15. Feelings

694 28 2
                                    

Lizzy

After that kiss the other night. Trevor was back to being a snob. He barely talked to me, he doesn't even look at me, he does not acknowledge me at all. I thought I turned eighteen but it looks like I became a ghost.

But what do I expect from him, that at least he would say, that the other night had been wonderful.

That he wanted to kiss me again?

Inis na pinagbubungkal ko ang lupa dito sa may likod namin, binigyan ako ni Manang Rosie ng buto ng kamatis at naisipan kong itanim iyon.

" Antipatiko, mayabang,  walang modo."  inis na inis ako sa mga inaasal ni Agent Alonzo nitong mga nakaraang araw.

" Hoy! Bakit mo inaaway yang lupa."  gulat na napalingon ako sa ngasalita. Si Rosalie pala.

" Ah wala. May nakita kasi akong uod." palusot ko.

" Bakit ka nga pala nandito? Wala ba kayong pasok ngayon?" tuwing weekend ko lang kasi madalas makita ng mga pinsan niya.

" Wala may conference ang mga teacher namin, 2 days kaming walang pasok." mukhang masaya itong wala silang klase. Samantalang ako, hindi pa sigurado kung kelan makakabalik sa pagaaral ko. " Ano nga palang natapos mo Lizzy?" biglang tanong niya.

" Incoming Junior ako sa high school. " wala sa sariling sagot ko.

" Mag aaral ka parin ba, pagbalik niyo ng Manila, kahit may asawa ka na?" tumango ako.

" Hindi naman porket nag asawa na ako hindi ko na gugustuhing makapagtapos ng pag-aaral Rosalie. Paano nalang kung magkaanak ako diba, tapos kailangan ko silang turuan, paano ko gagawin yon kung wala akong natapos?" ganon padin naman ang gagawin ko kung totoong maaga akong nakapag asawa. I'll choose to pursue my education para sa future ng pamilya ko if ever.

" Iba kasi dito sa amin Lizzy, kagaya ni Herlene, yong Anak ni Mang Fidel. Hindi na niya kailangan pang magcollege kasi may asawa na siya. Priority na niya ang asawa niya." mali naman yon.

" Bagay na hindi dapat, Rosalie, dapat may choice padin siya, kapag kasi nakapagtapos ka madali ka makakahanap ng trabaho, mapagtutulungan ninyong mag asawa ang paunlarin ang buhay ng pamilya." paliwanag ko kay Rosalie.

" Hindin ganyan ang pananaw dito samin Lizzy. Dito madalas ang mga babae sa bahay lang, ang mga lalaki pwede magtrabaho sa bukid o di kaya maghanap ng mapapasukan sa bayan para sa Pamilya." nalungkot ako sa nalaman ko. " Pero ako gusto ko makapagtapos muna bago ako mag-asawa, gusto ko makarating ng ibang lugar, hindi yong habang buhay nalang akong nandito samin." namangha ako pananaw ni Rosalie sa buhay.

" Ganyan naman dapat' Rosalie, hindi naman masamang maghangad ng ikakaunlad natin sa buhay. Kung hindi ka mangangarap, magiging cycle nalang ang magiging buhay mo, pati ng mga magiging anak mo. " everyone deserve to at least see other places, try new things, to be given opportunities and to experience life bukod sa kinagisnang buhay.

" Pero sana payagan ako nila Nanay at Tatay." aniya

" Kung maayos mo naman silang kakausapin at ipapaliwanag sa kanila ang mga pangarap mo, maiintindihan ka naman siguro nila." natapos na namin itanim ang mga buto ng kamatis na bigay ng Nanay niya.

" Halika Lizzy, magpakuha tayo ng bunga ng kaimito kay Joshua." tinignan ko muna kung nakasarado ang pintuan ng bahay namin bago ako sumunod sa kanya.

Narinig kong tinawag niya ang kapatid na si Joshua.

" Hello Lizzy.." bati sa akin ni Joshua nang makita niya ako.

" Hi din Joshua." nakangiti kong bati sa kanya.

The Precious DaughterWhere stories live. Discover now