Chapter 5

985 30 0
                                    

"Mag-ingat ka sa susunod, dahil hindi sa lahat ng oras nandito lang ako sa tabi mo kaya habang may oras pa, hayaan mong samahan kita"

Ha?

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero alam ko kung saan napunta ang atensyon ko. Ngayon ko lang nakita na ganyan pala ang kulay ng mata niya. Kulay orange sa malapitan. Pero laking gulat ko nang biglang umiba ang kulay nito.

"Lovely"

Napalunok ako kalaunan habang nakatingin sa kanya. Napakalapit, hindi ako makahinga. Nakikita ko ang itsura ko sa mga mata niya. May hindi ako naiintindihan na ngayo'y nakatingin ako sa mata niya. Ito ang unang pagkakataon na parang may kakaiba sa mga mata niya habang nakatingin ito sakin.

"If only I can stop it..."

Puno ng lungkot ang mga mata niya. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito. Hindi ko alam pero parang naawa ako habang tinitingnan siya.

Natauhan ako nang malaman na nakatayo na pala ako ng maayos. Sinunod ko naman siya ng tingin hanggang sa makapunta siya sa gate.

"pupuntahan kita dito mamaya"

Yun ang sabi niya at tsaka umalis na. Tulala naman ako hanggang ngayon. Hindi ko na nagawang magsalita pa nang matapos niyang sabihin yun.

Pumunta naman ako sa kwarto ko at tsaka nagbihis na. Pagkababa ko ay hinanda ko lang ang ramyeon na binili ko sa convenient store kanina. Umupo na ako sa upuan nang biglang kong marinig na may kumakatok sa gate.

Lumabas ako na dala yung cup noodles at yung tubig.

Nandito na siguro siya

"bukas yan"

Pinagmasdan ko naman siyang pumasok at laking gulat ko naman na may tatlong plastic siyang dala. Napunta lahat ng atensyon ko doon.

"kumakain kana?"

"kakain pa lang" sabi ko.

Napatingin naman siya sa dala kong pagkain.

"Sabay na tayo?"

"S-sige, p-pasok ka"

Agad naman akong dumiretsyo sa kusina. Walang masyadong pagkain sa bahay.

Anong kakainin niya?

Napatingin naman ako sa ramyeon ko.

Hindi. Akin to!

"May dala akong pagkain dito don't worry, mabuti at naisipan mo ring papasukin ako dito"natatawang aniya. "Ito," sabi niya sabay abot ng dalawang plastics sakin.

Anong gagawin ko dito?

"Nag-grocery ako kanina at binilhan kita, palagi kasi kitang nakikita sa convenient store, kunin mo na, sayo talaga yan"

Natahimik ako dahil sa sinabi niya.

Seryoso siya?

"Oo, seryoso ako"

Paano niya nalaman?

Nagsimula na kaming kumain. Nahiya naman ako dahil andami niyang pinamiling pagkain para sa akin tapos sinusungitan ko pa siya simula pa kanina sa school.

"Kung iniisip mo kanina sa school, Ok lang, sorry kasi hindi muna kita tinanong kung ok lang ba sayo"

Hindi ko siya sinagot. Parang ayaw kong magsalita na ewan. Mabilis akong yumuyuko tuwing magkakatinginan kaming dalawa. Ngayon ko lang din nasubukan na may kasamang lalaki sa hapag maliban kay papa.

Pagkatapos naming kumain ay ako na nagprisinta na ligpitin ang mga plato at pinamili niya para sa akin. Pagkatapos kong maghugas ay isa-isa ko na ding nilagay ang pinamili niya sa cabinet at ref.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now