RYLP 4

84 3 0
                                    

Chapter 4

I didn't know how I managed to pulled him out of the O.R. Hinila ko siya at inakbay sa akin ang braso nito, sa bigat niya ay hindi kami makapaglakad ng maayos. Pero hindi iyon pumasok sa isip ko kanina, dahil nang makita ko ang mukha niya, alam kong kahit anong oras pwede na siyang mawalan ng malay.

Iniupo ko siya sa pinakamalapit na waiting area, hingal ko siyang tinignan at nagpamewang sa harap niya. Kung normal na pagkakataon 'to, baka nasapak ko siya sa biglang pagyakap sa akin. Pero alam kong hindi siya nagsisinungaling o gumagawa ng pakulo, dahil namumutla na siya ngayon.

He lowered his head as he tried to calm himself, that's when I realized that he was still holding my right hand tightly. He is not just holding it, he's gripping it! Like his life is depending on it.

Gusto kong bawiin, pero hindi ko alam kung paano. Parang takot na takot siya, this is the first time I saw him in a vulnerable state. The first time he showed his weakness. All this time I look at him as a strong and emotionless person. But the Cian that's in front of me right now, is way different than what the people always see.

"Ayos ka na ba? Kukuha akong tubig." marahan kong tanong sa kanya, akma akong maglalakad para kumuha ng tubig nang mas higpitan niya ang hawak sa kamay ko.

Kumunot ang noo ko at bumaba ang mata roon. He gulped and breathed heavily.

"Just stay here..." he almost whispered.

Mabilis naman akong tumango at hindi umalis sa harap niya. His eyes are lost and in deep wonders, like a kid being traumatized by a movie.

Saan ba siya natakot? Sa dugo? Sa itsura ng naaksidente kanina? Iyon lang naman ang huli naming nakita, tapos ay bigla nalang siyang naging ganito. May trauma ba siya sa mga ganoong bagay?

Hindi kaya dahil sa nangyari sa kapatid niya?

Tama nga siya, hindi siya pwede maging doctor.

Minutes passed and I didn't even dared to asked what triggered him, or what scared him. Pakiramdam ko, wala ako sa posisyon para magtanong ng mga ganoon. Lalo na't pakiramdam ko, may kinalaman iyon sa personal niyang buhay.

The fact that I saw him like this, was already too much. An overwhelming revelation.

Nang mag normal na ang paghinga nito, bumalik na rin ang kulay sa mukha niya. He gathered himself before standing up, pinanood ko ang bawat galaw niya, dahil baka bigla siyang matumba. Pero hindi naman, mukhang nakabawi na nga.

Binitawan niya na rin ang kamay ko, natahimik ito ng sandali bago nagsalita ngunit hindi na ako tinignan.

"I'm going home." paalam niya, bumalik na ang lamig at awtoridad sa boses nito.

"Sige... baka kailangan mo nang magpahinga. Kaya mo bang pumunta ng parking mag isa? Sasamahan kita..." presenta ko, lumipat ako sa harap niya para makita ang reaksyon niya.

He coldly bore his eyes on me, he hardly blinked and looked away. Ano? Napagtanto na niya ang ginawa niya kanina? Base sa ekspresyon sa mukha nito, parang sising-sisi siya na naipakita niya ang kahinaan niya sa akin.

His stares are already burning and his aura went back to being dark.

"No, I'm fine. Go back to your lab." naglakad na ito at iniwan ako.

Hindi man lang nag thank you. Paano kung wala ako roon? E'di tumumba siya? Kung hindi ko siya inalalayan at inantay baka hindi pa siya kumakalma.

Tignan mo 'tong lalaking 'to. Siya itong nagsabing wag ako aalis sa tabi niya at ang yumakap saakin! Tapos ay iiwan niya ako rito ni hindi man lang nagpasalamat!

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now