Chapter 39

3.1K 153 27
                                    

Chapter 39
"Donor"


For the third time, Mommy visited me. Galing siyang Massachusetts. Kahapon siya dumating at sa bahay ni Tito Leo na nagpalipas ng gabi. Alas tres ng hapon nang salubungin namin siya ni Tita Dennis sa foyer ng mansyon.

"Bueno, I'll leave you two. Please do call the maids if you need anything, Pia," ani Tita Dennis at iniwan na kami pagkatapos nilang magkausap ni Mommy.

"Thank you, Dennis," sagot ni Mommy.

Tumuloy na kami ni Mommy sa kuwarto ko. She already knows that I will be going home next month. Sasama rin siya pag-uwi ko ng Bukidnon.

"Kumusta ka rito?" tanong ni Mommy pagkaupo sa couch ng aking kuwarto rito sa mga Montalba. Hindi na iyong dating tinutuluyan ko. This is bigger. Malapit sa kuwarto ni Ham. If I heard it right, para ito kay Pepper pero ayaw pa nitong lumipat.

"I'm fine here, Mommy. Tita Dennis always makes sure that I am comfortable. We do a lot of things together. Sometimes sinasama niya ako sa trabaho and it's really nice."

Tipid na ngumiti si Mommy.

"Kayo po? Uhm, how long are you staying?"

"I have a month before going to Thailand, but it will be a short stay there."

Tumango ako. "Si Tito Leo po?"

"He is also busy with business. He wants to have lunch with us. Nag-alala rin sa'yo nang nalaman ang nangyari."

"Maybe we can have one bago po ako bumalik ng Bukidnon."

"I'll tell him that."

Matagal na ring annulled ang kasal nila Mommy at Daddy, but I still haven't heard any wedding plans from Mommy. Sinabi ko naman sa kanya dati na kung gusto niyang pakasalan si Tito Leo ay hindi naman ako kukontra. At kahit pa si Daddy may plano na ganoon ay hindi rin ako tututol.

Mommy's eyes watch me. Namuo ang katahimikan. I see curiosity in her eyes hanggang sa naisatinig niya na iyon.

"Hindi ka pa ba inaaya ni Ham na ituloy ang kasal niyo?"

Natigilan ako.

"I see the boy still wants you. I think you two deserve to be together again after everything. Mas magiging panatag din ako kung makikita kong masaya ka na ulit."

"Mommy, I'm happy," agap ko. It's true.

"Yes. But you can be happier."

Bumagsak ang balikat ko kasabay ng isang buntonghininga. Nagbaba ako ng tingin.

"Hindi ba sinabi mo sa'kin dati, you will fight so you'd be able to see Hamlet succeed? At habang hinihintay iyon gagawin mo rin ang mga gusto mo. You thought that you were so low for not achieving anything for yourself."

She reached my face. Hinaplos niya ang aking pisngi. Nasulyapan ko ang luha sa gilid ng mga mata niya.

"You've come so far and you've done a lot now, anak. Kaya bakit hindi mo pa hayaan ang sarili mong maging masaya ng buo?"

"Ang hirap po kasi..." nahihirapan kong pag-amin.

"What's making it hard?" malumanay niyang sabi.

"Takot ako, My. Ang dami kong takot. Kaya ang hirap-hirap." I swallowed hard. Naninikip ang dibdib ko. "Although, I'm healing from the damage that Lupus caused me... it's possible that my other autoimmune diseases go active and aggressive."

"But it calmed down. Wala pa namang nakikitang threat."

"Hangang kailan, My? At hindi ba ang sabi ng doktor, puwede pa ring mag-fail ang kidney-ng ito any moment? How about my lungs? My heart? They might give up on me also just when it seems calm."

Get Through the Night (ACATN Book 2)Where stories live. Discover now