiting saad ni georjie

"Oo grabe! Salamat sir simon" saad ni ela, jusko hindi ko alam ang sasabihin ko nalulutan ako pag naiisip ko ang nangyari kagabi tsk.
Nagulat ako at lahat sila nag si tinginan saakin..

"T-thank you syempre sir simon 2nd time in Ilocos with you" saad ko dito at ngumiti ito

"You guys are welcome! Sa susunod ulit" saad ni simon

"Hmm sir! Malapit na ang ika 7 years ng company what do you plan?" Pag tatanong ni Chris, sila Chris and Clea plus yung secretary nga pala ni simon is matagal na sakaniya kami ni ela ay mag o-one year palang!

"Ohhh, yes! Then of course let's celebrate it.. i'll inform my secretary to book one huge place for our company turns 7" saad ni simon at nakangiti ito at tumingin ba naman saakin!,.. hayst nakaka inlove din talaga ang titig ng isang Joseph Simon.


"Yun oh" saad ni georjie, as i know 3 years palang si georjie sa company ni simon pero kahit papaano ay matagal tagal nadin...


Nag subok sila ng slides ako at si simon ay naiwan lang sa pool samantalang sila ay nag try ng iba't ibang slides sa iba't ibang pool of course

"Are you feeling okay na??" He asked me at mas lumapit pa ito saakin

"A-ahh, medyo" nahihiya kong saad dahil na a-a-awkwardan ako

"Just tell me if may masakit pa sayo ha?" Aniya saakin at umakbay kaya mas Lalo kong ikinagulat iyon syempre tinanggal ko iyon dahil nakaka hiya pag nakita ng mga co-workers ko! Ano nalang ang iisipin ng mga iyon, okay lang sana kung may label kami pero wala kaya tama lang na alisin ko iyon. "But did you enjoyed?" Maloko niyang binulong

"A-ano!!" Iritable kong saad paano mag tatanong nalang ganon pa.

"Next time, let's do some another round" aniya at ngumisi kaya halos biglang bigla ako sa sinabi niya hay nako ang pilyo talaga!

"Tumahimik ka, mamaya marinig ka nila ano nalang sasabihin nung mga yon saakin!" Inis kong saad at tinawanan lang ako ng loko

"I enjoyed it" aniya pa, jusko gusto ko nalang mag laho dito sa pool! "Our second trip here in Ilocos well i admit it, it was the best trip with you" pang-aasar pa niya saakin, ang lakas ng trip! Alam ko at ramdam kong inaasar niya ako.





---

FOLLOW! VOTE! THANK YOU!!

My ex' My bossWhere stories live. Discover now