Chapter 27

1.4K 77 6
                                    

Ang hirap talagang mag decide pero mas maganda na sigurong mag resign na ako.

"Mommy may sasabihin pala ako" saad ko sakaniya, andito kami ngayon sa table kumakain ng breakfast bago ako pumasok ay naisipan kong sabihin na sakaniya..

"Ano yun??" Pag tatanong ni mommy at tumingin saakin

"M-mag re-resign na po ako sa Company" derecho kong sinabi para hindi na mahirapan pa.

"Ah ganoon ba?.. pero kung yon naman ang gusto mo ayos lang anak tsaka ayaw ko namang pahirapan ka lalo na't nag dadalang tao ka" aniya at ikinagulat ko pa nga hindi manlang siya nag dalawang isip kundi sumuporta nalang.

"Hayaan mo ate may nakuha na akong trabaho! Kaya huwag kanang mag-alala" saad ni xukai kaya ikinagulat ko iyon

"Ha? Anong ibig mong sabihin" pag tatanong ko sakaniya

"Kukuhanin na ako nila tita" aniya at ngumiti

"Saan? Hah?" Naguguluhan kong tanong sakaniya

"Sa San Francisco mag wo-working student ako doon, plus how many months nalang tapos na ako sa study" saad niya saakin

"T-talaga! Pero sige kung iyan din naman yung gusto mo, okay lang" sambit ko at ngumiti

"Ate eh bakit kasi hindi mo pa sabihin kay kuya simon??" Masamid samid ako ng marinig ang tanong ni shan

"H-hayaan niyo na.. ayokong guluhin yung buhay niya" sagot ko naman sakaniyang tanong

"Eh yung buhay mo nga ginulo niya pero hayaan mo na yun shan hindi siya Deserve ni ate, kita mong may rumored girlfriend" saad ni xukai.. alam din pala niya sabagay naging issue sa social media iyon na may 'rumored' girlfriend nga daw...

"Pero mas magandang may tatay yung pamangkin natin! It's really hard kaya growing without a father" saad ni shan kaya naman nag dalawang isip tuloy ako bigla.

"Mag si-tigil na kayo diyan, nasa ate niyo parin ang desisyon okay? Huwag niyo na siyang bigyan ng ika-ka stress hindi maganda sa pamangkin niyo" pag-saway ni mommy sakanila at pinag patuloy nalang namin ang pag kain... hanggang sa natapos na ako nag paalam na ako na aalis pero bago umalis nag ayos muna ako.



"Hi seswang!!" Nakaka gulat naman tong babae na to! Pasulpot sulpot sa gate namin.

"Ay gaga ka!" Reaksyon ko sakaniya at tumawa nalang ito.

"Ano tara na??" Pag tatanong niya at tumango nalang ako dito.. hanggang sa makalabas na kami ng village nag abang lang kami ng masasakyan

"Mamaya pala bago umuwi daan muna tayo sa bahay" saad ko sakaniya at sumakay na kami sa jeep, ang tinutukoy ko ay yung bahay na pinapagawa ko.

"Sure!" Saad niya at ayon hinintay nalang naming makarating sa Building.



--

"Ooh.. dapat hindi ka nalang pumasok" salubong saamin ni georjie

"H-ha bakit??" Pag tataka naman ni ela at tumingin si georjie sa isang direksyon, kaya napatingin din kami 

"Andito yung haliparot" bulong niya at nakita ko sa direksyong tinignan namin si simon at vanessa mag kasama at nag uusap and simon looks happy with her talaga.

"Ano to? Umagang kay sakit" inis kong binulong at tumungo nalang saaking lamesa.

"Kaya mo yan, huwag kang mag papadala sa mga nakikita mo! Isipin mo nalang si baby" saad saakin ni ela "Hoi georjie, ikaw ng bahala sa kaibigan natin mauna na ako" pag-papaalam ni ela saamin dahil sa kabila pa ang room niya

"Ano dzai? Keri pa today?" Pag tatanong ni georjie habang may inaayos na papers

"Hmm oo naman! End of the month wala narin naman ako dito" saad ko at ikina laglag panga niya iyon.. nagulat siya sa narinig saakin.

"Ha?" Tanging iyon nalang ang lumabas sakaniyang bibig dahil sa gulat siguro ...

"Napag desisyunan ko na, na mag resign" saad ko sakaniya

"Anong rason?" Pag tatanong niya saakin

"Lumalaki na yung baby bump ko hindi na maitatago plus magiging issue to pag nalaman nilang nag dadalang tao ako dahil panigurado pati sila mag tataka, and then ayoko ng makita si simon and vanessa alam mo yun m--" she cut me off

"Masakit? Hmm.. naiintindihan kita! Kung iyan ang gusto mo okay lang pa-pasyalan nalang kita ha?  Nakaka excite si baby" saad niya at ngumiti saakin.

"Oo naman gora lang anytime pwede kang bumisita!" Nakangiti kong saad mas na e-excite pa sila kesa saakin eh!


Nag trabaho lang kami ng nag trabaho and nag breaktime... tapos hanggang sa mag uwian

Sabay sabay kaming tatlo umuwi pero kami ni ela ay pupunta pa sa bahay

"Omg! Ang ganda" reaksyon niya nung makarating na kami doon and yes tapos na ang bahay pero wala pang kagamit-gamit kaya hindi pa kami makalipat.

"Furniture nalang ang kulang" saad ko habang nililibot ko ang aking paningin sa bahay, eto na ba yung katas ng hirap at pagod ko. Well ang ganda nga ang bahay namin ay modern style.

"May nursery room ba?" Pag tatanong ni ela saakin habang nag lilibot libot apat lang ang kwarto,

"Apat lang ang kwarto" saad ko at bumugtong hininga

"So wala?" Pag tataka niya

"Eh aalis nadaw si xukai kung sakaling matuloy siya sa San Francisco ay kay baby nalang yung room niya" saad ko at ngumiti

"Ui! Sabihan mo ako ha?? Bibili ako ng gamit para kay baby tapos aayusin natin yung room niya!!" Nakangiti niyang saad at halatang excited na excited

"Gaga! Mag a-apat palang na buwan huwag kang ano jan" saad ko dito at tumawa nalang ang gaga.

"Bakit ba! Tita feels wag kang ano jan" aniya saakin, kaya nag tawanan nalang kami dito..

Dalawang palapag ang bahay at nalibot na namin kaya napag isipan na naming umuwi bago mag dilim mag ka likod lang ang bahay namin! Mag ka iba nga lang ng street i mean may iikutan muna bago ka makapunta sa bahay nila ela pero mag ka likod lang talaga.


"Grabe ang saya sa feeling mag ka-ka little one kana!" Aniya saakin habang nag lalakad kami pauwi ng bahay

"Well i admit it masaya naman sa feeling medyo naguguluhan parin talaga ako" saad ko sakaniya sa totoo ayokong lumaki yung bata ng walang amang makikilala..

In God's perfect time... i guess?






---

FOLLOW! VOTE THANK YOU!!

My ex' My bossWhere stories live. Discover now