Chapter 4

616 13 0
                                    

Eleonor's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Napapikit at napahawak ako sa ulo ng bigla itong sumakit. Tinignan ko ang paligid at doon ko lang napansin na hindi ito ang kwarto ko! Bigla akong napabangon at nanlaki ang mga mata ng makitang iba na rin ang damit ko!

Fvck! What happened!?

Hindi ba ako nakauwi kagabi? Ang naalala ko lang ay umiinom akong mag-isa sa mansion ni Nanz.
Pagkatapos......tapos..fvck it! Wala na akong maalala!

Naulit na naman ba ang dati!? Nakipag sex na naman ba ako sa isang stranger? Damn it!

Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa inis. Hindi na talaga ako iinom! Fvck!

Halos mabaliw ako kakaisip kung anong nangyari kagabi ng biglang may kumatok. Agad akong napatingin sa pintuan ng dahan-dahan itong bumukas. Halos pigilan ko na ang aking paghinga sa pag-aabang kung sino man ang taong papasok.

Dahan-dahan itong bumukas at halos mapamura ako ng makita kung sino ang pumasok.

"Oh? Gising ka na pala? Gigisingin palang sana kita dahil nakahanda na sa baba ang breakfast natin."

"Nanz? What are you doing here?"

Tama si Nanz nga ang pumasok.

"Malamang nandito ako dahil bahay ko 'to. Lasing ka pa ata eh. Alam mo ikain mo nalang 'yan." Aniya at inirapan pa ako.

"Ang sakit ng ulo ko Nanz." Sabi ko habang hinihilot ang noo ko.

"Gaga! Pa'nong hindi sasakit 'yan eh tatlong bote ng wine ang naubos mo kagabi. Halika na nga sa baba." Aniya at tinalikuran ako. Sinundan ko naman siya hanggang sa narakating kami sa dining room at umupo.

"Pagkatapos ng party hinanap agad kita. Akala ko kasi umuwi ka na 'yon pala nakatulog ka na sa kalasingan, buti nalang inalalayan ka nung lalaking waiter." Salita pa niya bago sumubo ng pagkain. Kumain nalang din ako at nakinig sa sinasabi niya.

"Lalaking waiter?" Tanong ko habang hinihiwa ang tocino.

Bigla naman siyang ngumiti na parang kinikilig.

"Infairness sa waiter na 'yon ah, ang gwapo! Maskulado pa, myghad! Kung nakita mo lang 'yon sigurado akong maiinlove ka sa lalaking 'yon." Bigla naman akong nabilaukan sa sinabi niya kaya dali-dali akong uminom ng juice.

"Grabe ka Nanz, ang tanda-tanda mo na ang landi-landi mo pa rin? Wala na bang expiration 'yang kalandian mo? At saka ako maiinlove? No way! Alam mo namang wala sa bokabolaryo ko 'yan." Sabi ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya dahil sa sinabi ko. Tss. Pikon.

"Gusto mo isaksak ko 'to sa bunganga mo? Kung maka matanda ka akala mo naman senior citizen na ako. Bastos ng bunganga nito!" Aniya at tinitok pa sa 'kin ang tinidor. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto ko si Nanz, para lang kasi kaming mag tropa kung magsalita sa isa't-isa. Kahit nasa mid-40's na siya. Ang totoo ay hindi parin kumukupas ang ganda niya. Napaka elegante parin niyang tignan. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil kahit na hindi natuloy ang kasal namin ni Heinkel ay tinurin niya parin akong parang tunay niyang anak. Simula no'ng mamatay ang mga magulang ko, siya na ang nagsilbing pangalawang ina ko. Mag best friends kasi sila ni mom.

Pero kahit mukha siyang masaya lagi, alam ko at nararamdaman kong may dinadala rin siyang malaking problema. Lalong lalo na sa usaping pamilya.

"By the way, na saan pala si Manong Ryan?" Tanong ko.

"Pinauwi ko na kagabi, kawawa naman yung tao. Nakakapagod kayang maghintay sayo. 'Yung dress mo pala pinalabhan ko kay manang, ako narin ang nagbihis sa 'yo kagabi. Alangan namang patulogin kita ng naka dress." Aniya habang matalim ang tingin sa 'kin na para bang may gusto siyang marinig mula sa 'kin.

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now