Lesson 8: solo project

6.1K 246 52
                                    

-Saturday-

Bakit. . .?

Bakit. . .?

Bakit ba kasi ako pumayag na mag-isa lang gagawa ng projectT___T

Lintek na Karen kasi yan! Eh kung i-message ko na lang kaya sila tapos sabihin ko na di ko talaga kaya? Kaso yung dignidad ko naman, nakakahiya pag sinabi ko yun sa kanila.

Buwisit talaga! ayoko na! Bakit kasi may biology pa eh di naman ako magiging doctor!

Kaya eto ako ngayon. . .

Naliligaw.

Ganito kasi yun, ang project namin, maghanap ng ibat ibang specimens ng moss tapos mas madali raw maghanap dito sa park.

Ang problema nga lang, wala akong kaalam-alam sa park na to kasi first time ko lang pumunta dito. Hindi naman kasi ako galang tao, lagi lang ako nakahilata sa bahay at kumakain. Miss ko na nga ang bakasyon eh.

Kain

Tulog

Nuod TV

Do it all over again

Ganun ang buhay bakasyon.

Pero matagal pa ang bakasyon eh kaya wala akong magagawa kundi tiisin na lang to hanggang sa makapasa ako.

Ok. Bahala na, maghanap na lang tayo ng moss.

Kaya ko to kasi Lucky ang pangalan ko kaya mosswerte ako! Gets niyo? Mosswerte=maswerte.

Hahahahhhahahah!

.

.

.

.

Wala na, nabaliw na ako dito. at bakit walang masyadong tao dito? medyo forest na rin kasi ang dating ng park na to.

Biglang mag gumalaw sa may damuhan.

O____O

Chill lang lucky, park to, hindi jungle. Wala naman atang lalabas na lion dyan.

May gumalaw na naman.

Kaso mukang jungle tong park na to!

Hindi, chill lang Lucky.

*breathe in breathe out*

Wala yun.

Gumalaw na naman!

"WAAAAAAAAAHHHH!!!" napasigaw ako.

.

.

.

.

.

.______.

"Meow"

Ay, pusa lang pala. Ang OA ko naman kasi, pano naman magkakaroon ng wild animal dito sa park. Haay naku, isang oras na ako dito pero wala pa rin akong nakukuhang moss.

Teka. . . san ko pala ilalagay yung moss?

. . . . . .

ANG BOBO MO TALAGA LUCKY!!!

Di ko man naisip na magdala ng pangkuha ng moss kahit kutsara at tupper ware lang. Pano na to? Eh kung bumili na lang ako ng plastic na kutsara at plastic cup? Pwede na siguro yun.

Kaso, san ba ang daan dito palabas?

May gumalaw ulit sa damuhan.

Ha! Hindi na ako matatakot noh, alam ko namang puro pusa lang dito eh.

"Meow Meow" sabi ko para lumabas yung pusa.

Pero hindi pusa ang lumabas.

Shet.

"ARRRRRFFFF!! ARFFFF!!"

SHEEEEEEEEEEEEEEEEET!!!!

Tumakbo na ako agad! Hinahabol ako ng aso!!!

Bakit may aso dito?!!!

After 3 minutes ng kakatakbo. . .

Hoo. . . hooo. . .

Sobrang napagod ako, mukang wala na yung aso. Naligaw ko na ata siya.

Pagtingin ko sa likod ko. . .

"ARRRFFFF!!! ARRRRRFFFF!!"

*Takbo ulit*

Langya naman oh!!

"Tuloooooongggg!!!" sigaw ko.

Bakit ba kasi mukang forest tong park na to!!!

Nang maramdaman ko na hindi na ako hinahabol ng aso, tumigil na ako. Tumingin ako sa likod ko.

"Kawawa ka naman, ginugulo ka ba ni Lucky?"

What. . . the. . .?

"Hoy! Anong ginagawa mo dito ha?" sabi ko kay Robi.

Nilalaro na niya yung aso. Bakit naging insant bff niya yung ulol na asong nakakatakot?! Kakaiba talaga si Robi.

"I've come here to save you ofcourse" sabi ni Robi.

"Wow, isang taon ka lang states at ini-english mo na ako ha. At anong save save ka dyan? Kaya ko ang sarili ko noh" sabi ko sa kanya.

"Talaga? sige pakakawalan ko na tong aso" sabi niya.

O_____O

"Joke lang! joke lang!" sabi ko sa kanya.

Takot talaga ako sa aso eh, lalo dun sa mga nanghahabol.

"Sige alis ka na" sabi ni Robi at umalis na yung aso. Dog whisperer ata tong si Robi.

"Bruno? Pinangalanan mo na siya?" sabi ko.

"Bakit? Bawal ba? At mukha naman siyang mabait" sabi niya.

"Anong mabait dyan eh hinabol niya ako!" sabi ko sa kanya.

"Masungit ka kasi" sabi niya.

"Hindi ako masungit!" sabi ko.

"Eh anong ginagawa mo ngayon?" sabi niya.

Kakairita talaga siya!

"Ewan ko sayo!!!" sabi ko tinalikuran ko siya.

Mas mauti na lang pala na mag-isa ako dito sa park kesa naman sa makasama ko to. Feeling ko nababawasan ang life-span ko dahil sa stress ko sa kanya.

"Siguro hindi ka lang nakakapag-move on sakin, noh?" sabi ni Robi.

Hinarap ko siya.

"Don't you ever mention that topic to me again" sabi ko sa kanya. Oo, inenglish ko para mas dama niya ang intensity.

Ang kapal talaga ng mukha niya. Kinakausap niya ako na parang walang nangyari after one year? Oo, hindi ako makapag move on.

Eh sino naman ang makakapag move on kung sobra sobra ka niyang sinaktan?

Author's note:

Thank you for reading and please comment(youre always welcome to post constructive criticisms:)

Sir! (On hold)Where stories live. Discover now