Chapter 24

375 22 0
                                    

"Lovely Martha Celestine Martinez with Honors..."

Naguguluhan man pero agad akong tumayo at naglakad papuntang gitna para kunin ang diploma at medalya ko. Hindi kasi sinabi ng Teacher namin na kung anong top kaming lahat sa klase at expected ko naman na wala akong honor kasi hindi talaga ako matalino. Isang boses sa hindi malayo ang narinig ko at todo sigaw ng pangalan ko.

"Wooooooohhhh! Lovely proud ako sayo!" sigaw niya pa maliban sa lahat. Agad naman akong napangiti nang biglang mag-flash ang Camerang naka-tuon sa akin at sa mga taong nasa likod ko.

Pagkadating ko naman sa upuan ko ay nagulat naman ako ng batiin ako ni Chelseah.

"hoy! Congrats ahh? hehe matalino ka pala?" Sarkastikong aniya. Mayat-maya naman ay narinig kong tinawag na ang pangalan niya.

"Chelseah Tan with High Honors" agad namang pumalakpak lahat ng tao nang marinig na high honors siya.

"Bye Lovely kukunin ko muna yun" aniya pa at nagmodel papuntang stage.

Gaga

Ngiti-ngiti naman ako habang pinagmamasadan siya nang may biglang may tumabi sa akin.

"Congratulations Lovely..."

"Ricco?" ani ko pa sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa itsura niya. Parang hindi siya.

"Bago ang haircut ko hehe"

"Oo nga no? Bagay sayo, congrats din sayo" nakangising sabi ko.

"Naks ang ganda mo ngayon, tapos marunong kanang ngumiti ah? kasama mo ba si Seco?"

Hindi ako nakapagsalita kaya napailing nalang ako sa kanya. Tumango-tango naman siya.

"Hindi mo talaga ako type no kahit pogi naman ako?"

"ha?"

"Joke lang, narinig ko kasi kanina na todo cheer sayo yung lalaking matangkad sa likod, boyfriend mo na ba yun?" taas kilay aniya.

Tumaas din ang kilay ko.

"Hindi, kaibigan lang..."

"Talaga?"

"Oo kaibigan ko lang yun, bakit? type mo ba?" humahagikhik sabi ko.

"Hala Lovely kelan kapa natutong mag-joke? Hindi ako makapaniwala sayo"

"Hi Ricco" singit naman ni Chelseah sa usapan namin."Look oh, ang bright ko diba?, High Honors ako so anong sasabihin niyo?"

"Congrats"sabay naming sabi ni Ricco sa kanya.

"Hoy Chelseah alam mo na bang marunong mag-joke at ngumiti si Lovely?"

"Maka-hoy kanaman Ricco? Chelseah ang pangalan ko hindi Hoy! Ewan ko ba kung marunong na si Lovely magjoke hindi naman kami Friends eh ayaw kasi akong maging kaibigan dati!" Maarteng aniya.

Ako pa yung sinisisi, eh siya yung umaaway sakin eh!

Tss

"Pwede naman kayo maging kaibigan kung ok lang kay Lovely"

Agad naman akong nagulat sa sinabi ni Ricco.

"Huy ano sabi mo?" Mahinang sabi ko kay Ricco.

"Gusto ka nyan maging kaibigan, promise...nagpaparinig lang yan kung ok sayo na maging Friends kayo" natatawang aniya Ricco.

"Anong nagpaparinig Ricco? Hmphh! Fine, that was true...so pwede ba tayong maging magkaibigan Lovely?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko sa maarte niya pa ding tono.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now