RYLP 31

112 4 6
                                    

Chapter 31

"Are we sure she has already regained her memory? All of them?" narinig ko ang pamilyar na boses ni Mama.

"Hindi pa natin malalaman kung nakabalik na ba ang lahat ng ala-ala niya, we can ask her when she woke up. O pwede rin naman na isailalim siya sa test para makita ang pag function ng utak niya. Iyon ay kung papayag siya." it was an unfamiliar voice that answered.

I heard them sighed in chorus. Nakapikit pa ako pero parang alam ko na kung ano ang nangyayari. Ang huling naaalala ko, hinimatay ako sa kwarto ni Cian dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Maybe the revelation that I am his wife, triggered my memory and my brain suffered.

"How did she even enter the penthouse if she hadn't recovered her memories?" si Mama ulit, bakas ang pag aalala sa boses niya.

"Sinabi mo ba Cian? Did you tell her something that will trigger her memory?" si Papa.

"Wala po akong sinabi. Naabutan ko na lang siyang nakatayo sa loob ng kwarto ko. The last time I talked to her, she pushed me away..." nanikip ang puso ko sa tugon ni Cian.

"Sinabihan ka na kasi namin! Wag ka munang lalapit sa kanya! Tignan mo tuloy ang nangyari. Your presence might be enough to trigger her memories!" sigaw ni Mama. What is happening?

"Devana!"

"I'm just telling the truth! Bakit kasi ayaw makinig niyang anak mo?! Mapapahamak na naman si Lyra dahil sa kanya—"

"Mommy! Bakit ba binubunton niyo kay Kuya Cian lahat? Hindi niyo ba naisip na kung hindi dahil sa kanya baka hindi pa rin bumabalik ang ala-ala ni Ate? Ano? Gusto niyo bang ganyan na lang siya habang buhay? Kuya Cian even helped her!" putol ni Eanah.

Gulong-gulo na ako dahil kahit isa wala akong naiintindihan sa pinagtatalunan nila. Bakit sinisisi nila si Cian? Anong pwede na naman akong mapahamak? Kahit ramdam pa ang pagsakit ng ulo ay pinilit kong dinilat ang mata at bumangon sa kama.

Ang unang bumungad sa akin ay ang kulay abo na kisame, umupo ako sa kama at iginala ang paningin sa paligid. Sa harap ko ay tumambad sa akin ang malaking picture namin ni Cian, agad na kumalat ang init sa dibdib ko. Nasa kwarto niya pa rin ako. Kaming lahat.

"Ate!" nagtama ang mata namin ni Inah, gulat siyang tumakbo sa akin.

Nagtinginan silang lahat sa akin at bakas ang gulat sa mga reaksyon nila, parang kanina pa nila ako inaantay magising pero hindi inaasahan ang bigla kong pagbangon.

"Lyra!"

"Anak!"

Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Kumpleto pala kami ngayon. Nandito si Papa, Mama, Inah, ang asawa niyang si Wyatt at si Cian. May isang doctor rin na katabi nila Papa. Umupo sa tabi ko si Inah at nag aalala akong tinignan.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Ate? Kamusta ang pakiramdam mo?" marahan niyang tanong, dumaan ang sakit sa dibdib ko.

They all knew. All this time. But no one told me.

"A-Ayos na ako..." pinilit ko pa rin sumagot.

"Anak, I know everything might be hard to process now but Doc Hernandez will ask you some things. Is that okay?" lumapit sa tabi ko si Mama, tiningala ko siya bago tumango.

Lumapit na sa akin ang doctor, tumayo na si Inah para bigyan ng espasyo ito. Ramdam ko ang mainit na titig sa akin ni Cian, nagtama ang mata namin. Nakatayo lang siya sa likod ni Papa at biglang uminit ang mga mata ko. Bakit siya nakatayo sa malayo? Hindi ba dapat siya ang nasa tabi ko?

"Lyra? How are you?" tanong sa akin ng doctor.

Huminga ako ng malalim, lahat sila ay pinapanood ako. "I'm fine..."

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now