Chapter 9

443 4 0
                                    

A/N: I just want to thank shequian for designing my book cover.

Eleonor's POV

"Z-Zhaldex." Hindi makapaniwalang ani ko.

Bakit siya nandito? At paano siya nakapunta dito?

"Excuse me Sir, siya po ba ang sinasabi niyong girlfriend niyo?" Sabi ng isa sa mga bouncer at tinuro pa ako. Siya yung nakita kong nag babantay sa entrance kanina.

Girlfriend? Ako?

Nakita ko naman si Zhaldex na masama ang tingin sa bouncer.

"Oo! Kung hindi pa ako nagpumilit pumasok dito kanina ay may nangyari na sigurong masama sa girlfriend ko! Tignan niyo ang nangyari!? Muntik na siyang mapahamak!" Galit na sigaw niya sa bouncer! Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit!

"Pasensya na po Sir, may mga rules at proseso pa po kasi kayong pagdadaanan bago makapasok dahil bago pa po kayo dito." Malumanay na sabi ng bouncer kay Zhaldex.

"Wala akong pakialam sa rules na 'yan! May maitutulong ba 'yan kung may nangyaring masama sa girlfriend ko!" Galit na talagang sabi ni Zhaldex at kwenilyohan ang bouncer!

"Zhaldex! Stop it!" Saway ko dito at tinanggal ang kamay niya doon sa bouncer. Nahirapan pa ako dahil talagang mahigpit ang hawak niya sa kwelyo nito!

Nawala tuloy ang pagkalasing ko dahil sa mga nangyayari!

Bago pa ulit magkaroon ng part two sa boxing ay hinigit ko na palayo doon si Zhaldex kahit medyo nahihilo pa ako.

Lumabas kami ng Z Bar at nagtungo sa parking lot.

Inis na binitawan ko ang kamay niya.

"What's your problem huh!?--"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! 'Di ba sinabi ko naman sayong sasama ako! Bakit ba ang tigas ng ulo mo! Matigas pa sa bato!" Sigaw niya at napasabunot pa sa sariling buhok because of frustration.

"E ayaw nga kitang makasama! Kaya ko naman ang sarili ko--"

"Ah kaya pala muntik ka nang mapahamak kasi kaya mo pala ang sarili mo! Ang galing!" May bahid na sarcasmo niyang sabi.

Anak ng... Kaylan pa to natutong sumagot-sagot sa'kin!?

"E bakit ba galit na galit ka!? Wala namang nagyaring masama sa'kin!"

"Wala dahil dumating ako! Pano kung hindi kita sinundan dito!? Bakit ba kasi nagdadamit ka ng ganiyan ka iksi!?"

Masama ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya!

"Ano namang problema sa suot ko!? Bakit ba pinagdidiskitahan mo ang damit ko!?"

"Anong problema? Nagtatanong ka pa!? E halos hubaran ka na ng mga lalaking nakatingin sa'yo dun!"

"Wala ka nang pakiaalam dun! Hanggang tingin lang naman sila!"

"Kahit na! Ayokong tinitignan nila ang makinis mong balat! Lalong lalo na ang hita mo! Madamot ako El! Gusto ko ako lang ang makakakita at makakahawak niyan!"

"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko at tinulak siya! "Pagkatapos mong makipag halikan dun kay Frey! Sasabihin mong madamot ka at gusto mo ikaw lang ang makakahawak sa 'kin!? E gago ka pala eh!" Sigaw ko sa kaniya!

Halos habulin ko na ang sariling hininga dahil sa sigawan na nangyayari sa 'min dito sa parking lot.

"Correction, hindi ako nakipag halikan! I didn't kiss back!"

Tumawa naman ako ng mapakla.

"Wow! So, dapat magpasalamat pa ako because you didn't kiss back!? Gago! Hindi ka nga nag kiss back pero hinayaan mo naman siyang halikan ka!"

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now