Chapter 32

1.4K 69 0
                                    

Nag ka-ayos na nga pala kami ni daddy ngayon ay ayaw ko na talagang ma stress kaya ayon nakipag-ayos na ako kay daddy palagi nga siyang dumadalaw dito well excited ang wowo! Pwede na nga pala naming malaman ang gender maybe tomorrow na sasamahan ako nila ela and georjie but si daddy, yung mag hahatid saamin dahil hindi na ako nag ji-jeep or any public transportation.

"Anak?" Pag tawag saakin ni daddy and oo nga pala naka lipat na kami dito sa bahay, nung una nagalit si daddy sa wife niya pero sabi ko huwag na at mas gusto ko nadin tumira dito.

"Yes po?" Pag sagot ko naman sakaniya

"Gusto kang makita ng lolo at lola mo" saad niya kaya naman nag taka ako kung ano bang ibig niyang sabihin

"P-po?" Pag tatanong ko dahil nga naguguluhan ako

"Come with me, sa Beijing anak" aniya kaya naman napa lag-lag panga ako doon syempre nakaka gulat

"Ha?! I mean bakit po? Sa C-china?" Pag tatanong ko dahil first time kong makaka punta sa tirahan nila doon plus if else ay 1st time ko namang makikita yung lolo at lola ngayong malaki na ako dati kasi baby pa ako non., o kaya naman through video call pero iba parin pag in person

"Yes anak siguro mas magandang doon ka na manganak tutal hindi mo naman balak sabihin sa tatay niyan" saad niya sabay tingin sa tiyan ko..

"P-paano po sila mommy,?" Pag tatanong ko sakaniya bago mag-sang ayon

"Nag-usap na kami sabi ko naman sakaniya ay kahit dalawang buwan kalang doon para lang makilala ka ng lubusan ng lolo at lola mo" aniya saakin so nag usap na pala sila ni mommy doon

"Paano pag nadatnan po ako doon ng panganganak?" Pag-aalala ko naman dahil panigurado pag doon ko ito pinanganak magiging Chinese citizen ayoko naman non.

"Eh edi doon ka nalang muna.. basta krisha we already talk about it hanggang sa maaga aayusin na natin ang ticket niyo" saad niya kaya naman nag taka ako bakit 'niyo'

"Namin po? Kasama po ba sila mommy?" Nakangiti kong saad

"Unfortunately hindi anak.. si shan lang" saad niya kaya naman nalungkot ako doon

"B-bakit naman po?" Malungkot kong saad

"Alam mo naman ang issue between her and my parents" aniya saakin.. well wala akong magagawa kundi intindihin iyon, kung mawawala man ako ng dalawang buwan andito naman sina kuya kasama ang wife and children niya kaya may kasama narin si mommy non, mag babakasyon sila dito for a month kaya lang wala naman kami ni shan non.


"Uh.. okay, kailan po tayo aalis?" Pag tatanong ko sakaniya

"Hmm at the end of the week?" Hindi siya sure kaya ngumiti nalang ako mabuti't fluent mag Tagalog si daddy.

After naming mag-usap ay napag-isipan ko munang pumanik sa kwarto para mag pahinga, pabigat na ng pabigat ang tiyan ko.

"Baby... tomorrow malalaman na namin kung boy kaba or girl" pakikipag-usap ko habang hinihimas ko ang aking tiyan.


--

It was a tiring day and hindi parin ako sanay na wala si trisha na hindi na talaga siya mag ta-trabaho dito i'm actually asking myself if what i've done wrong? Or did i do something wrong that?

"Ela?" I call ela' kasi i saw her walking through her office room

"Yes sir?" She stopped from walking and responded

"How's krisha?" I asked her kasi naman since nag resigned si krish, wala na kaming communication i don't even know kung ano ba talagang nangyari, never ko na ulit siyang nakita

"She's all good naman sir!" Nakangiti niyang sagot, she's a close friend of krish kaya naman may tiwala ako sa mga sinasabi niya.

"Uhm.. okay thank you, you can now go back to work" i said and give her a smile ..

Is this pay-back time? ginagantihan ba niya ako kagaya ng pag-iwan at pag laho ko nalang bigla sakaniya? "Ohh Jesus" i whispered and focused on the computer

--

Naka tulog pala ako pag dilat ko mag didilim na.. kaya napag isipan kong bumaba i'm craving for an ice cream kasi with banana parang banana split lang ganon yung dessert basta that's what i'm craving for.

"Mom san yung ice cream?" Pag tatanong ko kay mommy at nagulat pa ito saakin

"Gising kana pala.. ice cream? Agad agad?" Naguguluhan niyang tanong

"Mom that's what i'm craving for po" i said and she walk through me

"Here oh" aniya sabay abot nung ice cream mabuti nalang may ice cream actually i'm thankful lahat ng i crave ko ay mayroon sa bahay
Kaya naman nag lagay ako sa bowl and nag slice ako ng isang banana.

Busy akong kumain at may nag door bell kaya si mommy na daw ang titingin..

"Seswang!" Rinig ko agad ang boses ni ela patakbo saakin, palagi tong pumapasyal saakin simula nung nabuntis ako, so sana pala dati pa ako nag pabuntis! Paano dati tamad na tamad mag punta saakin.

"Oh? Hi!!" Saad ko dito naka-upo kasi ako kaya siya na ang nag adjust tumungo siya saakin para makipag beso-beso plus! Hawakan ang tiyan ko
Amaze na amazed sila ni georjie every time na dumadalaw paano nga malaki na kasi.

"Shala ice cream hahaha cravings?" Natatawa niyang saad

"Oo!" Nakangiti ko namang sagot sakaniya umupo siya sa side ko at mukhang may baong chika to ha.. inalok ko narin siya ng ice cream "Bawal tumanggi sa buntis" pag banta ko sakaniya kaya naman no choice ang ate niyong ela.

"So i have chika!" Excited niyang saad habang nag ta-try nung ice cream syempre baka malusaw.

"Oh ano nanaman yun! Halos araw araw may chika ka sana naman yung may kwenta na" saad ko sakaniya

"Gaga, hindi lang basta chika! Kinikilig nga ako mabuti hindi ako nadulas kay simon" saad niya kaya nagulat ako doon lalo na nung nabanggit nanaman ang pangalan ni simon

"Anong meron?" Pag tatanong ko sakaniya

"Etong si simon! Palagi kang kinakamusta saakin jusko hahaha nakaka kilig kaya bakit kasi ayaw pang i reveal" saad niya saakin kaya napa irap ako

"Totoo ba??" Pag tatanong ko sakaniya

"Oo nga!!" Halos napalakas ang boses niya kaya naman kumain na lang kami ng ice-cream syempre may halong chikahan kwine-kwento niya saakin palagi ang mga ganap sa Company.

--

FOLLOW! VOTE! THANK YOU!!

My ex' My bossWhere stories live. Discover now