Chapter 5

566 6 0
                                    

Eleonor's POV

Dawalang linggo na ang lumipas mula ng maging P.A ko Zhaldex at sa loob ng dawalang linggong iyon ay halos oras-oras ko siyang inuutusan, minsan nga ay nakikita ko nalang siyang nakakatulog sa kung saan dahil sa pagod. Sa loob din ng dalawang linggong iyon ay naging kabisado na niya ang mga ayaw at gusto kong kainin. Minsan nga ay nagugulat nalang ako na naghahatid siya ng pagkain sa akin habang nasa library ako ng mansion at doon ko lang napapasin na lunch time na pala. Siguro kung wala siya matagal na akong may sakit.

Sa mansion na siya ngayon nakatira. Nagtanong pa nga siya kung bakit wala man lang katulong sa mansion nung una niyang punta dito. Kaya sinabi ko sa kaniya ang totoo, na pinaalis ko silang lahat at sinabi ko ring siya ang gagawa lahat ng trabaho sa mansion. Ramdam kung nagulat siya sa sinabi ko nun pero hindi na siya nag reklamo.

Sa pamamalagi niya dito ay napansin kong nagiging-close na niya si manang Flor at si manong Ryan. Minsan ko na rin kasi silang nakitang nahtatawanan habang naglilinis siya ng pool. Matagal ko ng hindi nakikitang ngumiti o tumawa man lang si manang Flor, at iyon ang kauna-unahang pagkakataon nakita ko ulit ang ngiti niya. Napag isip-isip kong may mabuti naman palang naidulot ang pagiging P.A ni Zhaldex.

Isang araw ay kinausap ako ni manang Flor at sinabi niya sa 'kin na sumusobra na daw ako sa pagpapahirap kay Zhaldex. Tinanong niya ako kung bakit ganon nalang ang trato ko sa binata pero wala man lang akong makuhang sagot.

Monday ngayon pero napagpasyahan ko munang 'wag na munang pumasok, total ako naman ang may-ari ng companya kaya walang problema.

Kakatapos ko lang maligo at nagsuot lang ako spaghetti crap top, high-waisted jeans at boots. Balak kong pumunta ng mall.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan. Pagdating ko sa sala wala akong kahit ni isang nakitang tao kaya pumunta ako sa kusina at nakita ko doon si Zhaldex na nakatalikod habang nagluluto dahil naaamoy ko na ang mabangong amoy ng pagkain. Wala siyang suot na pang-itaas na damit kaya kitang-kita ang hulmang-huma niyang likod kahit na may suot siyang apron.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo dahil bigla siyang lumingon at gumuhit agad ang ngiti ng makita ako.

"Good morning." Kaswal niyang bati sa akin na para bang matagal na kaming magkakilala.

Sa lahat ng naging empliyado ko siya lang ata ang hindi nag po-po at opo sa 'kin. Pero sa hindi malamang kadahilanan, hindi man lang ako nakaramdam ng inis, actually mas gusto ko panga na ganiyan siya.

"Morning." Bati ko rin pabalik sa kaniya at inihagis sa kaniya ang susi ng sasakyan ko. Agad naman niya itong sinalo. "Magbihis ka, may pupuntahan tayo."

"Kumain ka muna bago tayo umalis." Aniya habang inihahain ang niluto niya sa table. Adobong baboy ang niluto niya dahil alam niyang isa iyon sa mga paborito ko.

"Bakit adobo lang ang niluto mo?" Tanong ko dito. Usually kasi ay madami ang mga inihahanda ng mga katulong ko noon.

"Bakit kapag dinamihan ko ba mauubos mo? Hindi ko talaga kayo maintindihang mga mayayaman, purque may pera kayo ang dami niyo ng inihahandang mga pagkain hindi niyo naman nauubos. Nagsasayang lang kayo ng pagkain." Aniya habang nakapamewang pa.

"Aba't marunong ka nang sumagot-sagot  sa'kin ngayon ah! Isa lang ang tinanong ko ang dami mo ng sinasabi!"

"Natutunan ko yan sayo kaya 'wag ka nang mag taka." Aniya at kinindatan pa ako sabay hubad sa apron niya kaya napatingin ako sa six pack abs niya. Hindi maalis ang titig ko dun at dahan-dahang pa akong napalunok.

Nakakita na ako ng abs sa mga magazines pero iba rin pala tagala pag harap-harapan mong nakikita.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng ma-realize ang ginawa ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at walang emosyong tumingin sa kaniya. Tinatago ang kahihiyan.

Wildfire(R-18)Место, где живут истории. Откройте их для себя