4. Ambush

3.7K 146 18
                                    


TINUtulungan ako ni Ara sa make-up ko, we're getting ready para sa Party ni Lola. Bilin ni Tita Amara na mag ayos kami dahil maraming darating na bisita.

" Let's go down Lizzy?" naka all black si Ara, she's wearing skinny jeans and a sleeveless top, nakasuot din ito ng Beanie..

Ewan ko kung bakit hindi pa nila mahalata kung ano siya sa mga sinusuot niya.

I'm on simple above the knee glittering dress. Sabi ni Ara bagay daw sakin ang damit ko.

I grab my phone pero bago pa kami makalabas ng kwarto, pumasok si Lola.

" Amara go down, maiwan ka dito Elizabeth, you're not going to embarrass this family again." mauturidad na utos ni Lola.

" GrandMa! You can't do this to Lizzy, hindi mo siya pweding ikulong nalang dito sa kwarto, let's go Lizzy." hinila ako ng kapatid ko.

" Sinusuway mo ba ako Amara Elise? Yan ba ang nagiging impluwensiya sayo ng bastardang ito?!" dinuro niya ako.

" She's your granddaughter too baka nakakalimutan n'yo, anak siya ng anak n'yo! Kadugo n'yo siya kaya wag n'yo sana siyang tratuhing parang basura." napasinghap ako sa pagtaas ng boses ni Ara.

" Ara.." saway ko sa kanya.

Mas nagulat ako sa sunod na nangyari, sinampal siya ni Lola.

" That's it! Both of you stay here! Magsama kayo total pareho kayong walang modo!" lumabas na siya ng kwarto.

" I'm sorry Ara.." nasampal pa tuloy siya dahil sa pagtatanggol niya sakin.

" It's not your fault Lizzy, put something on, let's get out of here, aalis tayo. Who cares about her Party anyway." pinalitan nito ng sneakers ang suot na stilettos.

" Saan tayo pupunta?" sa likod kami dumaan.

" Stay here, kukunin ko lang ang susi ng sasakyan." Iniwan niya ako sa labas ng gate sa likod.

Hinila niya ako papunta sa itim na kotse pagbalik niya mula sa loob.

" Get in Lizzy.. Yuhooo!" tuwang tuwa nitong pinaandar ang kotse.

" Marunong ka magdrive? Kaninong kotse ito Ara?" Bakas sa mukha niya ang saya.

" Kay Tita Eliza, hiniram ko lang.." kinagat nito ang labi. Kilala ko siya, everytime she lies about something kinakagat nito ang ibabang labi.

" OMG! Tinakas natin ang kotse ni Tita? Baka magalit siya." baka kung ano na naman ang isipin nila tungkol sakin.

" Stop worrying, hindi niya mapapansin, babalik din tayo agad." nanibago ako dahil kami lang dalawa ang bumabyahe. Nanlaki ang mata ko.

" Ara, wala tayong kasamang bodyguards." bigla akong kinabahan. Kabilin bilinan ni Dad na wag kaming basta aalis ng kami lang..

" Wala naman tayo sa Manila Lizzy, kumalma ka." nagpatugtog siya ng music at aaminin ko na eenjoy ko na ang ito, joyride." Bumaba kana." hindi namalayan na tumigil na pala kami.

" Nasaan na tayo?" tanong ko.

" Welcome to Jurassic Park." sabay taas niya ng kamay niya. Napadako ang tingin ko sa pangalan ng lugar kung nasaan kami.

" Dinosaur Island? Meron palang ganito dito sa Pilipinas? Wala naman sigurong buhay na Dinosaur d'yan sa loob diba?" pinatawanan niya ako.

Bumili siya ng ticket, we started with the Dino trail, we follow the trail to the forest and learns about the dinosaur era and over 30 species of moving dinosaurs display. I also enjoy the dino guided tour and was able to get up close with Dinosaurs kahit na hindi ako fan ng mga dino, ang creepy kasi nila. Imagine if they exist up to now. Kayang kaya nila tayong lunukin kahit walang nguya nguya. Yay!

The Precious DaughterWhere stories live. Discover now