5. Heart break

3.4K 122 14
                                    

GROUNDED kami ni Ara dahil sa nangyari, akalain mo yon, nasaktan na nga kami at lahat' grounded pa.

Saya Bess..

Pagkatapos ng klase ay deretso na kami sa bahay, pinagbawalan din kami ni Dad na gumamit ng Gadget pero dahil nag hysterical ang kapatid ko, na akala mo ay katapusan na ng mundo, pumayag si Dad at hinayaan nalang ang mga Gadget sa amin.

Napagkasunduan namin ni Ara na manood ng series sa Netflix at siya ang mamimili. Long weekend naman kaya okay lang magpuyat later.

" Lost Girl?" tanong ko sa kanya. Ang tanga naman ng bida niyan kung nawawala siya at hindi siya marunong umuwi. " Wag nalang kaya yan."

" Maganda daw yan sabi ng kaibigan ko, matagal na daw yan pero yon nga maganda." nagkibit balikat nalang ako at nilantakan ang cupcake na binake ni Tita Almira.

Mukhang maganda naman ang palabas. Supernatural kasi..

" Ayan sila.." turo ni Ara sa dalawang babae na parang kinikilig pa. " Yan ang bida, loveteam sila d'yan." ano daw? Ibig sabihin kabaklaan itong pinapanood namin?

I didn't see that coming. Bakit ba siya ang pinapili ko?

Maganda naman ang takbo ng kwento, napangisi ako ng hindi na ulit lumabas yong isang babae. Nakanguso naman si Ara.

" Ano ba yan, dapat mas marami ang scene ni Bo at Lauren." gusto ko siyang batukan, marunong pa siya sa Derektor.

Nasa episode 6 na kami ng tumawag si Raven. Pinandilatan ako ni Ara kaya pinause ko muna ang pinapanood namin.

" Istorbo naman yang girlfriend mo." kumuha nalang ulit ako ng cupcake.

" Pupunta daw siya dito. May importante daw siyang sasabihin." nanood na ulit kami.

Muntik na akong mapamura ng dumating si Raven, sinipa ako ni Ara na epause muna ulit at maguusap daw sila. Bakit kasi damay ako sa buhay nila? Buti nalang lumabas sila sa terrace.

" Boring.." naglaro nalang muna ako ng wordlink sa cp ko.

Hindi naman nagtagal ay umupo na ulit si Ara sa tabi ko. I hit play at pareho kaming nanood.

Nanlaki ang mata ko ng maghalikan ang Doctor at ang bida. Take note pareho silang babae. Hindi naman sa Homophobic akong tao pero it's not everyday na nakakakita ka ng dalawang babaeng nagkikiss.

" Oh my gaaadddd." exsaheradang singhap ko dahil sa love scene na napapanood namin. My not so virgin eyes.

Baka mamaya maging bakla narin ako. Wag naman sana. Kukutusan ko na tong si Amara kung ano anong pinapanood sakin.

Napabaling naman ang tingin ko ay Ara. Umiiyak ba siya? Bakit paanay ang singhot niya.

" Amara Elize? Tears of joy ba yan dahil sa BS ng Doctor at ng bida? " seryoso? Naiyak siya dahil lang don?

Tarantang pinause ko ulit ang pinapanood namin ng humagulgol na siya. Pero pinatay ko nalang ng tumigil ang palabas sa hindi desenteng eksena.

" Ara? What's wrong? Ngayon ka lang ba nakakita ng boobs?" sinapak niya ang kamay ko.

Anong problema niya?

" Raven broke up with me."

" Sus akala ko naman kung ano... Wait! What? " muling humagulgol si Ara.

" Yon ang pinunta niya dito? Bakit hindi mo sinabi agad? Akala ko tuloy nainggit ka sa love scene nong dalawa." niyakap ko si Ara.
" Shhhhhh, tahan na. Bakit daw?"

" Sa Canada na daw sila titira, na approved na daw ang visa nilang magkakapatid at ng Mommy niya. Susunod na sila sa Daddy niya doon." hinaplos ko ang likod ni Ara.

The Precious DaughterWhere stories live. Discover now