2. New School

4.2K 146 9
                                    

NAGIsing ako bago paman tumunog ang alarm ko. My first day in my new school went well, so far. Ara makes sure that I am welcomed by almost everyone, she's in her Senior years, popular ang kapatid ko sa buong school dahil narin siguro General ang ama namin.

Bumangon ako at pinagmasdan ang kabuoan ng kwarto ko. In a snap, I was able to have my dream room and I felt bad dahil nagugustuhan ko ito.

Sana nandito si Mama. Miss na miss ko na siya. Yong boses niya sa umaga kapag tinatawag niya ako para kumain ng breakfast. Pumasok na ako ng banyo at naghanda bago pa ako maiyak ng tuluyan. 

" Good morning Miss Lizzy." nagulat ako ng batiin ako ng Mayordoma nila Dad. Ipinakilala sila sa akin kahapon.

" Lizzy nalang po Nanay Cora, magandang umaga." tila nagulat ito sa sinabi ko pero agad ding ngumiti.

" Ang aga mong nagising Bata ka, ikaw palang yata ang gising." nakita kong inihahanda palang nila ang mesa.

" Maaga po talaga akong nagigising, nakasanayan na po." kinuha ko ang ibang dalang plato ni Nay Cora at tinulungan siya.

" Kami na ito Lizzy, trabaho namin ito." saway niya sa akin. " Maupo kana, maghahain na kami."

" Maaga pa naman po Nay, hayaan n'yo na ako." sunod ko namang inayos ang mga kutsara at tinidor.

" Unang kita ko palang sayo, alam kong mabait kang bata. Maayos ang pagpapalaki sayo ng Mama mo kahit magisa siya." kinagat ko ang bibig ko.

Hindi ko maiwasang maging emotional lalo na kung si Mama ang pinaguusapan. Buti nalang dumating si Dad.

" Good morning po." bati ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin at kinintalan ako ng halik sa noo.

" Good morning din sayo anak, ang aga mo nagising, si Amara, ayon at hirap gisingin ng Mommy niya. Nagbabad na naman siguro sa cellphone magdamag." binigyan ni Nanay Cora ng kape si Dad. " Salamat Nay Cora."

" Maaga po talaga ako nagigising, nakasanayan ko na po lalo na at naglalakad lang ako kapag pumapasok sa eskwelahan.." pero masaya naman kahit ganon, kasabay ko ang mga kaklase ko.

" I'm proud of you anak, nakita ko ang mga grades mo at lahat matataas, pinakita sakin ng Tita Almira mo. Honor student ka din daw?" nilagyan ako ng kanin ni Dad sa plato.

" Opo Da- Daddy.." nauutal kong sagot. Hindi pa talaga ako sana'y na tawagin siyang Daddy.

Ngumiti siya sakin. " Alam kong naninibago kapa, we'll take things slowly. Basta tandaan mo, ako ang Daddy mo, wag kang mahihiya sa akin kahit sa Tita Almira mo." na siya namang dating ni Tita.

" Good morning Lizzy. " bati niya sakin.

" Good morning po Tita." sagot ko.

" Hay nako, hindi ko na alam ang gagawin diyan kay Amara, puyat ng puyat kaya tuloy ang hirap gisingin sa umaga. When will she ever grow up? Mabuti pa itong si Lizzy, nakaligo na at handa ng pumasok." si Tita.

" Maaga pa naman po Tita." ngumiti siya sakin. Hindi naman nagtagal ay bumaba na si Ara kasabay si Kuya Errol at Arman.

Nagbreakfast na kami.

Kagaya kahapon mahigpit din ang bilin ni Dad sa mga bodyguards namin.

" I want my Daughter's safe lalo na at may malaking sindikato kaming kinakabangga sa ngayon. Please be vigilant all the time. Lizzy don't go anywhere without your guards, ikaw din Amara." bilin ni Dad.

" Yes Dad.." sagot ko.

" Yeah whatever.." si Ara.

" Do as I say Amara Elize, alam mong gusto ko lang ay maging ligtas kayo. " pero napansin ko ang inis sa mukha ng kapatid ko.

The Precious DaughterWhere stories live. Discover now