RYLP 22

120 4 0
                                    

Chapter 22

Hinatid na ako ni Cian pag uwi kagabi, ilang minuto pa kaming nanatili sa sasakyan bago kami tuluyang umalis sa bahay nila Abemus. Kitang-kita ko kung paano kinakalma ni Cian ang sarili at pilit na wag bumalik sa loob para suntukin ulit si Abemus.

Tinatanong niya ako kung gusto kong ireklamo si Abemus, pero hindi na ako pumayag. Base sa ginawa sa kanya ni Cian matatakot na iyon umulit. At pag lumaki pa ito, mas liliit at hihirap ang buhay ko sa Monroane, gusto ko na lang mabuhay na malayo sa gulo. Hindi naman niya ako pinainom ng may droga o ano, pero hindi ko na hahayaan na mangyari iyon ulit.

Ayaw pa akong sang ayunan ni Cian, gusto niyang kasuhan si Abemus ng kahit anong kaso na pwedeng isampa sa kanya. Tutulungan niya nanaman ako kung ganoon, madadamay nanaman siya. Paano kung lumala ito, at maungkat ang ginawa niyang pagtakas sa akin sa Astalier? Ayoko nang madamay pa si Cian sa kahit anong kaguluhan sa buhay ko.

Unknown number:

Where are you?

This is Cian.

Dahil hindi niya ako napilit kagabi, hiningi niya na lang ang number ko. Mas mabilis niya raw akong macocontact dito at sabihan ko raw siya kung may kailangan ako. Lalo na, kung aalis akong mag isa.

Hindi niya naman kailangan gawin 'to lahat, hindi ko na alam kung paano ko masusuklian lahat ng kabutihan niya. Bumuntong hininga ako matapos mabasa ang message, wala pang isang araw na hindi kami nagkikita hinahanap niya na ako agad.

Lyra:

Sa Cafeteria, lunch break.

Nang maka reply ako ay isinave ko na ang number niya. Mabilis siyang nagreply.

Cian:

Are you alone? Or are you with someone?

Lyra:

May kasama ako, kaklase ko.

Cian:

Name?

Napakamot ako sa sintido, ang bilis niyang magreply mukha wala siyang ginagawa at may oras pa siyang itanong kung ano ang pangalan ng kasama ko.

Lyra:

Manzi,

Cian:

A guy?

Lyra:

Oo, kaibigan ko siya Cian.

Paglilinaw ko, mamaya ano ang isipin niya at sumasama na lang ako sa basta-bastang lalaki.

Cian:

Full name?

Napa lakas na ang paglabas ko ng hangin, dahilan para tingnan ako ni Manzi na busy kumain. Kumunot ang noo niya nang makitang kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko.

"Bakit?" pagtataka niya, umiling nalang ako at nagreply na ulit kay Cian.

Lyra:

Manziel Alvrez, 20. Medical Technology, first year student. Bacoor, Cavite, Philippines.
Gusto mo pa ba ng social accounts niya?

Ilang minuto bago siya naka reply, binasa niya pa ata lahat.

Cian:

No.
That will do,
Enjoy your lunch.

Napangisi ako sa reply niya, akala ko may itatanong pa e. Muli akong binalingan ni Manzi at pinanliitan ng mata. Iniwas ko ang tingin at ibinaba na sa cellphone.

Lyra:

Okay, ikaw rin.

Cian:

Anong oras ka uuwi?

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now