Chapter 37

1.4K 82 9
                                    

It's November 24 in the evening mahimbing akong natutulog kaya lang nakaramdam ako ng sakit sa tiyan.. kaya nagising ako agad nung una hinayaan ko lang pero hanggang sa sumakita na talaga siya kaya naman dali-dali akong lumabas patungo sa kwarto ni mommy

"Mommy" pag tawag ko sakaniya habang kinakatok-katok ko pa yung pinto sana naman magising siya grabe naman anong oras na it's 10pm na bakit ngayon pa sumangit...
Nakailang katok naako ngunit wala parin kaya naman nag tungo na ako sa kwarto ni shan mabuti nalang nagising ito agad kaya siya na ang kumatok sa pintuan ni mommy naka ilang tawag na kami at katok mabuti nalang at lumabas na ito nung una halatang naalimpungatan ang itchura ni mommy

"Mommy, humihilab na daw yung tiyan ni ate we need to bring her to the Hospital" saad agad ni shan

"Hala walang sasakyan! Tawagan mo ang daddy mo, anak teka lang"saad ni mommy hindi naman siya nag panic ng sobra dahil wala namang magagawa kung mag panic kami inalalayan na nila akong bumaba sa Hagdanan at si shan ay abala din sa pag tawag kay daddy 10pm palang naman so maybe gising pa yun..

"Mmy, ang sakit sakit!!" Pag-daing ko sa sakit ng nararamdaman ko dahil talagang humihilab na ito

"Shhh, wait lang anak" pag pakalma niya saakin at narinig kong sumagot na si daddy sa tawag ni shan..

"Ayan ate papunta na daw si daddy" saad ni shan pag ka baba ng tawag at tumungo saaking tabi

Ilang minuto lang ay nakarating na agad si daddy, agad akong binuhat ni daddy para madali nalang akong makasakay sa sasakyan si mommy dala-dala ang Hospital bags si shan naiwan muna siya sa bahay hindi naman na bata yon i mean 16 na kaya kaya na rin ni shan yun..

"Kaya pa anak??" Pag aalala ni mommy saakin habang hinahaplos ang aking likuran upang kumalma mabilis ang pag mamaneho ni daddy pero safe naman hindi naman mabilis na nakakalula..

Medyo natagalan rin dahil malayo-layo kami sa Hospital but dahil wala namang traffic ay nakarating din kami.

Agad akong sinakay sa wheelchair at may iilang nurse na naka-alalay na saakin mabuti nalang talaga at may bukas pang Hospital dito... kundi hindi na namin alam kung saan kami pupunta actually we have our 2nd option naman kaya lang panigurado sarado na yung isang yun

May tinurok na silang dextrose saakin at chineck, nadin ako nung nurses plus ni OB buti nalang available tong OB ko dito!!

Medyo natagalan na kami dito sa room hindi parin lumalabas si baby! Kaya pinag walking ako by the help of the Nurses nakaalalay sila saakin yung isa naka-alalay sa dextrose ko at yung isa saakin naman sila mommy and daddy ay nasa gilid lang ino-observe din ako

"A-anong oras na po??" Pag tatanong ko sa mga nurse, yes i put po and opo kahit mas matanda ako or what.. it shows respect kasi.

"Ma'am 11:45" saad nung nurse pabalik balik lang kami sa hallway ng lakad at yung Ibang Doctor and Nurses nasa loob na nung room kung saan ako manganganak

Nung kanina nawala wala yung pag hilab ngayon ay bigla nanaman ako nakaramdam ng sakit

"Hoo!" Halos sigaw ko dahil nga ang sakit-sakit na talaga

"Ma'am kaya pa??" Pag tatanong nung nurse ngunit umiling ako dahil hindi na talaga! Kaya naman isinakay na nila ako muli sa wheelchair papasok sa kung saan ako galing kanina

"Hindi na kaya?" Salubong saamin nung OB ko

"Yes Doc, sobrang sakit na daw" rinig kong saad nung kasama kong nurse kanina

"Hala D-doc naihi ako" nahihiya kong reaksyon habang naka tayo ako malapit sa kama mabuti nalang sa sahig ang bagsak hindi sa kama

"I think water broke nayan!" Reaksyon ni Doc kaya naman inalalayan na akong humiga para manganak na.. "Are you ready??" Pag tatanong Doc, i wider my thighs kasi manganganak nanga ako alangan mahiya paako.

"Okay wait, breath in breath out" saad ni Doc at may nag kabit saakin ng  supplemental oxygen "Push!" I heard my OB said and sinunod ko iyon "Another one Miss" aniya, at sobrang sakit mabuti nalang nasa tabi ko si mommy cheering me up dahil sa mga oras na ito parang hindi ko yata kakayanin..

"Sige pa anak kaya mo yan!!" Rinig kong pag chi-cheer ni mommy saakin

"AHHHH!!" sigaw ko.. dahil pinu-push ko talaga ayaw kong ma-cs!

"Sige Ma'am, push! Isigaw mo lahat para ma push" saad nung Nurse na nag a-assist

"S-SIMON!!!!!!" tanging yun ang aking nasigaw, hindi ko mapag tanto ngunit siya ang gusto kong kasama dito siya ang hinahanap ng aking paningin.

Hanggang sa nakarinig ako ng iyak.. the p-pain is worth it!! A new baby is like the beggining of all things-wonder
hope, a dream of possibilities

"Date and Time of birth,.. November 25 at 12:25am" rinig kong saad nung Doctor at inilagay saaking dibdib si baby.. it melts my heart g-ganito pala feeling kahit anong pangamba man ang iniisip ko nawala ang lahat pag ka hagkan ko saaking little one

"The first day of your life,.. was the best day of mine!" Bulong ko sakaniya at idinampi ko ng dahan-dahan ang labi ko sa kaniyang noo.. halos hindi ko na napigilan syempre umiyak naako..

After labouring nandito naako sa Private room and i've decided to name him Joseph Zachary wala lang mas bet kona yun!


Nakatulog nga pala ako at nagising ako nadeliver na nila si baby dito sa room! Ang lolo at lola busy sa kakatitig!

"Hi mmy, hi daddy" bati ko sakanila

"Oh, anak gising kana pala look at your baby very healthy and Handsome like me" saad ni daddy kaya naman natapik ni mommy si daddy sa braso kaya natawa ako doon akala mo hindi hiwalay eh..

"Anak, kay gwapong bata..!!" Tuwang tuwa na saad ni mommy, madaling araw na at gising na gising parin sila sa totoo inaantok paako..

"Syempre po!" Saad ko nalang at inilapit nila si baby saakin pinag masdan ko itong natutulog ng mahimbing k-kamukhang kamukha ng tatay ano ba naman yan! Siyam na buwan kong dinala pag labas ni kahit ano walang nakuha saakin, unfair ha.



--

FOLLOW! VOTE! THANK YOU!!

My ex' My bossWhere stories live. Discover now