Chapter 15

299 4 0
                                    

Eleonor's POV

Malapit ng lumubog ang araw pero hindi ko na nakitang bumalik sa cottage si Zhaldex. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinuyod ng tingin ang buong paligid pero hindi ko parin siya nakita.

Gusto sana ng mga kasama ko na magpahinga na muna ako dahil sa nangyari kanina at itigil nalang ang 'bonding' na kung tawagin nila pero hindi ako pumayag. Sinabi ko sa kanilang ayos lang ako at ituloy ang kanilang kasiyahan dahil minsan lang naman mangyari ang ganitong makapag relax ang lahat.

Nakita ko pang nagulat si Nanz sa sinabi ko ngunit kalaunan ay nginitian niya lang ako.

Kaya nandito parin kaming lahat maliban kay Zhaldex. Nagsasaya sila, yung ibang hindi naligo ng dagat kanina ay naliligo na ngayon, ang ibang naman ay nasa floating mini house.

"May kukunin lang muna ako sa mansion." Sabi ko kay Heinkel na nasa tabi ko.

Sa kabila naman ay si Hazel ang katabi niya habang si Cylem, Nanz at ang mga natirang katulong na sa tingin ko ay kasing edad lang ni Heinkel.

Tumango lang si Heinkel kaya agad na akong tumayo at tinungo ang mansion.

Pag pasok ko ay agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang second floor.

Nagbabakasakali akong baka nasa sariling kwarto si Zhaldex kaya nang bumukas ang elevator ay agad kong tinungo ang kwarto niya.

Bahagya pa itong nakabukas kaya nagderi-deritso lang ako sa pagpasok.

Natagpuan ko siya sa swimming pool ng balkonahe niya. Ang ibang kwarto kasi ay mag swimming pool sa bawat balkonahe. Pag sapit ng gabi ay kusa iyong may umiilaw sa ilalim.

Naka topless siya habang nakasandal ang dalawang siko sa tiles ng swimming pool kung saan sa gilid n'yon ay nakalagay ang isang wine glass at bote ng wine. Hanggang dibdib niya ang tubig at nakatanaw sa papalubog na araw.

"Ang lalim ng iniisip mo ah, dahil ba sa nangyari kanina?" Sabi ko nang makalapit sa kaniya at umupo sa tiles ng swimming pool habang nakalubog ang mga paa sa tubig.

Agad naman siyang napatingin sa 'kin ngunit kalaunan ay nag-iwas ng tingin.

"Bakit hindi ka na bumalik dun? Nag kakasiyahan na sila dun." Dagdag ko pa pero hindi parin siya umimik.

Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa 'min bago siya nag salita.

"I'm sorry. Nahihiya ako sayo kasi hindi ko man lang alam na takot ka pala sa dagat. Akala ko kilala na talaga kita, dun ko napatunayang hindi pa pala. Alam mo 'yong pakiramdam na gustong-gusto kitang lapitan kaso hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ko ba maiibsan ang takot na nararamdaman mo. K-kasi nakita ko 'yung takot sa mga mata mo, nakita ko kung paano ka manginig at masakit para sa 'kin dahil wala man lang akong nagawa. Ang tanging ginawa ko lang ay ang titigan ka habang may kayakap na ibang lalaki, at hindi 'yon ako."

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Bawa't katagang binitawan niya ay talagang umatak sa'kin na lalong nagpagulo sa aking isipan at damdamin. Dahil may parte sa akin na nagsasabing may kahulugan ang salitang binitawan niya. But again, I don't want to assume.

Lumapit siya sa'kin dahilan para bahagyang bumuka ang aking binti and then he encircle his arms around my waist.

"I'm so sorry baby, kasalanan ko kung--"

"Shh-hindi mo kasalanan ang nangyari. Wala ka namang alam kaya hindi mo kasalanan."

Malungkot ang mga mata niyang nakatingin  sa 'kin.

"Iyon nga ang masakit eh, kasi wala man lang akong alam."

Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now