Chapter 35

3.4K 176 61
                                    

Chapter 35
"Back"


"Polka, if you worry about Ham, he doesn't live with us anymore. He moved out and has a place of his own," kinausap ako ni Tita nang kami na lang dalawa.

Maybe she thought it was one of the reasons why I was hesitant to accept her help. Dama ko naman ang inseridad ni Tita, but maybe there's another way. Manila is just too far. At baka rin matapos din agad ang kaso.

"His project here is in progress. So..."

"Thank you so much for your concern, Tita. I appreciate it... Hindi ko na po alam how will I repay you for your help, from then on and now."

"Don't think about it, Polka. Don't think of it as a debt you have to pay. I see you as a daughter, so I'd treat you as my own."

Ngumiti ako. It's all good things that I received from them, yet I only cause trouble. Noon man o ngayon. Hindi ba masyadong nakakahiya?

"Please, consider. My offer stands. Let me know if I can help with anything," ani Tita Dennis bago siya umalis.

Kahit nang umalis na si Tita ay nandito pa rin si Ham. We have not talked since that night. Hindi ko rin alam paano siya kausapin. I still have no idea how he found me. Nagpupunta siya rito alas siyete ng umaga at umaalis naman ng alas siyete ng gabi. Now I am bothered, paano kung siya naman ang mapahamak?

Base sa paunang imbestigasyon sa loob ng tatlong araw, nahagip sa CCTV sa Café at sa main office ang kahinahinalang mga tao. May mga nakapansin din na may umaaligid sa Foundation. Taliwas ito sa pag-amin ng nahuling suspect na wala siyang ibang kasabwat. This strongly believes na may mastermind sa likod nito.

Umiiyak na tumawag sa akin si Lita. Siguro nalaman niya ang nangyari dahil sa imbestigasyon. She might be interrogated by the police as well. "Polka, I am so sorry. Nang dahil sa akin napahamak ka pa tuloy. Hindi ko alam ang gagawin kung may mas malalang nangyari sa'yo."

Paulit ulit siyang humingi ng sorry. Paulit ulit ko ring sinabing hindi niya iyon kasalanan. It's just that there are people who have evil motives. People who don't mind harming others for their own benefits. Paano kaya nila nakakayang manakit? Wala ba silang konsensya?

"Everything will be fine after this case is solved, Lita. Huwag ka ng mag-alala sa'kin," sabi ko.

Mabuti na rin sigurong nasa kanila pa siya para naman maalagaan niya ang Tatay niya. Although, dahil wala si Lita sa foundation baka rin hirap sila. Sana nga ay malutas na ito.

Pero hindi ko alam kung kaya ko bang lumabas at bumalik sa dati kapag natapos na ito. Fear is still lingering in my head and my heart. Maraming negatibong posibilidad ang pabalik balik sa isip ko. It still makes me shiver in fear.

Dala ang meryendang grilled cheese at fresh calamansi juice, mabagal akong naglalakad palapit sa kinauupuan ni Ham. He lifted his face and met my gaze.

Maingat kong inilapag ang para sa kanya sa narang mesa. Saglit niya lang iyong tinapunan ng tingin. Hapon na at nagmi-meryenda na ang iba. Umupo na rin ako sa katapat na upuan.

"Hindi ka lumapit para sa snacks, so I just brought it here," sabi ko.

Nakatuon sa akin ang mga mata niya. Malalim yata ang iniisip niya, halata iyon sa kung paano siya tumititig.

I gathered every strength in my body. I let out a soft breath.

"Thank you for saving me." Tipid akong ngumiti pero nang makita ang kaseryosohan niya ay napakagat na lang ng labi. "Lagi na lang, 'no? I always get myself in trouble."

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon