Lesson 6: Ex and Y

9.2K 358 102
                                    

Shet. Shet. Shet. Shet. Shet.

Nasa harapan ko si ex.

Ang mas masaklap, nasa harapan ko siya habang natatae ako. Bigla kong tinungo yung ulo ko at pumasok na agad sa C.R at sinara ang pinto.

Teka. . . si Robi ba talaga to? Baka naman nagiilusyon lang ako dahil sa sakit ng tiyan.

 

Imposibleng nandito siya kasi isang taon na siyang nandito (at isa pa sinostalk ko siya FB at twitter at wala naman siyang sinabi dun na nandito na siya sa ‘Pinas)

Bakit? Porket ex masama nang siyang i-stalk?

 

Sa totoo lang sa sobrang sakit na iniwan niya sa nagdurugo kong puso (drama), gusto kong gawin yung ultimate revenge na magagawa ko via Facebook.

I-block siya.

 

Kaso di ko kinaya eh, kahit ang saklap ng ginawa niya sakin, di ko parin kayang burahin sa facebook ko. Ano yung masaklap na ginawa niya? next time ko na lang ikekwento.

*GRRRKKK*

O__O

 

Sa sobrang kakaisip ko kay Robi, nakalimutan ko na kelangan ko na pala maglabas ng galit!

Habang naglalabas ako ng gait sa CR ng Mcdo, di parin ako mapakali.

Siya yun eh.

Oh baka multo yun? Ah kainis! Nababaliw na ako dito!

Baka naman hindi siya yun? Kamuka lang niya yun.

Oo. Kamukha lang niya yun.

Paglabas ko, inikot ko ang buong Mcdo para masigurado na hindi si Robi ang nakita ko.

Inikot ko ng inikot hanggang sa. . .

Ayun! Ayun siya! Tamang tama, nakaupo lang siya magisa.

Ano ba tong gagawin ko? Basta basta ko na lang ba siyang lalapitan? Eh kaso parang awkward naman.

Wag na lang kaya?

Kaso gusto ko rin siya makita eh.

Haaay #exproblems

Sige na nga, pupuntahan ko na siya!

Pero bago yun, magaayos muna ako syempre. Pinuntahan ko agad si mama para kunin ang bag ko.

Buti na lang girl scout ako, laging handa. Pumunta ako sa loob ng CR, may salamin din kasi dun sa loob.

- baby powder

-bench cologne(maraming marami kasi alam niyo na, galing sa trono)

-maybelline lip balm

-blush on

-suklay

-plantsa ng buhok

Lagi akong nagdadala ng plantsa ng buhok, just in case.

Kaso wala akong makitang saksakan eh.

Ayun! Kaso may nakasaksak na eh, yung dryer ata.

<____< tingin sa kaliwa

>____> tingin sa kanan

Sir! (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon