Chapter 17

427 23 0
                                    

Katulad ng sinabi niya ay hinanap ko si Martha kasi iilang minuto nalang ay magsisimula na daw silang magperform sa harapan. Sabi ni Franco, yung lalaki kanina.

Kanina pa ako naglilibot dito pero hindi ko parin makita si Martha ganon din si Celestine. Siguro kasama ni Celestine yung manliligaw niya. Lumabas na din ako sa labas ng bahay para hanapin si Martha at Shielah dahil magkasama silang umalis kanina. Andami nilang mga bulaklak dito, kada  poste na madadaanan ko ay may mga nakasinding ilaw. Napakabango din ng mga bulaklak nila. Meron akong nakitang isang parang fountain sa hindi kalayuan kaya nausisa akong puntahan ito. Alam kong hinahanap ko pa si Martha pero saglit lang naman ako at babalik din ako sa loob.

Namamangha kong nilibot ang paningin dito at...

Marahan akong napahinto sa paglilibot. Parang may ibang klase akong nararamdaman habang nakatingin sa lugar. Parang may mga matang nakatingin sa akin, hindi ko man alam kung nasaan pero sapalagay ko ay nasa hindi naman siya kalayuan. Hinakbang ko lang papalapit ang mga paa ko sa fountain dito at tsaka napaupo. Hindi ako nakatingin sa fountain pero nasa paligid nakatuon ang mga paningin ko.

Kung sino man siya sana hindi siya makakatulog ngayong gabi! kinakabahan ako sa mga matang nakatingin sakin!

Tch

"Pssssstttt!"

Agad akong napangisi nang gawin ko yun. Ayaw niyang magpakita? pwes ako nalang ang tatawag sa kanya kahit kinakabhan ako. Sapalagay ko kasi nandon siya nagtatago sa puno kaya ayaw kong bumalik ng bahay baka kasi  atakihin niya ako kapag dumaan ako.

"Pssssstttt!"

Tch

"Takot kanaman pala eh!" napangiwi ako matapos ko yung sabihin. Tch takot!

Binasa ko ang kamay ko sa fountain at napagdesisyunan nalang na tumayo na. Wala naman sigurong tao dito no? diba? Kinakabahan naman akong naglakad na pabalik ng bahay nang bigla akong mapatingin pabalik sa puno kung saan sapalagay ko ay may tumatago doon!

Aatakihin niya na ba ako?

Nasa puno lang naiwan ang paningin ko habang dahan-dahang naglalakad ang dalawang kong paa pero ang ikinagulat ko ay parang sa oras na ito ay tama nga ang hinala ko at hindi lang ako nagiisa rito sa labas ng bahay! Nagsimula na akong maglakad ng mabilis at binalik ko na sa harapan ang mga paningin ko. Ngayon, positive ngang may sumusunod sa akin!

Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo na, ang layo kaya ng hardin nila kesa sa bahay! naka-sandal panaman ako! Kasi naman, saan ba kasi nagpunta si Martha?

"Wooooooof!"

Aray!

Marahan kong tiningnan kung sino man ang tumalon dahilan para matumba ako. Mabuti nalang at sa grass ako natumba kasi kung semento siguro may gasgas na ako!

Kanino namang aso ito?

"grrrr...woooof!"

"Tch, alis! ang bigat mong aso ka!" naiinis kong sabi na pinapaalis ang aso na ngayon nasa tyan ko! Lumaki naman ang mata ko nang bigla akong dilaan ng asong ito!

"Aalis ka! Shu shu! yung bistida ko oh!"aniya ko pa dito pero patuloy niya akong dinidilaan sa mukha. "Tch alis nga, saan ba yung amo mo ha? Bakit mo ako sinusundan kanina? ako ba amo mo?"

Ito yung masaya kung may salo-salo, dadalhin nila ang aso nila sa Birthday tapos pababayaan nila na magutom ang aso nila, kaya ngayon ako ang biniktima! ang sarap siguro ng make-up ko no?

Tch

Kung sino man sana ang nagmamay-ari ng asong ito sana hindi mo na makita ang asong ito!

NERD SPARKS Where stories live. Discover now