Chapter 1

3.9K 160 22
                                    

Chapter 1
"Four"

"Ate Polka," tawag sa'kin ni Gidgy.

Nakangiti akong bumaling sa kanya. Ibinaba ko ang hawak na paint brush. Kanina, napansin ko ang pagiging tahimik niya at tila may malalim na iniisip.

"Kapag po ba nag-kiss ang girl at boy, mabubuntis na? Magkaka-baby na po sa tiyan?" Kuryusong kuryuso at may pagkabahala sa mga mata niya.

"Kanino mo ba narinig 'yan?"

"Kay Ate Lita po."

Si Lita talaga.

"Mabubuntis na po ba ako? Si Athan po kasi hinalikan ako sa pisngi malapit sa lips." Namumula na ang pisngi niya at nanubig na ang mga mata. "Ayoko pong mabuntis. Ayoko po ng baby sa tiyan. Pa'no po 'yon?"

Napatitig ako sa kanya. Natigilan ako. Nalilito ako paano sasagutin iyon na madali niyang maintindihan.

Tinanggal ko ang suot na gloves. Hinawakan ko siya at mas pinalapit para aluhin.

"Hindi. Hindi gano'n 'yon, Gidgy," malumanay kong sabi.

Ngumuso siya at tumitig sa'kin. Napabuntonghininga ako.

"Hindi nakakabuntis ang halik. Hayaan mo, maiintindihan mo rin 'yon kapag malaki ka na at pumapasok na sa eskuwelahan. Nasa leksyon kasi iyon."

"Talaga po?"

Ngumiti ako at tumango. Inayos ko konti ang buhok niya ng mga daliri ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko. Pinunasan ko rin ang konting luha sa sulok ng mga mata niya.

"Sigurado po kayong walang baby sa tiyan ko?"

I laughed a bit.

"Bata ka pa at hindi pa puwedeng magka-baby sa tiyan. Kaya hindi ka mabubuntis. Hayaan mo, pagsasabihan ko 'yon si Athan. Mali iyong ginawa niya. Kailangan niyang mag-sorry sa'yo."

She pouted even more. Her innocent eyes stared at me, somehow, there's relief in it.

"Iyon ba ang dahilan bakit kanina ka pa tahimik at hindi nakikilaro sa iba?"

"Opo," nakalabi niyang sagot.

"Tahan na."

"Ang sabi po ni Athan, okay lang daw po 'yon dahil crush ko naman siya at crush niya rin ako. Kaya niya ako kiniss. Kapag daw po malaki na kami magpapa-kasal daw po kami. Iyon pong magsasabi ng 'I do' po."

Napakunot ang noo ko. Makulit din ang batang 'yon.

"Mula po ngayon, hindi ko na siya crush. Hindi na rin po ako makikipaglaro sa kanya. Kapag pumunta po siya rito, sasabihin kong break na kami."

Napaawang na lang ang labi ko habang nakikinig sa kanya.

I see how her mood changed pagkatapos niyang sabihin ang inaalala. Bumalik na siya sa mga kasama at nakihalubilo na. Parang nawala na ang pinoproblema.

Si Gidgy at mga kasama niya ay mga bata sa ilalim ng aming foundation. Mag-iisang taon pa lang mula nang simulan ko. Sila ay mula sa mga pamilyang hindi na sila kayang alagaan at buhayin at ang iba naman ay ulila na. Sa kasalukuyan ay walo na sila, edad four hanggang ten. Si Gidgy ay anim na taon na. Hindi namin alam nasaan ang mga magulang niya. Iniligtas siya mula sa tiyahan at tiyuhin niyang pinagbubuhatan siya ng kamay at sinusubsob sa gawaing bahay.

I sighed. Kakausapin ko si Dove, pamangkin niya si Athan. Sutil talaga ang batang 'yon. Sumasama iyon dito tuwing may maliliit na activities. Parte rin kasi ang pamilya nila sa sumusuporta sa maliit na foundation na 'to.

Natawa na lang ako. I shook my head habang isinusuot ulit ang gloves para maipagpatuloy na ang ginagawa. Malapit naman na ako sa isang 'to.

Sinipat kong mabuti ang bawat bahagi ng gulong. Mukhang lahat naman napinturahan na. Tataniman itong malalaking gulong ng gulay. Naisip ko lang pinturahan para maganda namang tingnan.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt