RYLP 6

162 4 4
                                    

Chapter 6

Nagpadala ako sa hila sa akin ni Cian dahil sa gulat, hindi lang dahil doon ngunit tama naman talaga siya. Uuwi na siya, at ganoon rin ako. Maiiwan naman talaga si Adder sa ospital dahil duty niya. Pero ang paraan ng pagkakasabi niya, ang nakapag papigil ng reaksyon ko.

Ganoon ba talaga sila? Parang laging mainit ang dugo sa bawat isa. Mamaya ako pa ang maging dahilan ng away nila dahil pinagsama ko sila, maling desisyon pala ang pag sabayin sila sa iisang lugar.

Nakaabot na kami ng parking ng ospital, huminto lang kami nang makita niya na ang sasakyan niya. Kinuha ko nang pagkakataon 'yon para mabawi ang kamay ko. Dahan-dahan kong binawi iyon sa hawak niya. Doon niya lang ata napagtanto na hawak niya pa ang kamay ko, napalingon ito sa akin, matapos ay sa kamay kaming magkahawak.

Nang maramdam niya iyon, ay siya rin ang bumitaw sa akin.

Hindi ko alam kung ngingiti ako sa kanya, magpapasalamat o pag sasabihan siya dahil iniwan namin si Adder sa restaurant. Pero mukhang kumalma na siya, at ayaw ko nang ipaalala si Adder sa kanya. Mamaya ako pa ang mapag-buntungan niya ng iritasyon niya.

"S-Sige... Aakyat pa ako para mag palit at kunin ang gamit ko. Pwede ka nang umuwi, at hindi na ako hintayin." paalam ko sa kanya, at handa nang umalis.

"It's okay, I'll wait." sagot niya.

Bahagyang nanlaki ang mata ko, ngunit binawi ko iyon agad. Ayokong makita niya na naapektuhan ako sa kanya.

Bigla akong napaisip, aantayin niya ako? Ibig sabihin ay inantay niya rin ako noong nakaraan?

Hindi ko alam kung maweweirduhan ba talaga ako sa kanya o ano, tumango nalang ako at tumalikod na para magsimula nang maglakad. Habang naglalakad papuntang elevator, ay nagpapasukan ang mga tanong sa utak ko. Marami na akong tanong tungkol kay Cian, at pakiramdam ko kahit ilang sagot ang makuha ko hindi pa rin sapat.

Tuwing may nalalaman ako sa kanya, mas nadadagdagan lang rin ang mga tanong ko. Mas nahihiwagaan ako, mayroong bagay sa kanya na hindi ko mapunto kung ano. Pero alam kong dapat kong malaman, hindi ko lang alam kung paano.

Pakiramdam ko pag nalaman ko iyon, mareresolba lahat ng tanong sa utak ko.

Bumalik nga lang ako para magbihis at kunin ang gamit ko, pagdating ko ay wala na rin si Manzi. Baka nauna na rin umuwi, dahil wala ako kanina. Pagbaba ko, ay naroon pa rin talaga siya, naghihintay habang naka krus ang braso sa dibdib at nakasandal sa Bently niya.

Mabilis akong nahanap ng mata niya, at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Katulad ng ginawa niya dati.

Ano? Kukuwestsunin niya na naman ako?

Matino naman ang suot ko, naka puting long sleeve ako at itim na pantalon. Masyado nga itong basic, at balot na balot, ewan ko na nlang kung may masabi pa siya. Hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga habang naglalakad.

Ngunit hindi katulad noong nakaraan, kabaliktaran ang inaasahan kong reaksyon niya. Sumilay ang ngisi nito sa labi at tumango-tango. Parang, kuntento na sa nakita. Inantay niya akong makalapit sa kanya bago siya umayos ng tayo.

"That's better." komento niya ngunit pabulong lang, napanguso ako dahil narinig ko iyon.

Ang alin? Ang lakad ko? Galaw ko o ayos ko?

Naglakad na ito papasok ng sasakyan niya, kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Napapansin ko rin, na laging magkalapit ang sasakyan namin. Nagkataon lang ba 'yon? Para binili niya na iyang pwesto ng sasakyan niya at diyan siya lagi.

Nauna na akong umalis sa kanya, dahil mukhang wala naman siyang balak mauna. Katulad ng inaasahan ko, ay sumunod nga rin ito agad sa likod ko. Hindi na ako nagulat, at kung susundan niya ako hanggang tower ng condo ko, hindi na rin ako magtataka.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon