Lesson 5: Libreng langhap sarap

8.2K 286 71
                                    

"Ano?! Naka-97 ka?!" sabi ni mama.

"Oo nga po ma" sabi ko.

Talagang ayaw maniwala ni mama.

"Naku sinasabi ko sayo anak na ayokong nagsisinyngaling ka. Ok lang naman sa akin na bagsak ka basta sinasabi mo ang totoo. Matagal na kitang tanggap anak" sabi ni mama.

Di ko alam kung seryoso ba si mama o nangaasar ba. Mahirao bang pabiwalaan na naka 97 ako?

.

.

.

Actually, oo.

80 nga ang hirap hirap abutin eh, 97 pa kaya.

"Hindi nga ma seryoso na naka97 ako!" sabi ko.

Nilagay ni mama ang isang kamay niya sa noo ko.

"Naku anak, nilalagnat ka ba? Anong nangyari at naka97 ka?" sabi ni mama.

"Hindi po" sabi ko.

Napatalon ako ng biglang sumigaw at pumalakpak si mama.

"Matagal ko na tong hinintay! sabi ko na nga ba at hindi ka talaga bobo at nagdedevelop pa lang ang utak mo" sabi ni mama.

Dapat ba akong matuwa sa sinabi ni mama?

"Naku kelangan natin magcelebrate! Once in a lifetime lang ang makakuha ka ng grade na mas mataas sa line of 7! Ang sarap naman makarinig ng line of 9" sabi niya.

OA naman, naka-83 naman ako last year.

Values nga lang yung subject pero atleast, 83 pa rin yun.

Tapos yung iba kong mga kaklase mga line of 9 dun. Values na nga lang, mababa pa.

"Tara anak!" sabi ni mama habang hinuhila ako palabas ng bahay.

"San po tayo pupunta?" sabi ko.

"Dun sa gustong gusto mong puntahan simula bata ka pa" sabi niya.

Gusto kong puntahan nung bata pa ako?

Di kaya. . .

"Disney land?!" sabi ko.

Pupunta kaming disneyland? Makikita ko na sina Mickey, Minnie, cinderella, lahat na!

Naiiyak ako sa tuwa, sana pala matagal na kong naka-97 para nakapagdisneyland ako.

"Teka ma, ngayon na? Magiimpake muna ako!" sabi ko.

Paakyat na sana ako nang ma-realize ko.

"Teka, wala naman akong passport ah, pano tayo makakapuntang disneyland?" sabi ko kay mama.

"Disneyland? Nilalagnat ka ba anak? Sa Mcdo tayo pupunta" sabi ni mama.

Mcdo?

Umasa ako. . . umasa ako na disneyland kami pupunta.

Kaya mahirap umasa eh, masasaktan lang tayo sa huli.

#hugot

"Tara na anak, ililibre kita" sabi ni mama.

Libre? Tama ba ang narinig ko kay mama?

LIBRE???

Ngayon ko lang ulit narinig ang matamis na salita galing sa bibig ni mama.

Ililibre ako ni mamaT__T

ok lang kahit Mcdo, basta libre niya.

"Kahit ilan ang gusto ko ma?" sabi ko.

Sir! (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon