Chapter 20

2.7K 115 11
                                    

Chapter 20
"Kidney"

Naupo kami sa couch sa sala, siya roon sa malaki at ako naman sa pang-isahan. Ikinakunot iyon ng noo niya. Tiningnan ko naman siya pabalik na may pagtatanong sa mga mata.

"Move here," he commanded, sa marahang tono nga lang.

Tumayo ako at lumipat nga sa tabi niya. May konting space pa sa pagitan namin. Nawala nga lang iyon nang hilahin niya ako palapit pa sa kanya.

"What are we going to talk about?" Inunahan ko na siya.

Mga ilang segundo pa bago bumuka ang labi niya at nagsalita. "I know it's been really hard for you."

Matama aking nakinig. I calm my thoughts and try to focus on him.

"You've been through a lot. As much as possible I want you to rest and set aside other things if it doesn't concern your health..."

I blew one silent breath. Tila nakaramdam ako ng munting kaba.

"You probably have doubts about our relationship as it was abrupt. Nabilisan ka ba?" His jaw tensed as he speaks.

Nahigit ko ang hininga ko. "H-Ham..."

I just admitted a while ago how I have fully accepted his love for me. Pero hindi iyon dahil sa bilis ng takbo ng kung ano ang meron kami. It was more of our south to north differences. While he is a genius, an achiever and good looking, I am below average, hindi na nga matalino hindi pa nag-aaral at nagsisikap, I don't have any achievements to be proud of and I am not that pretty. Kaya naging mahirap sa aking tuluyang tanggapin na magkakagusto siya sa akin—na mamahalin niya ako pabalik.

"Words aren't guarantee... nor actions."

"Ham, you're different. Alam ko 'yon. I may not know all your thoughts or completely follow the way you think, but I understand a part of it. A part of you."

I shifted my weight to face him more. He is all eyes on me.

"You always assure me every time I feel low with your limited words and with how you act your love to me," madamdamin kong sinabi.

"Polka..."

I smiled upon hearing my name pass through his soft lips.

"Your love overwhelms."

Matindi ang pintig ng puso ko. It's like cheering me to go on. This is one of the rare moments that I get to be deep and intimate with him. Sa ganitong pagkakataon ako nagkakalakas ng loob na ipaalam sa kanya ang mga nasa sulok ng puso ko at pati na sa isip.

"I admit I am still not used to it. The idea of you falling for me still feels so surreal... Kaya siguro nang sabihin mong papakasalan mo ako, iyong takot ko na baka biro lang ang nagpigil sa aking mabilis na um-oo. Pero pumayad din ako kalaunan dahil gustong gusto ko naman talaga iyon."

Nakagat ko ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang marinig ang mga ito galing sa akin. Pakiramdam ko nag-iba na ako. Maybe it is safe to say that it is because of what I have gone through these past weeks and months.

"I'm sorry that I have doubts. Dati iyon, ngayon, hindi na."

Sa klase ng titig niya masasabi kong malalim ang iniisip niya. It is nice to see a little bit of his thoughts and his feelings through his eyes now na mahirap sa akin dati. Hindi dahil magaling na ako sa pagbabasa sa bawat ekspresyon at kilos niya pero dahil ibinaba niya na ang depensa niya para makalapit ako sa kanya nang ganito... nang napakalapit.

"Kung tungkol sa nararamdaman ko sa'yo ang pag-uusapan natin, then ito na iyon." Huminga ako ng malalim. Nagbaba na rin ako ng tingin sa kandungan ko.

His hand reached me. His warm palm held my face at unti unti itong inangat para maglebel ulit ang mga mata namin. I gaze at him with softness and weakness. Hindi ko inaasahan ang monti niyang ngiti.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon