Lesson 2: Assignment

10.9K 366 54
                                    

Teka. . . ang gwapong lalaking to. . . ay teacher ko?!

Nakakahiya!>___<

Inattempt kong mangopya sa teacher ko! Wala eh, desperado eh. Eh sino naman kasi ang magaakalang teacher siya eh ang nata bata ng itsura niya.

Pero ang mas importanteng rebelasyon ngayong araw na to. . . walang assignment! Yes! Thank you Lord! Nauubusan kasi ako ng oras para mangopya. Mabilis naman akong mangopya kaso ang problema nga lang, kung may anghel na magpapakopya sa’yo.

Isa pa wala naman akong alam sa assignment namin. Mukha ba akong biologist paglaki ko? Alam mo kung anong gusto ko maging talaga?

.

.

.

Di ko rin alam eh. Di ko alam kung anong gusto ko maging pagtanda ko. Fourth year na ako dito sa St. Gregory High School pero wala pa rin akong idea kung anong gusto kong gawin sa buhay ko.

Nung bata ako, marami akong pangarap paglaki ko- eto ang listahan.

1.       Disney princess

-Yung mga tipong cinderella, snow white(kahit di naman ako kaputian) pero obvious naman ang rason kung bakit hindi yun matutupad- mahirap hanapin si prince charming.

2.  Doctor

- sabi ko nung bata ako, gusto ko kasing makatulong sa lahat ng may sakit kaya gusto ko maging doctor pero pucha naman! Gamot pa nga lang sa ubo di ko na alam eh, gamot pa kaya ng mga major major na sakit? Baka maging serial killer pa ako kesa doctor dahil marami akong mapapatay dahil mali mali ang pinagbibigay ko na gamot

3. Artista

- eto realtalk, sineryoso ko to. Nung grade6 ako nagaudition ako sa star circle kaso di ako nakuha. Tapos recently lang, nagaudition ako sa PBB kahit daig pa nito ang concert ni Taylor Swift sa dami ng tao. Kaso di na naman nakuha, scripted ata.

4. Fashion designer

- di nga ako marunong magdrawing ng matinong bilog eh, damit pa kaya?

5. presidente ng Pilipinas

- di parin ako gumigive up dito. kelangan ba na mataas ang grades para maging presidente?

Kaya ayun tuloy, wala pa akong college na napipili. Pero kelangan ko munang gumaraduate bago ako makakapasok ng college. . . 4r4y k0 Bh3.

“Grabe, ang gwapo ni sir”

“At ang kinis niya”

“Ilan taon na kaya siya?”

“May chance kaya tayo sa kanya?”

Hoy! Di pa nagsisimulang magturo si sir, lalandiin niyo na agad? Aba, hindi pwede yun!

.

.

.

Ako muna ang lalandi sa kanya hahaha charot. Syempre bawal yun. Mas forbidden pa yun kaysa sa lovestory ni Edward at Bella.

Pero gwapo talaga si sir. Baka siya na ang maging inspirasyon ko sa pag-aaral. Eh kaso, tamad ako mag-aral.

“Sir Nick! Bakit parang ang bata niyo naman po masyado para maging teacher?” sabi ni Lara.

“Kakagraduate ko lang 3 years ago and 2nd year pa lang as a teacher” sabi ni sir.

Kakagraduate lang niya? kaya naman pala ang bata ng itsura niya eh. Speaking of graduate, makakagraduate kaya ako this year? Last year kasi sinewerte lang ako kaya nakapasa ako ng third year(75 percent ang passing, 74.5 percent ako). Di ko alam kung gagana ba ang powers ko ngayong year na to.

“I’d like you all to introduce yourselves infront since hindi ko pa alam ang names niyo”

So ayun, isa-isa naming pinakilala ang sarili namin. Actually, ito ang pinaka-ayoko eh.

Introduce yourself.

November na! Tapos na ang first day! Bakit may introduce yourself parinT__T

Ayoko talaga kapag nasa harapan eh, may glossophobia ako.

Oh ano kayo ngayon? Nga nga kayo noh? 

Glossobia=stage fright

Hindi niyo inexpect na may matutunan kayo sakin noh? Kahit agsak ako sa mga subjects ko, may alam naman rin akong hindi niyo alam. Mabibilang nga lang sa daliri pero atleast, may alam diba.

Nung ako na ang susunod na magsasalita, nanlamig bigla ang kamay ko. Pagtapak ko sa harapan, nanginginig na ako.

Matagal ko naman ring kakilala tong mga classmates ko pero ayoko talaga sa harapan. Period.

“Umm. . . I’m Lucky Clover Gaviola. . . yun lang” sabi ko. babalik na sana ako agad sa upuan ko kaso biglang nagsalita si sir.

“Do you think you’re lucky, Ms. Gaviola?” sabi ni sir.

Pucha naman oh! Kala ko ba introduce yourself lang to? Bakit biglang naging suprise recitation? Simpleng tanong na nga lang, di ko pa masagot.

Isip ng sagot, dali!

“I’m alive sir, I think that’s lucky enough” sabi ko sa kanya.

Ngumiti si sir sakin.

“Very good Ms. Gaviola, you may sit down”

Yes! Nakalusot!

Sandali lang. . . tama ba yung narinig ko? VERY GOOD?

T____T<--tears of achievement

Ngayon lang ako nasabihan ng very good sa school. Milestone to, pwede ko kayang ipaulit kay sir yun at irecord ko? sarap pakinggan eh. Very good.

After ng intro namin, nagsimula nang magturo si sir.

Nakakahiya mang aminin pero. . . mas nakakainlove si sir pag nagtuturo. Ang talino ng dating niya. Crush lang naman diba? Di naman masama yun ah, lahat nga ng babae dito may crush kay sir.

Pati nga si Patrick may crush na kay sir.

Habang nagtuturo si sir. . . walang pumapasok sa kokote ko. Tinititigan ko lang siya habang nagtuturo. Eh kasi naman! Ang komplikado ng tinuturo niya! Ano na naman tong photosynthesis na to? Di naman ako photographer ah.

Mas masarap titigan ang bago naming teacher na gwapo kaysa makinig sa biology ek-ek na yan.

40 minutes of class later. . .

“Before we end today’s lesson, magkakaroon kayo assignment” tapos may sinulat si sir sa harapan.

Assignment? Meaning tapos na ang klase! Haaay salamat. Recess na- favorite part ko sa school kasi syempre, pagkain.

Hindi ko na kinopya yung sinulat ni sir na assignment kasi sure naman ako na mangongopya lang din ako.

A/N

waaah sorry maikli, hahabaan ko sa nect chap, thank you for reading:)

Sir! (On hold)Where stories live. Discover now