Chapter 7

468 7 0
                                    

Eleonor's POV

Parang lintang nakayakap ngayon sa 'kin si Zhaldex habang busy naman ako sa pagpeperma ng mga papelis na talagang nakakapagod ng gawin.

Pinapaulanan niya ng halik ang aking leeg at pisngi, hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya dahil para sa 'kin ay natural lang iyon sa taong nag fi-flirt sa isa't-isa.

No string attached.

"Hmm, you smell so good."

Sabi niya habang nakapulupot parin ang dalawang braso niya sa bewang ko at inaamoy-amoy ang leeg at batok ko na paring adik. Halos singhutin niya na lahat ng amoy ko!

"Normal." Ani ko sa kalmadong tuno kahit na minsan ay gusto ko ng tumawa dahil nakikiliti ako.

Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at nakakunot ang nuong tumingin sa 'kin. Tinignan ko naman siya.

"Ganiyan ka ba talaga?" Tanong niya habang nakakunot parin ang noo.

"What do you mean?" I asked.

"Hindi ko alam kung pinaglihi ka ba sa yello o sa apoy. Para ka kasing apoy kung magalit at 'sing lamig ka naman ng yelo pag hindi ka nagagalit."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya at itinigil ang ginagawang pag perma ng mga papelis.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at kinantalan ng halik ang labi niya na ikinalaki ng mata niya.

"Alam mo, depende kasi 'yon sa sitwasyon. Mabilis talagang mag-init ang ulo ko at saka natural lang sa akin ang malamig na emosyon dahil ganon talaga ako. Kaya masanay kana. Okay?" Sabi ko at hinalikan ulit siya sa labi. Smack lang naman.

Mas lalo akong natawa dahil hanggang ngayon ay nakatulala parin siya at nakabukas pa ng bahagya ang bibig niya na para bang hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

Narinig kong may kumatok sa pinto at bumukas ito kaya naman wala sa sariling naitulak ko ng malakas si Zhaldex! Shit!

Narinig ko pa ang pag-aray niya ng masalampak ang pang-upo niya sa tiles!

"Madam, nag email na po kami kay Mr. Smith about dun sa pag publish ng mga libro niya dito, at gusto daw--"

"Sinabi ko bang pumasok ka kaagad!!" Sigaw ko kaya naman halos mapatalon siya sa gulat at muntik na niyang mabitawan ang tablet na hawak niya!

"S-Sorry po madam, nagmamadali kasi ako dahil ang sabi po ni Mr. Smith kailangan kayo po daw ang makipagkita sa kaniya dahil hindi niya daw po tatanggapin ang offer natin pag hindi daw po kayo ang magkukumbinsi sa kaniya."

"What!? And why would I do that!? Kung ayaw niyang i-publish ang books niya dito 'wag niyong pilitin!" Galit na sabi ko! Sino ba siya para sabihing kailangan kong makipagkita sa kaniya? Kung ayaw niya edi 'wag! Hindi naman siya kawalan!

"Pero madam, malaking kawalan po saatin pag hindi natin nakumbinsi si Mr. Smith dahil halos lahat po ng books niya ay sikat sa mga writing application. Malaking tulong po siya para mapataas lalo ang sales natin."

Napapikit ako sa inis at pinipilit pakalmahin ang sarili. At nag-isip ng mabuti.

Talaga bang kawalan siya? Kung sabagay hindi naman namin siya aalukin na i-publish ang books niya dito kung hindi talaga siya sikat.

Inu-offer kasi namin ang sikat na mga Author na talagang sikat sa mga writing application ang mga gawa nila. At mayroon din naman kaming mga Authors na talagang dito sa company nag-tatrabaho. Pag may time ako ay ako mismo ang bumabasa sa mga gawa nila kung magugustohan ko ba o hindi bago i-published. Pag hindi ko nagustuhan ang gawa katulad na lamang ng mga gawa ni Kara ay siguradong sisante kaagad sila. 

Wildfire(R-18)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu