8. Swimming

3.6K 123 35
                                    

ILANG araw na kaming hindi kinikibo ni Dad. Alam kong disappointed siya sa amin ni Amara. Aware naman ako na mali ang ginagawa namin at nagsisisi ako na tumakas kami ng gabing yon.

I knocked on the door of Dad's office dito sa bahay.

" Come in.." dinig ko mula sa loob,  umangat ang tingin nito mula sa mga binabasang papers pagpasok ko.

" Dad, I'm sorry na please, wag kana po magalit sa amin ni Ara." itinuro niya ang upuan sa harap ng table niya. Umupo ako doon.

" Naiintindihan mo naman siguro kung bakit ko kayo pinaghihigpitan ng kapatid mo. Ilang beses na bang nalagay sa alanganin ang buhay ninyong dalawa, lalo kana Lizzy? " napayuko ako.

" I'm sorry Dad."

" I'm just trying to protect both of you. Maraming masamang tao sa mundong ito Lizzy at dahil sa posisyon ko, a lot of them are after me and our family. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit nalalagay kayo ng kapatid mo sa peligro and I'm sorry." nabasa ko ang lungkot sa mukha ni Dad. " Minsan iniisip ko kung tama pa bang manatili ako sa trabahong ito." maang na napatingin ako kay Dad.

" Don't say that Dad, hindi mo kasalanan na maraming masamang tao sa mundo. I know you love your job at proud ako na hindi lang kami ang pinoprotektahan mo laban sa bad guys kundi pati ang mga mamamayan dito sa bansa natin." alam ko namang hindi madali ang trabaho ng Tatay ko, marami ang kalaban ng Gobyerno natin at karamihan ay malalaking tao.

" I just want you and your sister safe Lizzy. Nabigo akong protektahan ang Mama mo, kaya ayoko ng maulit pa na may mawala sa Pamilyang ito." umikot si Dad at niyakap ako. " I almost lost you too."

" I'm sorry Daddy, I'm promise na magbebehave na kami." isang bagay na sana ay magawa namin ni Amara, knowing my sister.

" Aasahan ko yan Lizzy. No more sneaking out. Kung may gusto kayong puntahan let me or your Tita Almira know. Then saka kami magdedecide kung pwede ba kayong umalis or hindi, are we clear?" gamit ni Dad ang boses niya kapag kinakausap niya ang tauhan.

" Sir, yes sir!" sabay saludo ko na ikinatawa niya. He reached over the table and kissed my forehead.

" Now go, may tatapusin lang akong mga emails." humalik ako sa pisngi ni Dad saka lumabas.

Pinuntahan ko si Ara sa kwarto niya ng nakangiti.

" Bakit ang ganda yata ng mood mo?" inagaw ko ang remote na hawak niya.

" Bati na kami ni Dad, galing ako sa office niya. Dapat siguro kausapin mo narin siya." inikutan niya lang ako ng mata.

" No way, sermon lang ang aabutin ko, maluwag lang yon sayo kasi hindi mo naman kasalanan, hindi naman ikaw ang nagyayang tumakas." kinuha nitong muli ang remote mula sa akin.

" Nasermonan din naman ako but try to understand Dad, he only wanted us to be safe Ara." itinaas nito ang dalawang kamay at saka tumayo.

" Fine Lizzy, isa pa, hindi mo rin naman ako titigilan kapag hindi ko pa pinuntahan si Daddy. Go change, let's swim on the pool. Niyaya ko si Natalie." I grinned pero inikutan niya lang ako ng mata.

" Gusto mo lang makitang naka bathing suit si Agent Natalie, para paraan din Sissy? " Itinaas nito ang gitnang daliri sa'kin bago lumabas ng kwarto.

" Hey! " sita ko kanya.

Pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagpalit, I checked myself on the full length mirror, red looks good on me. I smiled, tingin ko kasi ay bumagay talaga sakin ang pulang one piece bathing suit na nabilin namin ni Ate kailan lang. I grab my phone at saka ang librong binabasa ko lately sakaling ma OP ako mamaya sa dalawa.

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon