RYLP 14

120 5 0
                                    

Chapter 14

"Cian..." wala sa sarili kong tawag. Parang kinukumpirma ko kung siya ba iyon kahit na alam ko naman na.

Lumapit ito sa kinatatayuan ko at pinasadahan ako ng tingin. Ang mga ilaw muli sa mga gusali ay nakikita sa mga mata niya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko nang makabawi kahit nagtatambol ang puso.

Hindi siya nagpakita sa akin buong araw, ngayon na nawalan na ako ng pag asa na makikita ko siya ay bigla siyang susulpot sa harapan ko. Ang galing niya ang paglaruan... pero masaya ako ngayon? Naiiyak ako sa saya.

"I want you to celebrate your birthday with me." mariin niyang sagot.

Ayan diyan ka magaling, sa pagbibigay ng mga ideya at pag asa sa akin. Matapos nito ay mawawala ka ulit. Bumuntong hininga ako at yumuko.

"B-Bakit?" balik ko sa kanya, sinusuri siya.

Natigilan ito at bahagyang tumaas ang isang kilay. Parang hindi handa sa tanong ko, ano iniisip niya ba na dahil nandito na siya at may dalang mga pagkain rito sa rooftop... Ay papayag ako agad? Na parang nagparamdam man lang siya ngayong araw?

"Y-You don't want?" naguguluhan niyang tanong.

Ako ngayon ang natigilan at napa tingin lang sa kanya. Biglang bumalik sa akin ang tanong niya at ako ngayon ang na-corner. Hindi ko alam kung anong isasagot, o paano siya sasagutin.

"B-Bakit hindi mo muna sagutin ang tanong ko?" tinaasan ko rin siya ng kilay. Halos mabuwal na sa kinatatayuan.

Imbis na sagutin ako, natawa lang ito. Umiling-iling siya habang naka ngiting pinapanood ako. "Are we really gonna fight tonight?" marahan ang paraan ng kanyang pagtatanong.

Ngumuso ako at umiwas ng tingin. Bakit nga ba ako nagsusungit? Ano naman kung hindi siya nakapunta sa ospital at hindi nagpakita buong araw? Obligasyon niya bang puntahan ako? Hindi naman.

Ano bang nangyayari sayo Lyra?

"H-Hindi..." bawi ko.

"Are you hungry? Do you want to eat already?" lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang braso ko, yumuko ito para makita ang mukha ko.

Mabilis naman akong napa iwas ng tingin. Ngayon ko lang naalala na hindi pa nga ako kumakain, anong oras na ba? Ilang oras ba akong nag antay sa ospital?

Lumipat ang mata ko sa mesa na may naka ayos na pagkain. Nakaramdam na tuloy ako ng gutom. Tumango ako sa kanya, wala namang patutunguhan kung makikipag away ako.

"Para sa atin ba iyan?" tukoy ko doon sa mesa.

"Yeah..."

Bakit niya ito ginagawa? Bakit gusto niyang kasama ko siyang mag celebrate ng birthday ko? Ano ba siya buhay ko?

"Tara na pala." At gutom na ako kakaantay sayo sa ospital, dahil hindi ka man lang dumaan.

Tumango ito at inalalayan akong pumunta sa mesa, siya pa ang naghila ng upuan para makaupo na ako. Umikot na ito, at umupo sa harap ko. Bumaba ang mata ko sa cake na may naka sinding kandila, ang init noon ang ay parang umabot sa puso ko at humahaplos doon.

"Let's eat." aya niya, bakas ang kasiyahan sa mukha nito.

"S-Salamat rito Cian... Hindi mo naman ito kailangan gawin."

He glanced at me. "I know... But let me do this. Allow me to do these things Lyra. These are just the things I can do for you right now." puno ng pagsusumamo ang boses niya.

Ang sinabi niya ang nagpadala lang ng kaguluhan sa isip ko. Bakit may kailangan siyang gawin? At bakit hanggang dito lang ang magagawa niya?

"Wala ka namang kailangan gawin."

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now