Chapter 23

1.9K 101 10
                                    

Chapter 23
"Blindness"


Ham pulled over before we could even go near our gate. Ilang minuto na rin kaming nakatigil. Walang nasasalita. Ilang sandali na lang tuluyan nang maggagabi.

"Tinuloy mo pa rin?" I dare break the silence.

My mind is in chaos. Naguguluhan ako sa dapat na sabihin o dapat gawin. Ang akala ko ay nabago ko na ang isip niya tungkol sa parteng iyan.

I fumbled for words sa paglala ng kaguluhan sa isip ko. Magulo na rin ang nararamdaman ko. Mabigat ang dibdib ko.

Kaya ba tahimik siya noong nagtapat ako? Kasi siya rin may nililihim?

"Ham, why?"

Sa wakas ay hinarap ko siya. His one hand is still holding the steering wheel. Ang kanyang mga mata ay diretso sa harap.

"It's better this way."

I don't see any better about it.

"We talked about it!" Hindi ko sinasadyang itaas ang tono ko. Agad akong huminga para pakalmahin ang sarili bago nagpatuloy. "You don't have to do it. You don't have to sacrifice your studies."

"I am not sacrificing anything. This is my choice." He faced me with his cold gaze.

"It's your studies, Ham," pagbibigay diin ko.

"That can wait."

"Pero puwede ring hindi na," giit ko.

"Let's not fight over this," kalmado niyang sabi.

"This isn't what I want for you, Ham," bigo kong sambit.

Buong lakas kong tinulak ang pinto pabukas at bumaba ng Rubicon kahit na nanghihina. I am holding my tears back. Sinubukan kong bilisan ang hakbang kahit wala na akong makita dahil madilim na. Nasa unahan pa ang poste ng ilaw kaya hindi na abot sa gawing ito.

It's so easy for Ham to reach me. Hinuli niya ang siko ko. Nanginig ang balikat ko lako na nang gumapang ang kamay niya sa tiyan ko. He pulled me. My back hit his body. Niyakap niya ako mula sa likod. I am rooted in place.

"This is not what I want for us," I said, too disappointed to sugarcoat it.

"This is what I want for us." He remained calm.

"It's your future... Need I say more?" My frustration grew feeling his calmness despite the situation.

Dama ko ang pagyuko niya. Mas mahigpit ang yakap niya sa tiyan ko. Marahan niyang binaba ang ulo padantay sa ulo ko.

"Kung maiiwan at mapapabayaan kita just because of it, then I don't see any future."

"Ham, this isn't you!"

"This is the real me, Polka," malambing niyang sinabi habang binababa ang kanyang mukha sa leeg ko.

"Ang alin? Gumawa ng padalos dalos at maling desisyon? I-I thought you hate stupidity? This... This is one of these." I tried to remove his hold from me para makalaya pero lalo lang niyang hinigpitan ang kapit.

"Mag-usap tayo kapag kumalma ka na."

"No, Ham. Don't try to deceive me. You will just manipulate me into believing your words."

He laughed a bit. Hindi ko inaasahan ang pagtawa niya sa sitwasyong ito. I don't think he should be amused at this time when we are talking about something important.

"Hindi ko gagawin iyan."

Sinubukan ko ulit kumawala sa kanya. I am breathing fast as I hit his hand around me para bitawan niya ako.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Where stories live. Discover now