Chapter 1

1.2K 12 0
                                    

Eleonor's POV

"ANONG klaseng novel to!" Pagalit kong sigaw  kay Kara, isa sa mga empliyado ko. Nag-aalab ang galit sa aking dibdib dahil sa mga kapalpakang ginagawa niya.

Napayuko siya at nanginginig sa takot.

"P-Pasinsya na p-po m-madam."

"Damn it! Ilang beses na kitang binigyan ng pagkakataon Kara! Kahit papaano may-awa rin naman ako! Pero dahil sa mga palpak na mga gawa mo! Binibigyan mo 'ko ng dahilan para sisantehin ka!"

Napaiyak siya at lumuhod sa harapan ko, nanginginig ang mga kamay niya. Takot mawalan ng trabaho.

"Nag m-mamakaawa po ako sa inyo m-madam, w-wag niyo po akong s-sisisantehin. W-wag po. Kailangan k-ko po ang t-trabahong 'to, ako lang po ang bumubuhay sa p-pamilya ko." Umiiyak na aniya.

"Sa tingin mo magugustohan ng mga mambabasa pag pina-published ko 'to!? Hindi! Kasi ang pangit ng plot ng story! Walang ka thrill- thrill! May nakaligtaan kapang details ng story! I can't believe na nasayang ang oras ko sa pagbabasa ng walang kwenta mong story! Akala ko this time papasa kana! Pero hindi pala!" Nakita ko ang mga empliyadong nakikiusyuso malapit sa pintuan. Rinig na rinig kasi ang boses ko dahil hindi naman soundproof ang office ko.

"Baka gusto niyo ring masisanteng lahat!!" Banta ko sa kanila, isa-isa silang nag sialisan at bumalik sa kanya-kanyang trabaho.

Binalingan ko ng tingin si Kara na nakaluhod parin habang walang tigil sa pag-iyak. Hinawakan niya ang kamay ko ngunit mabilis ko iyong winaksi.

"YOU'RE FIRED!"

"P-Please give me a second chance, m-madam."

"Third chance na ang ibinigay ko sayo Kara! Sawang sawa na akong bigyan ka ng pagkakataon! Kaya kung ako sayo! Umalis kana sa harapan ko ngayon din! Bago pa kita ipakaladkad sa mga guard!"

Wala na siyang nagawa. Dahandahan siyang tumayo at umalis sa aking harapan. Ni wala akong guilt na naramdaman.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"M-Madam."

"WHAT!"

Halos mapatalon sa gulat ang sekritarya ko dahil sa sigaw ko. Nakatayo siya sa pintuan, nakita kong nanginginig ang kaniyang binti. Kitang kita sa mga mata niya ang takot, nagdadalawang isip kung lalapit ba sa'kin.

"M-May bisita po ka-"

"Nasa labas palang ako, naririnig ko na ang galit mong boses. Tsk."

"Frey, umalis kana." Sabi ko sa aking sekritarya na 'di nagawang tapusin ang sinasabi dahil hindi na naman kailangan. Agad naman itong umalis.

Binalingan ko ng tingin ang bisita.

"What the hell are you doing here." Sabi ko sa kalmadong tono.

"Tsk. Visiting my friend. Bawal na ba ako dito." Aniya at naka pandikwatrong umupo sa sofa. "Alam mo 'di na ako magtataka kung balang araw mawalan ka ng empliyado. Tama lang sayo ang pangalan mo e. Eleonor, para ka kasing LEON kung magalit."

"The hell I care."

Ngumisi lang siya, sanay na sa ugali ko.

"Nag simula ka lang namang magka ganyan mula nung mamatay ang parents mo, ayusin mo ang ugali mo El."

She's right. Nagka ganito lang naman ako mula nung mamatay sina mom and dad five years ago. Naglasing ako nung araw na 'yon dahil gusto kung makalimot at maibsan ang sakit pansamantala. Sobrang close ko sa parents ko, kaya nung namatay sila dahil sa car accident, parang gumuho ang mundo ko. Pero nang dahil sa kagustohan kong makalimot, nakagawa ako ng pagkakamali nung araw na 'yon, fvck it! Nakipag sex ako sa isang stranger! Wala naman kasi ako sa sarili ko nun. 'Yon ang pagkakamaling ayaw ko nang maulit.

"Nasanay na akong ganito ang ugali ko, and you can't do anything about it."

"Tsk! As if naman may gagawin ako para mabago ang ugali mo no. Ano ka gold?" Nang-aasar na aniya. Napailing nalang ako.

"What do you need bitch?" Tanong ko sa kaniya, alam ko naman kasing may sadya siya sakin kaya siya pumunta dito. Alibi niya lang yung 'visiting my friend' thingy niya.

She smirked.

I knew it!

"You know me too well." Aniya.

"Of course, you're my fvcking friend. Spill it." Sabi ko,  kasing lamig ng yelo ang boses. Hindi na ako tumingin sa kaniya, kinuha ko ang papel na ipinasa ni Kara sa'kin kanina. Nilukot ko iyon at itinapon sa trashcan dito sa opisina ko.

"Simple favor, call Heinkel Brandon Nazaree. Sabihin mo makikipag kita ka sa kaniya. Pero ako ang pupunta."

Nabaling ulit ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"What do you want from him?" Binigyan ko siya ng malamig na titig. Hindi niya ako sinagot, ngumisi lang siya. Tss.

"Just do what I said."

Napabuntong hininga nalang ako at sinunod ang sinabi niya. Tinawagan ko si Heinkel, sinabi ko sa kanya kung pwede ba kaming magkita sa Vega's Coffee Shop. Pumayag naman agad siya.

Ibinaba ko ang telepono at binalingan ng tingin si Hazel.

Kung kanina ay naka ngisi siya, ngayon ay kagaya ko, malamig rin ang tingin niya.

"Happy?" Sarcastic kong sabi.

"Wala ka naman sigurong feelings sa ex- fiancee mo no?" Seryuso niyang tanong.

"Wala." Sabi ko nang walang alinlangan. Totoo naman kasi. Wala talaga akong feelings simula palang kay Heinkel. In- arrange marriage lang kasi kami ni Heinkel, pero ni katiting wala talaga akong feelings sa kaniya.

Nagkumustahan pa kami sandali, bago siya nag paalam na aalis na. Masyado kasing busy ang isang 'yon dahil sa trabaho niya. Trabahong ako lang ang nakakaalam.

Huminga ako ng malalim at pinikit muli ang aking mga mata. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko napagod ako, siguro ay dahil sa kakasermon nakina kay Kara.

Sumagi sa isipan ko ang nangyari five years ago. Kung saan sobrang nawasak ako dahil sa pagkawala ng parents ko, kung paano ko winasak lahat ng gamit namin sa mansyon. Kung saan nagpakalasing ako sa isang bar at nangyari ang hindi ko inaasahan.

Hanggang ngayon na iinis parin ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang naaninag ang itsura nang lalaking 'yon. Pagkagising ko kasi ay ako nalang ang mag-isa sa kama. Kung nakita ko lang sana ang itsura niya, idi sana ipinahanap ko ang lalaking yon at masuntok man lang dahil sa pag-iwan niya sakin.

Tss.

To be continue....

Don't forget to vote, comment and share! 🤗

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now