Lesson 3: Assignment part 2

10.7K 368 107
                                    

Pagkauwi ko, diretso FB agad ako. Syempre kelangan kong makita notifications ko. Pagkabukas ko ng fb. . .

Yes! May 3 akong noti at 3 notification! Ewan ko ba pero kapag may nakikita ako kahit isang noti lang, masaya na ako. siguro ganun talaga pag adik sa fb.

Notifications:

Kam invited you to play candy crush

Daine invited you to play farmville

Trizha invited you to like her page

. . . T__T

Akala ko pa naman may naglike sa selfie ko. At uso pa ba ang farmville, ha? Puro invites!!! Kung invite lang sana to sa part, pwede pa eh. Ang mas nakakairita, di naman ako naglalaro sa FB. Kahit nga farmville di ko na-try.

Ok lang, may 2 messages naman ako. Baka si ex, nagsisisi kaya magmamakaawa na amgkabalikan kami. MWAHAHAH!. . . assumera ko naman.

Message from Daisy:

Palike po ng DP

Thanks

Kay daisy lang pala galing yung dalawang messages. At matinde ah, nagpapalike ng DP.

Hoy! Hindi ko ilalike ang DP mong mukang dikya!!! Peymhor!!!

Pero syempre di ko sinabi sa kanya yun, baka resbakan ako ng mga katropa niya kaya sineenzone ko na lang siya.

Kaya nag-browse na lang ako sa wall ko hanggang sa. . .

Ay peste.

Nakita ko na naman ang pagmumuka ng peste.

Peste= Robi

Robi= Ex-boyfriend

Ex-boyfriend= nakipagbreak sakin sa text

Nakipagbreak sakin sa text= heartbreak

Heartbreak= bitterness

Bitterness= lahat na tungkol kay ex ay kabubuwisitan mo kahit paghinga niya kaiiritahan mo

Pero hindi lang picture ni ex ang nakita ko. May kasama pa siyang babae. sino to? Bagong girlfriend niya? Tss. Ang chaka naman.

Tanggalin ko yang bangs sa ulo nya eh.

Ayan. Ayan ang naidudulot ng bitterness, pati girlfriend na hindi mo pa nakikita sa buong buhay ay kasusuklaman mo na agad.

Haaaay. Bakit kasi hindi ko na lang siya i-block? Di ko ko kaya eh. Kahit buisit na buisit ako sa pagmumuka. . .

Namimiss ko parin siya.

EEEEEEH!!! KAINIS!!! EX NA NGA MAMIMISS PA!!!

Asar.

Kahit namimiss ko siya, sana dun na siya sa america forever. Oh ang gulo ko diba? Ganun talaga ang love eh, magulo.

Hay naku next topic na nga! dapat ang mga ex na yan di na binabalikan, physically at mas lalo nang emotionally.

Isama na rin ang spiritually, eternally, faithfully, at lahat na ng may –lly.

*PAK*

“Hoy Clover! Nasa harapan ka na naman ng computer! Umalis ka nga diyan at ako muna ang gagamit!” sabi ni mama.

Aray. Pag manghihiram kelangan may kasamang batok? Konti na nga lang ang braincells ko, babawasan niya pa.

Umalis na ako sa harap ng computer at umupo na si mama. Makikipagchat na naman kay papa.

After 1 hour, magkausap parin sila.

“Hoy Eduardo, pag ikaw nambabae dyan. Mawawalan ka ng dalawang paa sinasabi ko sayo” sabi ni mama.

Sir! (On hold)Where stories live. Discover now