Chapter 4

1K 40 0
                                    

Papunta na ako ngayon sa school. As usual ay nasa tenga ko ang earphones at tsaka naka scooter ako. Makulimlim ngayong araw kaya hindi ako nagmamadali papuntang School. Mas gusto ko yung ganito dahil hindi ako naiinitan. Ang sakit kasi kapag tirik ang araw tapos naglalakad ka lang.

Pagkadating sa loob ng silid ay tinungo ko lang ang upuan at tsaka napahalukipkip na napatingin sa lahat ng kaklase ko. Walang ganang pinagmasdan ko naman sila. Hindi ba sila napapagod makipag-usap?

Dumating na ang teacher namin. Nagsibalikan naman lahat ng kaklase ko sa kanya-kanya nilang upuan at lahat naman kami ay sakanya napatingin.

"We will be having our sports month this month so you can always choose your desired sport. To those students who are willing to participate will be exempted to the upcoming exam."

Isa-isa namang nagsitaas ng kamay ang mga kaklase ko. Siguro lahat sa kanila ay nakangising nakataas ang kamay dahil sa kaisipang exempted sa exam kung sino man ang gustong sumali.

Katulad ng dati ay nagmukmuk lang ako sa sariling upuan at hindi nalang pinansin ang sinabi nila nang bigla akong tawaging ng teacher.

"Lovely?"

Walang ganang tiningnan ko siya at napailing lang. Tumango lang siya at napatingin ulit sa hawak niyang notebook na siguro ay mga lista ng mga sports na sasalihan nila. Napanguso siya habang tinitingnan ito.

"lahat ng students na sasali ay exempted sa exam, ok lang ba sayo Lovely na ikaw lang mag-isa ang kukuha ng exam?"

Mabilis naman akong tumango.

"pero hindi ako papayag..."

Agad naman kaming lahat napatingin sa bagong dating na lalaki na nakatayo na ngayon sa pintuan at diretsyong nakatingin sakin.

Anong ginagawa niya dito?

"Good morning mam, I'm sorry I'm late" sabi niya sa teacher.

Nagulat naman ako hindi dahil sa mga nagiinisinang tingin ng mga kaklase ko sa akin pero dahil diretsyo siyang pumunta sa likod at umupo katabi ng upuan ko.

"Hi Lovely"

"Anong ginagawa mo dit—"

Hindi ko natuloy pa ang sasabihin ko nang magsalita ulit ang teacher.

"I'm sorry class, nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na may bago tayong transferee...please stand and introduce your name"sabi ng teacher.

Pinagmasdan ko namang tumayo siya at napangisi pa muna sa akin na pinagtaka ko at tsaka tumingin sa lahat.

"I'm Seco Sevirein nice to meet you all"

"Yun lang ba Seco?"

Seco?

"Yes mam"

"Ok, take your seat... ok class so be good to your new classmate ok?"

"yes po"

"Ok, so Seco ,we will be having our sports fest this month and I want you to choose your desired sport"

"Ok, basketball nalang siguro" sabi niya.

Hindi ko parin makuha ang mga tingin ko sa kanya. Sigurado ba siya na dito siya magaaral?

"Hmm, puno na ang basketball...check ko lang ang available sports sandali lang class ha? huwag maingay babalik agad ako!"

"Omg Hi pogi"agad na sabi ng mga babae kong kaklase kay Dust nang makaalis ang teacher.

"Hello"

"Omg napakagwapo niya noh?"

NERD SPARKS Where stories live. Discover now