Chapter 17

3K 123 16
                                    

Chapter 17
"Raisins"


In trying to find an answer to why I got this kind of disease, I learned that there were history of Lupus in Mommy's family line. Kaunti lang ang alam ko sa pamilya nila Mommy because she never tells me stories about them and even about her past before she met my father and married him. Her parents died early, mga anim na taon lang siya noon at tatlong taon naman ang kapatid niya. Hindi ako sigurado sa eksatong kuwento, but she was raised by a relative until she decided to be on her own at napadpad na sa Pilipinas.

According to what she knew, ang great grandmother niya died due to Lupus, nakaranas ng respiratory failure. May Lupus din daw ang kapatid ni Mommy na hindi naman niya nakasamang lumaki at hindi nakilala ng husto dahil iba ang nagpalaki rito. It was her heart that was heavily affected. She died before they met each other.

Up to this day, kung saan advance na ang pag-aaral sa medicine, unknown pa rin ang cause ng Lupus. It is a chronic disease with no cure. Ang nakikitang factor kung bakit nagkakaroon ng lupus ay genetics at puwedeng sa environment. I have both, genetics and environmental triggers ayon sa findings.

I can't believe Ham already made a lot of readings about it. Sa kanya ko pa nga mas naintindihan. Still, I can't fully grasp it, masyadong complex. Pinapakiramdaman ko na lang ang sarili ko. One thing about Lupus, I can be fine one day and be in pain any day. Iyon ang ikinakatakot ko. It filled me with doubts. What if the next flare ups will cost me my life? Paano kung walang babala? Paano kung hindi ko na kayanin?

"Pasensya na, not that I'm trying to be pushy, but why don't we bring Polka abroad already?" puno nang pag-iingat na sabi ni Tita Dennis. She eyes Mommy and Daddy.

"I appreciate your concern, Dennis. Iyon din ang nasa isip ko, but for now, mas mabuti sigurong dito na muna. Unless, hindi na kaya ng gamutan dito."

Marahang bumababa ang balikat ni Tita bago tumango-tango.

"I completely understand. Mahirap din iyong malayo. It may also cause some shock to Polka kung nasa ibang environment." Bumaling si Tita sa akin at ngumiti bago nagpatuloy. "Just let me know if there is anything I can do to help."

"Salamat, Dennis," ani Daddy. "Salamat sa pagbisita ninyo."

Hindi rin nagtagal si Tita at Engineer dahil may flight na hinahabol at importanteng occasion na dadaluhan sa Manila.

Pinakiusapan ko sina Mommy at Daddy na dumito na muna, pero hindi ko sila napapayag. Hindi ko na rin ipinilit ang gusto. I don't want to add more to their worries. We travelled again to Davao. Na-admit ako sa parehong hospital.

I lay in bed, weak and tired. Matinding fatigue ang nararamdaman ko, kapos pa sa pagpahinga kaya may nakakabit na oxygen. Hindi na ako magugulat kung sasabihin ng doctor na kailangan ko ulit salinan ng dugo. Maliban pa roon, it is very uncomfortable bearing with the numbness and tingling sensation lalo na sa lower extremities ko.

Makakatulog ako at magigising na ang puting ceiling pa rin ang mabubungaran. Ang bagal bagal ng oras sa loob ng kuwartong ito. Wala akong magawa. I can't even stand holding my phone to at least chat with my friends nang maaliw naman. Kahit ang makipag-usap nakakapagod.

Hindi ko na nga napigilan pa ang maiyak sa sitwasyon ko. Hot tears trickled down my cheeks. Agad iyong pinunasan ni Ham nang mapansin niya.

"What's wrong?" he says gently.

Umiling ako dahil hindi masabi ang lahat ng frustratios at mga iniisip. Ang bigat bigat ng loob ko. Kahit anong gawing pagpapasigla sa sarili, wala namang epekto.

I moved away a little. Natigilan si Ham sa pag-iwas ko. Tumitig siya sa akin. I could not calm myself down. Tuloy pa rin ang mahina kong iyak.

"Are you hurting? Where is it?"

Get Through the Night (ACATN Book 2)Where stories live. Discover now