Chapter 7

690 26 0
                                    

Sports Festival

Naglalakad na ako ngayon papuntang room. Medyo maaga pa naman dahil maaga akong umalis sa bahay. Pagkadating ko ay nilagay ko lang ang bag kong dala at kinuha ang earphone sa dalawang tenga ko. Agad ko namang nakita si Dust na kakapasok lang din sa room. Kami pala ang na una.

Umupo nalang ulit ako at ilalagay pa sana sa magkabilang tenga ko ang earphones nang biglang may kumuha nito sakin kaya doon napunta ang mga paningin ko.

Si Ricco

"Hi Love, Good morning..." masayang aniya.

Love? ha?

Napansin niya siguro ang pagtaas ng isang kilay ko sa sinabi niya kaya natawa siya sa naging reaksyon ko.

"I'm sorry but Love nalang siguro ang itatawag ko sayo dahil ang haba ng lovely..."

tch

"Hindi pwede"

Marahan naman akong napatingin sa kay Dust dahil sa sinabi niya. Papunta na siya ngayon sa direksyon ko at umupo sa kabilang armchair at humarap sakin.

"Hi, bro..." bati sa kanya ni Ricco pero hindi siya pinansin nito.

"Lovely ang pangalan niya kaya hindi pwedeng baguhin" diretsyong sabi niya na nakatingin kay Ricco.

"Pero bro, mas maganda kung Love kasi ang cute—"

"I'm not your brother so stop calling me bro, we're not even close"

ha? anong problema nito? ang aga aga?

Tch

Agad ko naman na ibaling ang paningin ko kay Ricco nang magsalita siya.

"Ok I'm sorry... pero hindi naman siguro big deal na tawagin kong Love si Lovely diba? at isa pa Love is a part of her name so what's wrong with that?...right Love?" sabi niya at napatingin sakin.

Ano ba kasi ang problema nilang dalawa? Napakunot ang noo ko nang makita kong nasa akin na nakatingin si Dust. Galit ba siya sa akin?

"WOW very good Seco and Lovely dahil nandito na kayo..."sabi ng Trainer namin.

"Good Morning po" sabay naming sabi. Tinanguan lang niya kami at tsaka napatingin sa buong room.

"Kasama ko dito ang magmamake-up sa inyo...kung pwede lang sana kayo lang dalawa ang nandito dahil para makatapos agad tayo no?"

Agad naman akong napatingin kay Ricco at tumango-tango at napangiti sakin.

"Sige po...see you nalang pala doon sa stage Love" aniya at kinindatan pa ako.

Pagkaalis ng pagkaalis niya ay napatingin agad ulit sakin si Dust. Ewan ko kung ano problema niya sakin. Simula lang nang magpakilala sakin si Ricco ay parang nagbago ang mood niya tuwing kinakausap ako nito. Siya naman to ang nagsabi sakin na...

"He's talking to you, don't be rude"

Tch

Tapos siya pa ngayon ang may ganang magalit dahil kinakausap ko si Ricco?

Wala talaga sa wisyo ko na intindihin yun kaso lang nahahalata ko siya eh. Galit siya tuwing magkasama kami ni Ricco at kinakausap ako nito.

Walang kibuang tumayo ako at pumunta na sa magmamake-up samin at umupo na doon. Nilagay ko lang ang earphones sa tenga ko para hindi ko na isipin pa yun. Marami pang nilagay sa mukha ko na kolorete bago naisipang huminto ng nagmamake-up.

Siguro tapos na

"Oh my goodness... MAGANDA KA PALA?" hindi makapaniwalang sabi niya kaya pati ang trainer na si Ms. Dan ay laking gulat din.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now