Chapter 3

1.3K 42 3
                                    

Kakatapos ko lang maligo kaya pumunta na akong kusina para kumuha ng isang basong tubig at ininom yun. Ewan ko pero parang nauhaw ako habang nagbibihis kanina sa kwarto.

Pagkatapos ay dumiretsyo na ako sa veranda na dala yung gitara ko. Nagsimula na akong kalabitin isa-isa ang string nito at nagsimula na ding kumanta.

Ohhhhhhh, cause there is something and there is nothing

There is nothing in between

And, in my eyes, there is a tiny dancer watching over me

Simula nang bata palang ako ay nakahiligan ko na ang pagtugtog ng gitara at pagkanta. Ito nalang din kasi ang nagbibigay paalala sakin para mabuhay ako ng payapa.

He's singin' she's a, she's a lady and I am just a boy

He's singing she's a, she's a lady and I am just a line without a (hook)

Nang mawala sila mama at papa parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Walang ng gagabay at magmamahal sakin dahil wala na silang dalawa.

Oh, baby, I am a wreck when I'm without you

I need you here to stay

I broke all my bones that day I found you

Naramdaman kong may nagsitulong luha sa buong pisnge ko. Pero kahit ganon ay nakuha ko paring ngumiti kahit paano.

Crying at the lake

Kanina ko lang din natanggap na hindi na dito uuwi si nanay Ester dahil ayaw na siyang pabalikin ng kanyang anak. Naiintindihan ko sila dahil alam kong matanda na rin si nanay Ester kaya mahirap na din sa kanya ang magtrabaho.

Sana pala niyakap ko na siya ng todo nung umalis siya dahil hindi na siya titira pa rito sa bahay. Siya nalang ang natitirang meron ako pero mawawala din pala siya sa tabi ko.

Was it something I said to make you feel like you're a burden?

Oh, and if I could take it all back I swear that I would pull you from the tide

Patuloy lang sa pagagos ng luha sa mata ko pero hindi ko na ininda yun hanggang sa matapos na ako sa pagkanta.

Mag-isa nalang pala ako sa buong buhay ko. Wala na sila mama at papa at wala na rin si Nanay Ester. Napabuntong hininga ako at tsaka napatingin sa paglubog ng araw. Wala talagang tutulad sa gandang taglay nito. Pinupunasan ko ang mata ko nang bigla akong mapatingin sa rehas ng gate.

"marunong ka palang mag guitara?"

Nandito na naman siya? Anong ginagawa niya dito?

"Ngayon ko lang narinig ang kantang yan, bagay sa boses mo, babaeng babae pero hindi halata sa itsura mo"

Tch

"Pwede bang pumasok? madilim na dito at may dala akong pagkai—"

"May pagkain ako dito sa ref, salamat pero sayo nalang yan"sabi ko.

"hmm sige pero pwede mo ba akong papasukin? ang dilim na din dito eh"

"Umuwi ka nalang"

Tch ang kulit naman nito!

"Sigena please pwede mo ba akong papasukin? may aso kasi dito sa labas, kakagatin ako"

"Saan? parang wala naman"

"Dito oh!"turo niya pa sa tabi niya.

Hindi naman ako bulag para hindi ko makita ang paligid no? Tch wala naman aso dyan eh!

NERD SPARKS Where stories live. Discover now