Lesson 4: Miosis

8.9K 345 124
                                    

Ayoko na.

Mali ako.

Maling mali talaga.

Bakit. . .?

Bakit biglang ako na lang?

Ako lang magisa?

Ako lang magisa. . .

Ang gumagawa ng group project namin.

Peste naman oh!

Group project kasi to! As in GROUP! Kasama ang members hindi leader lang!

Kung ako lang gagawa nito edi sana Leader project ang tinawag dito. Pero sa totoo lang, ako naman din ang may kasalanan nito eh. Pumayag ako na ako lang ang gagawa- ako pa nga ang nagsuggest. Pano? Eto, mag throwback yesterday tayo. . .

Kahapon:

Nandito kami ngayon sa bahay ni glecy, ka-group ko. Libre kasi lagi ang pagkain kapag dito kami gumagawa ng project, mabait kasi ang mama niya.

“Pano kaya natin to irereport?”

“Sa isang araw na to kelangan na natin to gawin”

“Sige ikaw na lang gagawa nito”

“Ako na lang dito”

. . . . .

.___. <--ako

Ano ako dito? Display lang? eh hindi nga nila ako pinapansin dito oh.

“Umm ako-“

Pero biglang nakisingit si Karen- yung top 1 samin. Siya rin yung pinaka-bossy. Kairita.

Alam mo yung may isang laging feeling leader sa klase? Siya yun.

At tingin ko may galit siya sakin, di ko lang alam kung bakit, Di nga kami naguusap pero lagi niya akong tinatarayan.

Isang beses nga tinanong ko siya.

“May assignment ba?”

Eto reply niya, mataray pa ang pagkakasabi.

“Ay? Hindi mo alam?”

Lintek ka! Tatanungin ko ba kung alam ko?!

At eto pa isang matindi, sinabi niya pa na-

“Tanungin mo na lang sa iba, busy ako”

Sir! (On hold)Where stories live. Discover now